Chapter 16: After the Tragedy.

92 11 0
                                    

PRIM'S POV.

Matapos ang pangyayaring iyon noong nakaraang Acquaintance Party ay pasukan nanaman.

Mag isa akong naglalakad papasok ng campus, nagulat na lang ako dahil nakatingin ng masama saakin ang mga kapwa estudyante ko.

Napayuko na lang ako at muling nag patuloy sa pag lalakad, sa aking pag iwas sa masasamang tingi'y hindi ko namalayang may mabubunggo na ako. Mabuti na lang at si Shar ang nabunggo ko.

"Oh, Shar. Anong nangyari sa'yo? Bat parang nagmamadali ka ata?"

"Eh pa'no ba naman? Iniiwasan ko ang masasamang tingin ng mga estudyante dito. Bat ba gano'n sila makatingin ngayon?" Bulong nito.

Napalinga linga ako sa paligid at nakitang pasimple silang tumitingin ng masama saamin.

"Napansin mo rin pala. Bat nga kaya ang sama nilang makatingin?"

"HI GEEEEEEERLSSSS!" Napalingon kami ni Shar sa sumigaw at nakita ang tumatakbo papalapit saamin na si Fletch.

"Oh? Bakit?"

"Wala naman. Anong ginagawa niyo dito? Tara do'n tayo sa canteen nandoon na sila." Sabi nito at hinila kami papunta sa Canteen. Wala naman kaming nagawa kundi ang sumunod na lang.

Narinig ko pa ang mga tao sa paligid namin na nag bulungan. Isinawalang bahala ko na lang 'yon.

×××

Hapon na ngayon at huling subject na namin, may 20 minutes break kami kaya pumunta muna ako sa canteen at doon ay nakita ko sina Shar na kasama sina Elissa.


Hindi naman kami nag tagal dahil tumunog na ang bell kaya sama sama kaming nag lakad palabas sa canteen.

"Ah mauna na kayo guys, dadaan muna ako sa locker ko may nakalimutan kasi ako." Paalam ko sa mga ito.

"Sige, kita na lang tayo mamaya!" Tinanguan ko lang sila at kinawayan.











Sasarahan ko na sana ang locker ko nang bigla itong sumara ng malakas na sa sobrang lakas ay muntik pang maipit ang kamay ko. Napatingin ako sa nag sara ng locker ko at nakita ko ang So Girls.

Sobrang sama ng tingin nito saakin.

"Do you so know na simula noong dumating kayo dito sa school ay may mga nangyayari nang masama kila Vexx, huh?!" Sabi ng pinaka matangkad sakanila.

"A-anong gusto mong sabihin?"

"Their life was so tahimik when you're not here pa, but when you came, nabago ang tahimik na pamumuhay nila!" Sabi naman ng kulot sakanila.

"H-ha?"

"Stop acting like your soooo innocent. All of the students here think that you're the one who's may pakana sa lahat ng gulong nangyayari!" Sabi naman ng babaeng mukhang clown sa kapal ng make up.

"Are you blaming me for what's happening to them?!"

"Yes! Dahil simula ng dumating ka dito, puro gulo na ang dala mo!" Sigaw sa'kin ng matangkad na babae at nagulat na lang ako dahil sinampal ako nito.

Napakurap kurap ako at naramdaman kong tumulo ang luha ko sa mainit na pisngi ko.

"Isa kang malas!" Sigaw ng isa pa at walang ano ano'y sinabunutan ako.

"A-aray! Tigilan niyo 'ko!"

Mangiyak ngiyak kong sabi.

Pero tila wala silang narinig at patuloy pa rin akong sinasaktan. Naramdaman kong pinunit ng isa sakanila ang blouse ko dahilan para muntikan nang makita ang dibdib ko, buti na lang at natakpan ko agad.

Madami na ang nanunuod saamin pero wala ni isa ang nag tangkang umawat. Sobrang init na ng mata ko dahil sa kakaiyak.

Hindi ko makuhang lumaban.

Naramdaman ko na lang na wala nang nananakit sa'kin at wala na ring sigawan sa paligid.

