Chapter 40: Opening of Interhigh.

43 11 4
                                    

Prim's POV.

Opening ngayon ng Interhigh, since sa E.U. gaganapin ang opening eh nandito lahat ng manlalaro ng iba't ibang sports at ang mga manunuod.

Sa pag pasok namin ng gate ay agad kaming sinalubong nina Trav at sabay sabay kaming nag lakad papunta sa forum ng E.U. mas malaking version ng forum ng Sanvale' University.

Habang nag lalakad kami ay nag k-kwentuhan kami at nag-aasaran, hindi na ata 'yan mawawala saamin.

“Galingan niyo mamaya ah! Manunuod kami!” sabi ni Shar.

“Alam mo Shar, magaling naman talaga kami-hindi mo na kami kailangan pang pag sabihan. At mas makabubuti siguro kung 'wag ka na lang manuod at baka matalo kami.” napakunot ang noo ni Shar sa sinabi ni Trav.

“ANONG GUSTO MONG IPARATING?!” hiyaw sakanya ni Shar. “NA AKO ANG MAG DADALA NG MALAS SAINYO?!”

“Ooopsss sa'yo nanggaling 'yan.” natatawang sabi ni Trav.

“AISHH!!!! NAKAKAINIS KAAA!!!!” kitang kita sa mukha ni Shar na naiinis talaga siya.

“Wala ba kayong napapansin?” natahimik kaming lahat at napalingon kay Elissa na sobrang seryoso ng mukha at pasimpleng ini-ikot ang paningin sa paligid.

“Wala naman, bakit?” sagot ni Zach, lumapit saamin si Elissa at bumulong.

“Tingnan niyo ang mga tao sa paligid natin.” kagaya ng sinabi niya ay napatingin din kami sa buong paligid.

Nagulat ako dahil sobrang tahimik ng ibang estudyante at parang napapayuko pa, hindi sila tumitingin sa'min. May ilan akong nakatitigan pero agad din nilang naiiwas ang paningin nila saakin at yumuko.

Okay. That's weird.

"A-anong meron?" pabulong na tanong saamin ni Vexx na para bang maguguluhan sa nangyayari.

Nasanay na rin siguro kasi sila na nakatingin sakanila lahat ng tao sa paligid nila, sino ba namang hindi mapapatingin sakanila eh mukha silang mga modelo't artista.

"Hayaan niyo na ang mga 'yan, ganyan talaga ang mga tao dito. Weird." sabi ni Jatt na sinangayunan naman namin nina Zach, Shar at Das.

Tama siya. Weird talaga ang mga tao dito. Isa na rin siguro sa dahilan kung bakit nagpalipat kami ay dahil sa mga mag aaral ng E.U.

Okay naman sana ang mga estudyante dito dahil matatalino naman at talented, sporty pa pero weird nga lang. Ewan ko ba, ang hirap i-explain basta WEIRD.

Nang makarating kami sa forum ay halos malula ako sa sobrang dami ng tao, napagdesisyunan naming maupo sa bench na malapit lang sa pwesto ng mga basketball players.

Maya maya pa'y may dumating at tumayo sa stage na kung saan ay kitang kita siya ng lahat.

"Good morning ladies and gentlemen today is the first day and opening of interhigh! I hope na ma-enjoy niyo ang almost 1 month na interhigh." sabi nito at biglang nag hiyawan ang mga tao, umalis na sa stage 'yong nag salita.

Mamayang hapon pa maglalaro 'yong ibang sports samantalang 'yong basketball ay ngayong umaga kaya naman ay sobrang dami ng tao dito, maya maya pa'y pinakilala na ang mga manlalaro dahilan para mag hiyawan ng sobrang lakas ang mga tao sa loob ng forum.

“and the second team is all the way from Sanvale' University!” nakipagkamayan sila sa kabila nang makalabas sila at mas dumoble ang hiyawan ng mga tao at sobrang wild nila! May mga naghahampasan pa ng kung ano ano kaya sobrang ingay.

Feeling ko matatapos ang laro, bingi na ako.

Kawawa naman ang eardrums ko huhuhu.

×××

Nagsimula na ang laro.

Nasa kalaban—I mean kabila ang bola.

Sabi kasi ni Jatt kanina hindi raw sila magkalaban at walang labanan na magaganap kundi laro lang.

Ishu-shoot na sana 'yong bola nang bigla na lang naglaho sa kamay niya 'yong bola, sobrang bilis ng pangyayari!

Halatang nagulat 'yong magshu-shoot sana ng bola sa kabila, si Trav pala 'yong nakakuha ng bola na agad namang ipinasa kay Zach. Shinoot naman agad ni Zach ang bola at three points agad!

"WOOHHH!!!! ANG GALENG MO ZAAAACH!!!!" sigaw ko dahilan para mapatingin siya sa'kin at ngumuti siya sa'kin.

Napatingin ako sa mga kaibigan ko na nakatingin at nakangiti ng nakakaloko sa'kin, napakunot ang noo ko.

"What?"

"Ikaw ahh.."

"May pa-cheer cheer ka pang nalalaman."

"Anong masama ron? Nag cheer lang ako ahh." nagtaas baba lang sila ng kilay na para bang nang aasar, napailing iling ako at muling ibinalik ang tingin sa mga naglalaro.

Nasa kabila ulit ang bola ipinasa ni no. 6 'yong bola kay no. 10 pero bago pa makuha ni no. 10 'yong bola ay agad na itong nag laho at pagtingin namin ay hawak hawak na pala ni Ris agad agad niyang ipinasa kay Vexx 'yong bola na na-shoot naman nito agad.

“KYAAAAAHHHH!!!!”

Napatingin ako sa score board,20-2.

20 na agad ang score ng Sanvale Team.

Nagpatuloy lang ang laro at hindi ko mapigilang mag sisigaw at maghihiyaw sa tuwing nakaka-shoot si Zach. Lagi ngang three points eh, pero napansin ko lang na ilang beses na silang na-foul sa tuwing si Dustin ang may hawak ng bola.

Muling naagaw ni Trav ang bola at agad na ipinasa kay Dustin, sinundan ko ng tingin si Dustin.

Biglang napatingin sa'kin si Dustin at walang tingin tingin sa ring na shinoot niya ang bola, nanlaki ang mga mata ko.

“WOOOAAAAHHHH!!!”

“KYAAAHHHH!!!!”

“NAKITA NIYO 'YON?! NAKITA NIYO 'YON?!?! KYAAAHHHHH!!!!!” halos mabinig ako sa lakas ng sigaw ni Fletch.

“TUMINGIN SIYA KAY PRIM!!!! KYAAAHHHH!!!!” isa pa 'to si Shar.

“U-uy hindi k-kaya..” nakayuko kong sabi dahil ayokong makita nila ang pamumula ng mukha ko.

×××

Aly's Note:

Nakakainis! Huhuhu.

Ie-edit ko na sana 'tong chapter na 'to para ma-update ko na agad kaso pagbukas ko nitong chapter, wala na 'yong halos kalahati nitong story😭 huhu.

Kaya naman inulit ko 'yong kalahati, 'yon nga lang hindi na siya kapareho no'ng nauna kong ginawa, nakalimutan ko na kasi kung ano 'yong mga ganap sa una kong ginawa.

Sana ay nagustuhan niyo itong chapter na 'to kahit papaano. :)

With All My HeartNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