Chapter 33: Sleep over.

53 10 6
                                    

Prim's POV.

“Uy sorry na kasi.” sabi ko sakanila.

Pa'no ba naman? Nag tatampo kasi sila. Nalaman kasi nilang magkasama kami ni Dustin kahapon, hindi man lang daw namin sila isinama at in-inform.

“Dalaga na ang pinsan ko!”

“May nalalaman ka nang date date ngayon ate ah.” napakunot ang noo ko sa sinabi nina Shar at Das.

“What are you talking about?  I can't even!”

“Ganito na lang, since wala namang pasok bukas at may kasalanan kayo. Why not mag sleep over tayo?” sabi ni Fletch habang nagtataas baba ng kanyang kilay.

“Tama!” pag sangayon nila kay Fletch.

“Ang tanong, kaninong bahay?” tanong ni Ris.

Napatingin ang lahat kay Elissa, unti unting kumunot ang kanyang noo.

“Don't tell me sa bahay namin?”

Bigla naman silang nagpacute kay Elissa, natawa ako sa inasta nila samantalang nandiri naman si Elissa.

“Fine, fine! Sa bahay na lang namin kayo mag sleep over— just don't do that face again.” nandidiri pa ring sabi niya.

“Uy grabe ka naman Elissa!”

“Ang cute kaya namin!”

“Yeah right, ang cute niyo. Para kayong aso.” sabi niya kasabay ng pag irap niya at tinalikuran ang mga ito.

Napahagikgik naman ako, pero agad akong napatikom ng bibig nang sabay sabay nila akong tiningnan ng masama.

“'Wag kang tatawa!”

“May sinabi na kaming tumawa ka?”

“May kasalanan ka pa kaya 'wag kang patawa tawa diyan!”

“Uy grabe naman kayo sa'kin! Sorry na nga eh.”

“Ganito na lang..” inakbayan ako ni Trav. “Para makabawi ka, ikaw na lang bumili ng mga kakainin natin.” magsasalita pa lang sana ako nang biglang alisin ni Trav ang kamay niya sa balikat ko, napatingin ako sakanya at nakataas na ang dalawang kamay niya na para bang sumusuko.

“Sorry na nga, 'di ko na uulitin. Chill bro.” sabi ni Trav habang nakatingin sa kung saan, pag tingin ko sa tinitingnan niya, si Dustin pala naglalakad palapit saamin habang nakapamulsahan at napaka seryoso ng mukha.

Para bang anumang oras ay may mapapatay siya. Napailing iling na lang ako.

“Kahit kailan talaga napaka-kuripot mo, kuya.” sabi ni Amie.

Sinamaan ng tingin ni Trav ang kapatid niya at dinuro ito.

“Hindi ka sasama.”

“ANO?! Kuya naman!”

“Hindi ka sasama.” pag uulit niya at lumayo sa kapatid niya, kinulit siya ng kinulit ni Amie pero nilagay niya lang ang dalawang kamay niya sa magkabilang tenga niya at paulit ulit na sumisigaw ng 'wala akong naririnig.'

Hindi ko talaga maintindihan si Trav, minsan kuya siya kay Amie kung umasta pero kadalasan naman mas isip bata pa siya kesa kay Amie. Hays.

×××

Kasalukuyan kaming nasa supermarket. Namimili kami ng mga pwedeng kainin mamaya, dalawang punong cart na nga ang dala dala namin pero kuha pa rin sila ng kuha.

“Hindi ba't parang ang dami na ata nito?” nakatingin sa laman ng cart na tanong ko sakanila.

Napalingon sila saakin at napatingin sa dalawang cart.

“Kulang 'yan.” sabi ni Elissa at muling kumuha.

“Kulang pa 'yan sa'yo?” sabi naman ni Das.

“Trust us, kulang 'yan.” si Fletch naman ang nag salita.
















Sa wakas ay nabayaran na namin ang tatlong cart na punong puno ng mga pagkain, come to think of it! Ang lalaki no'ng cart tapos punong puno pa! Sobrang dami! Inabot nga ng 10k 'yong binayaran ni Elissa eh. Tulak tulak namin ang tatlong carts papunta sa parking lot, nakatayo sa tabi ng sasakyan sina Shar at Amie na may dala dalang dalawang box ng naglalakihang cake at limang box naman ng pizza.

“HOY! ANO 'YAN?!!! ANG DAMI NAMAN NATING KAKAININ!” Nanlalaki ang mga matang sabi ni Das.

Pati nga sina Shar gulat din eh pero 'yong tatlo parang wala lang.

“Kulang pa 'yan.”

“Anong kulang?! Eh pang isang taon na supply na 'yan ah!” kagaya ko ay nanlalaki rin ang mga mata ni Shar.

Napahalakhak 'yong tatlo.

“Isang gabi lang naman tayong mag i-sleep over bat ang dami niyong pinamili?!”

Hindi nila kami sinagot, tawa lang sila ng tawa tsaka dumeritso sa loob ng sasakyan.

×××

Agad kaming sinalubong ng mga kasambahay nina Elissa, tinulungan nila kaming bitbitin lahat ng pinamili namin. Hindi ko nga akalain na sobrang laki pala ng bahay nila at may pool pa.

“Nasa pool na 'yong mga lalaki.” sabi ni Fletch.

Umakyat muna kami sa second floor at pumasok sa guest room para magpalit ng pang swimming, matapos mag bihis ay bumaba na kami. Nadatnan namin silang nagi-ihaw ng isda, barbeque at hot dog.

“Uy pahingi!” kinuha ko ang isang barbeque, napatingin sila saakin ng masama. Natakot tuloy ako bigla.

“Kami 'yong nagi-ihaw tapos iba kakain?!” galit galitan na sabi ni Vexx pero tinawanan ko lang siya tsaka ako umalis.

“Aaahh!! Ang init!” sigaw ko at napahawak sa bibig ko.

“Buti nga sa'yo! Ang takaw mo kasi!” rinig kong sigaw ni Zach, napa-pout na lang ako.

“Drink this.” napatingin ako sa inilapag niya tsaka siya sinundan ng tingin nang makalampas saakin, naglalakad siya palapit kay Jatt na nakaupo lang sa gilid ng pool.

“Ayieee.” napalingon ako at nakita ang mga kaibigan kong babae na nakatingin at nakangiti ng nakakaloka saakin, napakunot ang noo ko.

“PriTin for the win!”

“Papatalo ba ang ZacRim?”

Mas lalong napakunot ang noo ko. Ano raw?

“PriTin? ZacRim? Ano 'yon?”

“'Yong PriTin, Pinag halong pangalan niyo ni Dust, 'yong ZacRim naman kayo ni Zach.” taas baba ang kilay na sabi ni Amie.

“Ano ba 'yan, ang slow mo talaga Prim kahit kailan.” umiirap na sabi ni Shar, inirapan ko rin siya.

“Mga baliw talaga kayo, bat niyo naman pinaghalo mga pangalan namin?”

Napa-facepalm sila sa tanong ko. Bakit? Anong nagawa ko?

×××

Soooooo Anong team kayo?

DusRim/PriTin o ZacRim?

THANK YOU FOR READING! DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT! ALYVYOU <3

FOR IMPORTANT UPDATES FOLLOW ME AND MESSAGE ME AT:

Twitter: @Muriaticalyy_
Instagram: @muria.ticalyy
Facebook page: https://www.facebook.com/MuriaticalyyOfficialPage/

THANK YOU!

-m u r i a t i c a l y y ♡

With All My HeartTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang