Chpater 23: The Oplan Outing.

76 10 0
                                    

PRIM'S POV.

Biyernes ngayon kaya kitang kita sa ngiti ng mga estudyante kung gaano sila kasaya at ka-excited dahil sawakas ay weekend na bukas. Nag lalakad ako papunta sa library dahil isasauli ko 'tong librong hiniram ko no'ng nakaraan nang bigla na lang may humila sa'kin, at dahil nagulat ako ay wala akong nagawa kundi sumama na lang.

“T-teka.. Fletch bat ba tayo tumatakbo?” pasigaw kong tanong, nilingon niya ako at kinindatan at nginitian lang ako.

Nakakapagod jusko. Nabunggo ako sa likod ni Fletch dahil bigla siyang huminto, at dahil nga bigla siyang huminto sa pag takbo ay nagkauntogan kami ng ulo dahilan para mapaupo ako sa lupa at malaglag ang mga librong dala ko.

“Aray!” sabay naming sigaw ni Fletch.

“Tss.” nagulat ako no'ng biglang may humila sa braso ko patayo, pag tingin ko si Dustin pala..

Ilang beses ba 'ko dapat magulat ngayong araw? -_- pag katapos niya kong tulungang makatayo—no, scratch that. Pagkatapos niya 'kong hilain patayo ay nag lakad na siya ng nakapamulsahan at lumapit na sa mga kaibigan namin.

Napangiwi naman ako at pinulot ang mga libro ko, isang libro na lang ang pupulutin ko no'ng may kamay na biglang lumitaw at 'yon ang nahawakan ko imbes na 'yong libro. Sinundan ko ng tingin 'yong pinanggagalingan ng kamay at nagkatinginan kami ni Vexx.

“Ah.. uh.” napaiwas ako ng tingin at agad na napabitaw sa kamay niya.

Tumayo ako ng maayos at napakamot sa batok, samantalang pinulot niya naman ang libro ko at inabot sa'kin.

“S-salamat.” sabi ko at agad na kinuha ang libro mula sakanya, nginitian niya lang ako.

“Basta ikaw.” sabi niya at nginisihan ako.

“Sorry, Prim! 'Di ko sinasadyang huminto bigla.” pag hihingi ng despensa ni Fletch.

Nginitian ko lang siya at sinabihang okay lang ako, tuluyan na kaming lumapit sakanila at nakisawsaw sa pinag uusapan nila.

“How about we go to an outing?” taas baba ang kilay na sabi ni Elissa.

“Sure! I think it's fun!”

“Call ako diyan!” sang ayon nina Amie at Fletch, at nag apir silang tatlo.

“Outing? Dalawang araw lang? Naku wag na lang. Biyahe pa nga lang kulang na sa oras, baka 12 hours lang tayo mag stay do'n. Bitin.” umiiling iling na komento ni Zach.

Napa-pout naman si Elissa at sumimangot si Amie at sabay silang tumingin sa mga kuya nila wearing those expressions, kaya naman namutla si Trav at napaiwas ng tingin, gaya ni Trav ay napaiwas rin ng tingin si Dustin.

“Ngayon lang naman eh.”

“Malapit lang naman.”

“Tsaka it's time for us to have some fun and break naman eh.”

Nagkatinginan kami.

“Okay fine. Saan ba?” sabi ni Vexx.

“Talaga? Payag ka na Vexx? YEEEEY!”

“What if try nating pumunta sa Albay? What do you think?”

“What?!”

“Malapit ba 'yon?!”

“Seryoso ka ba?!”

“WOW! Sobrang lapit nga!”

Ilan lang 'yan sa mga side comments namin kaya naman ay nanlumo si Elissa.

“Pwede rin naman tayong mag skip ng class sa Monday ah?” biglang sabi ni Jatt kaya nabuhayan ulit silang tatlo.

Muli kaming nagkatinginan at sabay sabay na napabuntong hininga.

“Okay, fine! Basta kayo ang bahala sa sasakyan ah.” sabi ni Vexx dahilan para mag sisigaw silang tatlo.

“Sige sasama na ako, wala rin naman akong gagawin sa bahay eh.” -Zach.

“Sasama rin ako.” -Jatt.

“Syempre kayong dalawa sasama kayo, as if namang hindi niyo kami sasamahan.” Elissa said while pointing to Dustin and Trav.

“Hmm. G ako.” -Shar.

Biglang napatingin ang lahat saaming dalawa ni Das, waiting for an answer.

“Sorry guys pero hindi kami pwedeng mag skip ng class, you know studies first.” sabi ko kaya nanlumo silang lahat.

“Sayang, akala ko makukumpleto tayo.” malungkot na sabi ni Fletch.

“How about Ris?” tanong ni Amie.

“Kami nang bahala ro'n.” sabi naman ni Trav at kinindatan pa sila.

“Hindi ba talaga kayo sasama, Prim? Sayang naman. Ipaalam ko na lang kaya kayo kay tita?” Napabuntong hininga ako.

“'Wag na Shar, kilala mo naman 'yon si mommy diba? Hindi kami papayagan no'n.”

“Oo nga. Hay. Ito pa naman sana ang unang beses nating makakapag outing kasama ang mga bago nating kaibigan.”

“Mag enjoy na lang kayo and don't worry about us.”

“Mag video call na lang tayo para naman kahit papaano ay parang magkakasama pa rin tayo!” Biglang singit ni Elissa.

“Oo nga tama tama! Nice idea Elissa!” at nag apir sila ni Zach.

×××

“Any questions?”

“Nooooone!”

“Okay. That's all for today, good bye class.” Paalam ni ma'am saamin.

Nagsitayuan ang mga kaklase ko at pumunta sa kani-kanilang kaibigan nang biglang bumalik 'yong teacher namin dahilan para bumalik rin sa kanya kanyang upuan ang mga kaklaae ko.

“May ia-announce nga pala ako, muntik ko nang makalimutan. Sa Lunes, Martes at Miyerkules ay may mga gagamit nitong buong building dahil may gagawin silang test at bawal silang istorbohin, kaya wala kayong pasok. So enjoy your long weekend!” nanlaki ang mga mata ko. “Maaga rin ang dismisal niyo ngayon dahil may meeting kami so grab your things and go home. Umuwi agad kayo ah 'wag nang gumala, kung gagala man kayo mag palit kayo ng damit. Good bye!” biglang nag sigawan ang mga kaklase ko at sa isang iglap ay nag laho ang mga estudyante sa loob ng classroom.

“Pa'no ba 'yan Prim, wala ka nang rason para hindi kayo makasama sa'min.” Nakangising sabi ni Vexx.

Napa-face palm naman ako.

“Oo na sasama na kami.” Umiiling iling kong sabi habang inaayos ang gamit ko.

“PREEEEEEEEM!” Napalingon ako sa sumigaw ng pangalan ko at nakita ang tumatakbong sina Elissa, Amie, Fletch na kasunod naman ang nahihirapan kong kapatid dahil sa kakahabol sakanila.

“Payag ka na payag ka na?” tumatalon talong tanong ni Elissa, natawa naman ako.

“Oo na, oo na!”

“YEHEEEEEEEY!”

“PUMAYAG NA ATE MO DAAAAS!”

Nagsigawan silang apat at nagtatalon sa tuwa, napailing ako. Hindi naman halatang tuwang tuwa sila.

×××

Aly's Note:

At dahil ang dami kong binago sa story na 'to, nagkaroon din ng napakaraming errors. So para mawala ang mga error, paki-ARCHIEVE at UN-ARCHIEVE na lang or REMOVE to library at ADD to library na lang. Enjoy reading!

THANK YOU FOR READING! DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT! ALYVYOU <3

FOR IMPORTANT UPDATES FOLLOW ME AND MESSAGE ME AT:

Twitter: @Muriaticalyy_
Instagram: @muria.ticalyy
Facebook page: https://www.facebook.com/MuriaticalyyOfficialPage/

THANK YOU!

-m u r i a t i c a l y y ♡

With All My HeartWhere stories live. Discover now