Chapter 50: The Masquerade Ball.

103 5 3
                                    

Third Person's POV.

Biyernes, ala sais ng gabi, Oktubre 23.

Marami rami nang mga estudyante ang nasa loob at labas ng forum kung saan idaraos at gaganapin ang pinakahihintay na Masquerade Ball.

Isa isa na ring dumating ang grupo nina Fletch ngunit wala pa rin ang magkapatid na Prim at Das at ang pinsan ng mga ito, napatingin ang lahat sa humintong sasakyan sa harap ng entrance ng forum.

Unang bumaba ang napaka-gwapo't seryosong si Dustin at sumunod ang kanyang napakagandang kapatid na si Elissa, inalalayan niya ito.

Agad silang lumapit sakanilang mga kaibigan na naghihintay sakanila sa labas ng forum, naghintay pa sila ng ilang minuto sa labas ngunit pinapasok na sila sa loob kaya nama'y pumasok na sila.

Nag mistulang mga kilalang artista ang grupo dahil sa dami ng flash ng camera na bumungad sakanila, marami ring nakatingin sakanila. Agaw pansin ang grupo hindi lang dahil sa naggagandahan at naggagwapuhan nitong mga itsura kundi pati na rin ang nagmamahalang kasuotan nila, sa unang tingin pa lamang ay mahahalata mo nang mamahalin ang mga ito.

Nagsimula na ang programa at wala pa rin ang magkapatid na Prim, Das at ang kanilang pinsan.

“Nasa'n na kaya sina Das?” nagtatakang tanong ni Travis.

“Sina Das ba talaga ang hinahanap mo o si Shar?” nangaasar na tanong ni Jatt, sinamaan siya nito ng tingin.

“Baka naman na-traffic lang sila.” pag sabat sa usapan ni Amie.

“O baka naman ay hindi na sila makakarating.” singit naman ni Liv.

Nagkaroon ng maikiling intermission number galing sa SUDT (Sanvale' University Dance Troupe) maya maya pa'y nagsimula nang mag sayawan ang mga tao sa gitna ng dance floor.

“C.R. lang ako.” paalam ni Liv na tinanguan lang nila.

Tumayo na rin sina Vexx at Trav para makisayaw sa mga tao sa dance floor, nag iba ang tugtog at napalitan ito ng isang love song.

Umalis silang dalawa sa dance floor at muling bumalik sakanilang mesa, niyaya ni Trav si Fletch na sumayaw.

“Sus, ako ang niyayaya mo porket wala pa si Shar.” nakangising sabi nito tsaka inabot ang kamay ni Trav.

Samantalang niyaya naman ni Vexx si Elissa.

“Miss Halandra Elizabeth Gordon, may I dance with you?” pormal na sabi nito at yumuko pa sa harap ni Elissa.

Natawa naman ng mahina si Elissa at inabot ang kamay ni Vexx.

“Napaka-pormal mo naman, Vexx! At talagang buong pangalan ko pa.” natatawa nitong sabi, nginitian lamang ito ni Vexx at hinalikan ang kanyang kamay.

Nakarating na sila sa gitna ng dance floor, nagki-kwentuhan sila habang sumasayaw.

“Napansin kong sobrang laki ng pinagbago ni Dust nang dumating at makilala natin sina Prim.”

“Oo nga eh.. ganyang ganyan siya noon kay ate Eulanth eh.”

“Hindi kaya.. may gusto ang kuya mo kay Prim?”

“Hindi pa ba halata?” natatawang sabi ni Elissa.

Samantalang, napatingin naman ang karamihan sa entrance nang biglang pumasok ang isang babaeng nakasuot ng itim na ball gown na nakasuot din ng itim na maskara na mayroong mga itim na rosas sa gilid ng maskara na nagsisilbing disenyo nito, tila naagaw ng presensiya nito ang atensyon ng lahat. Nakatingin lang ang lahat sa babae habang ito'y naglalakad, ang iba pa'y napapaiwas at binibigyan ito ng daan hanggang sa matunton nito si Vexx na nasa gitna ng dance floor kung saa'y kasalukuyang nakatingin sa bagong dating habang nakahawak pa rin sa bewang ni Elissa.

