Chapter 6: Bad, Dustin! Bad!

142 18 7
                                    

PRIM'S POV.

Naglalakad na ako papasok nang bigla akong mapaatras at napatingin sa may veranda.

S-si Dustin ba 'yon?

Dahan dahan akong lumapit sa Veranda at hinawi ang kurtinang nakaharang sa glass door.

Si Dustin nga.

Nakayuko siya at nakasandal sa itim na motor.

“Anak? Bisita mo ba 'yong lalaki sa labas?”

Nanatili akong nakatingin kay Dustin, naramdaman ko ang pag lapit ni mommy at hinawakan ako sa mag kabilang blikat at nakisilip sa labas.

“Sino siya, anak?”

“Kaklase ko po siya.”

“Anong pangalan niya?”

“Dustin. Dustin Gordon.”

“Anong ginagawa niya dito sa ganitong oras?”

“Hindi ko po alam.”

Sandaling katahimikan ang namutawi, napalingon ako kay mommy at nakita ko siyang nakangiting nakatingin kay Dustin.

“Anak.. bumaba ka kaya at lapitan siya?” Nakangiting tugon nito at napatingin saakin.

Ngumiti rin ako pabalik at tumango, pumasok ako sa kwarto ko at nag palit ng damit. Pagkatapos kong mag palit ay agad akong bumaba't lumabas.

No'ng nakalabas na ako sa gate ay dahan dahan siyang napatingala saakin.

A-ang gwapo niya!

“D-dustin..”

Nakatingin lang siya sa'kin, napatulala ako ng makita ko ang mapungay niyang mga mata. Naiiwas niya ang paningin niya.

“P-pwede mo ba 'kong samahan?” Biglang sabi niya na nakatingin pa rin sa kawalan.

Nagulat naman ako sa sinabi niya.

“S-saan?”

Hindi niya ako sinagot at sumakay na lamang sakanyang motor at ginulo ang kanyag buhok at bigla akong nilingon.

Binigyan niya ako ng tingin na parang sinasabing.. sumakay-ka-na.

Medyo nataranta naman ako kaya agad akong lumapit at sumampa sa motor niya.

Napatulala naman ako sakanya nang ilagay niya ang helmet niya sa ulo ko.

“Kumapit ka ng mahigpit.” Sabi niya, kaya nama'y sumunod ako agad sa sinabi niya.

*vruuuuuuum*

Napayakap ako sa bewang niya sa biglang pagpatakbo ng mabilis ng kanyang motor.

*sniff*

N-nakainom ata si Dustin.

Amoy alak kasi siya..

Matapos ang sampong minuto ay hininto na niya ang motor kaya nama'y dali dali akong bumaba.

Nang makababa na siya'y agad siyang nag lakad, kaya nama'y sinundan ko lang siya.

Hanggang sa marating namin ang isang daang napapagitnaan ng dalawang nagkakapalan at nagtataasang kulay puting pader. May nakalagay ring sign na No trespassing. Private Property.

Bahagya pa akong napahinto at hinila ang jacket ni Dustin, napahinto rin siya pero hindi man lang lumingon.

“B-bawal ata tayo dito..”

“H'wag kang mag alala. Pag aari 'to ng pamilya namin.” Sabi nito at naglakad muli.

Napahinto nanaman ako sa paglalakad nang makita ko ang kabuoan ng lugar.

With All My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon