Chapter 35: Secret Admirer.

48 11 3
                                    

Das' POV.


"Ano 'yan?"

Nagulat ako sa nag salita kaya naman ay naitago ko sa likod ko ang isang bouquet of roses na mayroong maliit na card na kung saan ay nakasulat ang pangalan ko.

"A-ate.. andiyan ka pala." pilit na sinisilip ni ate ang itinago kong bulaklak.

"Ano 'yang tinatago mo?"

"W-wala 'to ate." huminto siya sa pagsilip sa likod ko at tiningnan ako ng sobrang seryoso.

"Das Curtis."

sht.

Sinabi na niya buong pangalan ko, aish.

Wala akong ibang nagawa kundi ipakita sakanya ang hawak ko.

"Oh ano 'yan?" napatingin ako sa dumating, si Shar pala kasama sina Elissa.

"because you make me smile, I hope that this flower will make you smile too. —secret admirer." binasa ni ate Prim ang nakasulat sa card, nakita kong unti unting napakunot ang noo niya.

"Sino nag bigay nito?"

"H-hindi ko alam. Ate.. 'wag kang magalit please." magkadikit ang dalawang kamay na sabi ko.

"Bat ako magagalit?"

"Ayieeee si Das dalaga na, may nag bibigay na ng flowers." pang aasar ni Fletch.

"Ang sweet naman no'ng nag bigay sa'yo niyan." kulang na lang ay maging puso ang mga mata ni Shar.


Napabuntong hininga ako.

"Sainyo na 'yan." sabi ko sakanila dahilan para matigilan sila.

"Ha? Bakit?"

"Ilang araw na rin akong nakakatanggap ng mga regalo, at isa pa hindi ko naman kailangan 'yan."

"Ano ka ba! Tanggapin mo pa rin, nakakahiya naman sa admirer mo!" sabi ni Amie.

"Malay mo, gwapo pala 'yong admirer mo!" sabi naman ni Elissa na parang nagi-imagine pa, napairap ako at napailing iling.

"Wala akong pake. Hindi naman ako nag-mamadali eh, at isa pa hindi naman requirements ang pagbo-boyfriend sa pag-aaral." napatango tango ang kapatid ko.

"Tama, tama!"

"Ito naman, try mo lang naman."

"May idea ka ba kung sino ang admirer mo?" tanong ni Shar.

"Wala eh, at wala akong balak alamin."

"I have a plan." taas baba ang kilay na sabi ni Amie.


×××



Time check: 6:10 ㏂

Mamaya pang 7:30 ang pasok namin pero nandito kami ngayon sa may pinaka dulo ng locker area, inaabangan namin 'yong kung sino man ang laging nag iiwan ng kung ano ano sa may locker ko.



"Ang tagal naman! Kanina pa tayo nandito!" naiinip na sabi ni Fletch.

"May paparating! Mag tago kayo!" pabulong na sigaw saamin ni Amie.


Nag tago kaming lahat at sumilip, napalingon lingon sa paligid 'yong dumating. Hindi ko maaninag dahil naka-sumbrero siya at naka-hood.

Siya na siguro 'yon.

Nakita kong binuksan niya ang locker ko at may nilagay, nanlaki pa nga ang mata ko kasi may susi siya sa locker ko.

"Lapitan mo!" tinulak ako ni Shar.

Wala na akong nagawa dahil pilit nila akong pinagtutulakan kaya naman ay dahan dahan akong naglakad palapit sa locker ko, paalis na sana 'yong lalaki nang bigla akong tumakbo palapit sakanya at pinigilan siya.

"Wait!" hinawakan ko ang braso niya, naramdaman kong natigilan siya at alam ko ring nagulat siya. "Ikaw ba 'yong laging nag iiwan ng kung ano ano sa locker ko?" tanong ko dito pero wala akong nakuhang sagot.

"Sino ka?" tanong ko ulit pero kagaya kanina ay wala pa rin akong nakuhang sagot, nagulat na lang ako no'ng nakawala siya sa pagkakahawak ko at biglang nagtatakbo palayo hahabulin ko sana kaso mabilis siyang naglaho saaking paningin.

Nakarinig ako ng mga yabag mula sa likod.

"Ano? Nakita mo?" napabuntong hininga ako at umiling.

"Aiiiisssh! Ano ba 'yan!"

"Sayang naman!"

"Akala ko mahuhuli na natin eh!"

×××

"Elissa.. may itatanong lang ako." naupo ako sa tabi niya, nandito kami ngayon sa SGF office.

"Ano 'yon?" she said without looking, may tina-type kasi siya sa laptop niya.

"Ilan ba ang susi ng locker?"

"Tatlo."


Tatlo?


"Bat dalawa lang binigay sa'kin?"

"Ah kasi may chance na mawala no'ng student 'yong dalawang susi kaya 'yong isa ay nasa'ming mga SGF officers."

"Ah gano'n ba? Sige, salamat."

Bigla akong napaisip sa sinabi niya.

Kung gano'n maaaring isa sa SGF officers ang laging nagpapadala at nag iiwan ng mga regalo sa locker ko, napatingin ako sa mga maliliit na picture frames na nakadikit sa pader.

"Elissa?"

"Hmm?"

"Ilan ang lalaking SGF officers?"

"Hmm.. tatlo, kung hindi ako nagkakamali. Si Ris, John, at Nyx."

Maaaring isa sakanila, napatingin ako sa pumasok.

"Ohh.. may bisita pala tayo. Helloooo sister!" naki-beso beso siya saakin.

"Ms.President may bibilhin lang ako ha." paalam nito kay Elissa na tinanguan niya lang. "Bye sister!" paalam nito saakin.

"Sino 'yon?"

"Si John 'yon, bakla." sagot nito na hindi pa rin tumitingin.

Tanggal na si John sa pinag-pipilian ko, dalawa na lang. Naagaw ng pansin ko ang isang picture frame na nakapatong sa mesa, kinuha ko ito at tiningnan.

"Elissa.. sino 'to?" napatingin saakin si Elissa.

"Si Nyx 'yan, 'yong katabi niya naman ay 'yong 2 years na gf niya." nagulat ako sa sinabi niya.


That only means..


*creaaakk*


Napatingin ako sa pinto.

"Uy nandito ka pala Das."



Nabitawan ko ang picture frame at agad na tumakbo palabas.


It can't be.



×××


Wooow! May admirer si Das! Sino kayo 'yon? Sana lahat may admirer noh? hahahaha charot.

With All My HeartWhere stories live. Discover now