Chapter 38: Videoke Bar.

53 10 6
                                    

Elissa's POV.

"Eto talaga ang gusto ko sa interhigh eh." malawak ang ngiti na sabi ni Fletch.

"almost 1 month din tayong walang maayos na lessons." nakangiti ring sabi ni Amie, at talagang kitang kita sa mga mukha nila ang saya. Napasimangot ako.

"Isa nga 'to sa pinaka ayaw kong event kasi ang daming gagawin tsk." napatingin sila saakin.

"Ginusto mo naman 'yan kaya manigas ka." patawa patawang sabi ni Fletch at nag apir pa talaga silang dalawa ah, sasabunutan ko na sana sila kaso biglang dumating sina Das.

"Hey! Anong ginagawa niyo?"

"Balita ko may practice 'yong basketball players ngayon, nood tayo." pagyayaya saamin ni Shar.

"Sure! Wala naman tayong ginagawa kaya pwede tayong manuod at mag chill chill." pagmamayabang ni Amie habang nakangisi saakin, kinunotan ko siya ng noo.

"Pinapa-inggitan mo ba ako?" nakataas ang kilay na sabi ko, umasta naman siyang nagulat.

"Bakit? Naiinggit ka ba?" sinamaan ko siya ng tingin.

"AMETHYST DANIELLA TAAAAAAAN!!!! I HATE YOUUUU!!!!" Sigaw ko pero tinawanan niya lang ako.

×××

"WOOOOHHHHH!!!!"

"KUYAAA KO 'YAAAAN!!!!"

Sigaw kami ng sigaw at cheer ng cheer kela kuya, nang sawakas ay tapos na ang practice ay lumapit sila saamin.

"Nakakataba naman kayo ng puso, kung maka-cheer kasi kayo parang hindi na kami nag pa-practice." nakangiti ng matamis na sabi ni Vexx na nag pupunas ng pawis niya.

"Syempre, supportive kami eh." kumindat pa si Shar.

Napatingin ako sa gawi ni Ris na marahas na pinupunasan ang kanyang pawis at palihim na nakatingin ng masama sa gawi nina Das at Sol na sobrang sweet dahil pinupunasan ni Das si Sol.

Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip.. si Sol ba talaga 'yong secret admirer ni Das?

Bakit pakiramdam ko si Ris 'yon?

"So.. saan na tayo pupunta ngayon?"

"Wait! Diyan muna kayo, madali lang 'to!" sabi ni Trav at biglang tumakbo palayo sa'min dala ang gamit niya, sumunod din sakanya sina kuya Dust.

After 10 minutes ay natanaw na namin na naglalakad na sila pabalik dito sa'min habang nagpupunas pa ng towel sa buhok..

Naningkit ang mata ko habang nakatingin kay kuya Dust na nakatingin pala kay Prim, gano'n din si Prim nakatingin din siya kay kuya Dust. Nang makalapit si kuya Dust ay napatingin siya sa towel niya, nagulat nga ako kasi kinuha ni Prim 'yong towel tas pinunasan 'yong buhok ni kuya Dust. Lalapit na sana ako para kunin 'yong towel mula kay Prim at ilayo si Prim—dahil buong akala ko ay magagalit si kuya na sa laking gulat ko ay wala man lang itong reaksiyon.

Okay. That's weird.

Ayaw na ayaw kasi ni kuya Dust na ginagalaw ang buhok niya, nagagalit siya lalo na 'pag hindi niya naman close ang gumalaw sa buhok niya.

"Saan nga ulit tayo pupunta?" Tanong ni Fletch.

"Kain muna kaya tayo sa labas?" suhestiyon ni Shar.

"Ikaw talaga, lagi ka na lang kumakain! Kaya naman ang taba taba mo na!" pang aasar sakanya ni Trav, sinamaan niya ng tingin si Trav at nagsimula nanaman silang mag bangayan tch.

Nagsimula na kaming maglakad, napalingon ako kina Sol at Das.

"HOY, love birds! Bilisan niyo na nga!" sigaw ko sakanila, napatingin silang dalawa saakin at tumakbo palapit saamin, sa pagbaling ko ng tingin sa dinaraanan ko, nahagip ng mga mata ko si Ris na sobrang seryoso ng mukha at nakatingin sa kawalan.

Is he..

jealous?

×××

Nandito kami ngayon sa isang private videoke bar, napagdesisyunan kasi namin na dito na lang kumain since masasarap naman ang menu nila.

"♪|Bat di papatulan ang pag suyong nag kulang tayong umaasang hilaga't kanluran ikaw ang hantungan at bilang kanlungan mo ako ang sasagip sa'yo|♪"

Si Amie ang kumakanta ngayon habang naghihintay sa mga pagkain at inumin na in-order namin, kanina pa nga ako palinga linga dito eh.

Napansin ko lang kasi.. si Sol at Das ang sweet, si kuya Dust at Prim naman eh magkatabi at nagki-kwentuhan hmm.

*clickk*

Nagulat ako sa tunog at flash ng camera, napatingin ako sa katabi ko na ngayon ay pinagtatawanan na ang picture.

"Bat mo 'ko pinicturan?!" tawa pa rin siya ng tawa.

"Ang cute mo kaya dito." sinamaan ko siya ng tingin.

"Patingin ako!" sabi ko at pilit na inaagaw ang phone niya pero pinipigilan niya ako at nilalayo ang phone niya.

"Ayoko nga! Baka i-delete mo pa eh ang cute mo pa naman dito hahahahaha"

"Akin na sabi ehh!!!" sigaw ko at bumwelo ako para maabot 'yong phone niya nang hindi inaasahang pagkakataon..

Napasobra ang bwelo ko dahilan para masubsob ako sakanya at SOBRANG LAPIT NG MUKHA NAMIN!!!!!

O////////O

Parang huminto ang pag-ikot ng mundo at parang kaming dalawa lang ang naririto.

"Uhhh.."

Napaupo ako ng maayos at napatingin sa malayo, napasulyap ako sakanya at nakita ko siyang naka-ngiti ng nakakaloko. Napakunot ang noo ko.

"Ikaw ah chansing ka.."

Mas lalong napakunot ang noo ko.

Ano raw?

Ako? Chansing?

"Ang kapal naman ng pagmumukha mo!!! 'Wag ka ngang feeling!!!" hiyaw ko sakanya at pinagha-hampas ko siya habang siya naman eh tawa ng tawa.

Sinamaan ko siya ng tingin pero nag pa-cute lang siya sa'kin.

I felt my heart skip a beat.

Napaiwas tuloy ako ng tingin sakanya at pakiramdam ko eh sobrang pula na ng buong mukha ko, hindi niya naman siguro mahahalata dahil madilim dito at 'yong liwanag lang mula sa tv screen ng videoke ang nag bibigay liwanag at may disco light din pala. Nagulat ako nang ilapit niya ang mukha niya sa mukha ko kaya naman ay nailayo ko agad ang mukha ko sakanya.

"Namumula ka ba?"

"H-huh? H-hindi ahh.."

"Bat nauutal ka?" unti unting may namuo nanamang nakakalokong ngiti sakanyang labi. "Crush mo 'ko noh?!"

"ANO?!?! ANG KAPAL TALAGA NG MUKHA MO!!!" tawa pa rin siya ng tawa habang ako naman eh sobrang pula na---sa inis.

×××

Aly's Note:

Sino gustong magpa-dedicate? just comment down below hehez.

Anyways, malapit nang magsimula ang totoong kwento :) sana ay abangan niyo ;) more exciting scenes to come! salamat nga pala sa mga nag aabang at walang sawang sumusuporta :)

With All My HeartWhere stories live. Discover now