'Tila napahinto ito sa pagsasayaw dahil sa presensiya ng bagong dating, ngumisi ang babae.

“May I dance with you Mr.Kozlov?” gulat na napatango si Vexx at dahan dahang binitawan ang bewang ng dalagang kasayaw nito kani-kanina lang.

Nagsipag balikan naman sa kanya kanyang ginagawa ang mga tao, ang iba'y muling bumalik sa pagsasayaw at hindi na pinagtuonan ng pansin sina Vexx.

Nag simulang sumayaw ang dalawa.

Napatitig si Vexx sa mga mata ng kasayaw at kitang kita ang gulat sa mga mata nito dahil nakita niyang magkaiba ang kulay ng mga mata ng kasayaw.

“Oh bat parang gulat na gulat ka ata?” nakangising ani ng kasayaw.

“Who are you?” Pinilit nitong huwag mautal ngunit nabigo siya kaya nama'y mas lalaong napangisi ang babae.

“I am..” lumapit ito sa tenga ni Vexx upang bumulong. “..your death.”

Nagtayuan ang mga balahibo ni Vexx at naramdaman na lang nitong may itinusok ang babae sa balikat niya dahilan para mapalayo si Vexx sa babae, gulat siyang napatingin sa balikat niya at binalik ang tingin sa babae.

Nakangisi lang ito sakanya  habang unti unting naglakad palayo sakanya.

“Hindi ko kayo titigilan hangga't hindi ko nakukuha ang hustisya sa pagkamatay ng kaibigan ko.” gumaralgal ang boses nito nang sabihin iyon. “Hindi lang 'yan ang kaya kong gawin, higit pa riyan ang kaya kong gawin, Vexx.”

“Bago ako tuluyang umalis.. let me formally introduce my self to you. I am Aphro, the Capo Grease of Vantablack. Ang matalik na kaibigan ni Dail Ramos na walang pusong pinatay ng kapatid mo.. at hindi mo ako matatakasan dahil nasa paligid lang ako, binabantayan ang bawat galaw mo. The game is just beginning, and the only thing that I want you to do is to run.. run as fast as you can and make sure na hindi kita maaabutan dahil oras na maabutan kita, I'll make you suffer.. to death.mahihimigan ang matinding galit sa boses nito at tuluyang umalis.

Kasabay ng pag alis nito ay ang unti unting pagkahulog ng napakalaking chandelier na nakakabit sa taas sa mismong kinatatayuan ni Vexx, napansin ng ilang tao ang chandelier.

“VEXX!!!!” nagkagulo ang mga tao hanggang sa tuluyan na itong mahulog.




Napapikit si Vexx dahil sa lakas ng pagkakatulak sakanya at dahil na rin tumama sa sahig ang balikat niyang mayroong malalim na sugat, nagsilapitan sakanya ang kanyang mga kaibigan.

May humila sa bagay na nakatusok pa rin sa balikat niya kaya napasigaw ito sa matinding sakit, napamulat siya at tiningnan ang humila nito.

Hawak hawak ni Liv ang isang itim na rosas.

“This rose has a poison, anumang oras ay kakalat na ang lason. Tumawag kayo ng ambulansya!” sabi nito.

Tumayo si Vexx kahit na hirap na hirap ito at marahas na hinawakan sa magkabilang balikat si Liv, nagulat ang dalaga.

“Pakana mo lahat ng 'to, hindi ba?!”

×××

A/N:
Katulad ng sinabi ni Aphro, the game is just beginning, dito nagsisimula ang totoong kwento :)

Pasensiya na sa matagal na paghihintay, kasalukuyan po kasi akong may writer's block kaya medyo hirap akong mag isip ng susunod na scene sa susunod na kabanata. Pasensiya rin po sa mga error tinatamad po kasi akong mag-edit haha😅 Maraming salamat po sa mga nag babasa at sumusuporta! :)

With All My HeartWhere stories live. Discover now