Minulat ko ang mata ko at napatungo, nakita ko si Dustin na nakatayo at nakasandal sa locker na kaharap ng kinatatayuan ko at nakita ko kung gaano kasama ang tingin nito sa mga taong naroroon.

"D-dust.." Bulong ng isa.

Napa-upo ako dahil na rin sa pagod at sakit na nararamdaman ko.

“In a count of three.”

Nang sabihin iyon ni Dustin ay bigla na lang silang nag takbuhan at ang kanina'y maingay at mataong hallway ay biglang natahimik, kaming dalawa na lang ang naiwan.

"Tss."

Lumapit siya saakin at umupo sa harap ko. Tiningnan niya ako habang ako naman ay nakatakip pa rin sa katawan ko.

"You, okay?"

Napayuko lang ako at umiling habang patuloy na tumutulo ang luha saaking mga mata.

"Tss."

Tumayo siya at tinulungan akong tumayo. Nang makatayo ako ay sandali niya akong tiningnan at walang ano ano'y hinubad niya ang jacket niya at isinuot saakin. Tsaka niya ako hinila kung saan.

Hanggang sa makarating kami sa isang silid aralan na hindi pamilyar saakin. Kumatok si Dustin at in-excuse niya si Elissa. 'Eto pala ang room nila.

"Owemji! What happened to you, Prim?" Nakahawak sa magkabilang pisngi niyang sabi ni Elissa.

"Tss. Pahiramin mo muna siya ng blouse." Sabi ni Dustin sakanyang kapatid at biglang nag lakad palayo.

Hinawakan ako sa kamay ni Elissa at dinala sa Student's Government Federation Office.

Pinaupo niya ako sa sofa at tiningnan ako.

"Anong nangyari?"

"Ako ang sinisisi nila sa mga nangyayaring masama kila Dustin. Sinaktan nila ako." Muli akong napaiyak at napahagulgol.

"Sssh. Sino ang may gawa niyan sa'yo? Bat hindi ka lumaban? Sabihin mo sa'kin kung sino at ako ang bahalang mag bigay ng punishment sakanila."

Umiling ako.

"Hindi na, 'wag na. Lalo lang silang magagalit sa'kin. Hayaan na lang natin."

Napabuntong hininga siya.

"Okay. Pumunta ka na sa CR at mag palit ka na, ikukuha lang kita ng blouse." Sabi niya at tumaas sa second floor.

Dumeritso naman ako sa CR at agad na hinubad ang blouse ko pagkapasok sa CR.

"Prim kasya ba 'to sa'yo?"

Nagulat ako sa biglaang pagpasok ni Elissa sa CR kaya napatalikod ako at naitakip ang blouse ko sa katawan ko. Nakita kong may kung anong tini-tingnan siya nang naka-kunot ang noo.

"A-ah.. satingin ko kasya naman 'yan sa'kin." Sabi ko at hinila agad ang blouse niya at tinulak siya palabas.

"Thankyou Elissa!" Sabi ko at agad na ni-lock ang pinto.

"Sht." Napamura ako ng mahina.

Nang makapag bihis na ako ay lumabas na ako at hindi na si Elissa ang nadatnan ko kundi si Dustin.

Agad akong lumapit sakanya at tumayo sa harap niya. Tumingala siya sa'kin.

"Thankyou sa jacket at sa tulong mo."

Kumunot ang noo niya.

"Sa'yo na 'yan, hindi ako nag su-suot ng damit na may gumamit nang iba. Baka mamaya may putok ka pa diyan. Tss."

Napakunot ang noo ko.

"WOW ha? I can't even! Ako? May putok? Sa ganda kong 'to? Are you kidding me?!"

"Tss."


×××

THANK YOU FOR READING! DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT! ALYVYOU <3

FOR IMPORTANT UPDATES FOLLOW ME AND MESSAGE ME AT:

Twitter: @Muriaticalyy_
Instagram: @muria.ticalyy
Facebook page: https://www.facebook.com/MuriaticalyyOfficialPage/

THANK YOU!

-m u r i a t i c a l y y ♡

With All My HeartWhere stories live. Discover now