Chapter 32: The Red Velvet Cake.

46 10 2
                                    

Prim's POV.

“Why are you laughin'?” nakakunot ang noong tanong niya.

Imbes na sumagot ay tinawanan ko lang siya. Pa'no ba naman kasi, ang dumi niyang kumain.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita kong Dustin. Para siyang bata kung kumilos, ibang iba sa Dustin na kilala ko bilang seryoso.

“This place is my happy place and comfort zone, lagi akong pumupunta dito sa tuwing nalulungkot ako.” He said.

“You're sad?” napatingin ako sakanya. “Bakit ka malungkot?” natigilan siya sa tanong ko at bigla akong inirapan tsaka ipinagpatuloy ang pagkain niya.

Ang labo talaga ng isang 'to. Napangiwi na lang ako sa inasta niya at kagaya niya'y pinagpatuloy na lang ang pagkain.

“How 'bout you? Bat ka umiiyak kanina?” this time ako naman ang natigilan, sasabihin ko ba sakanya?

“Don't worry, wala akong pagsasabihang ibang tao.” napabuntong hininga ako.

“I remember my dog na ngayon ay patay na.” malungkot kong sabi.

Napatingin ako sakanya at naka-kunot na ang noo niya.

“Seriously? You cried because of a dog?”

“Hoy, hindi siya basta basta aso noh! He's been with me since I was just a baby! Nasanay akong lagi siyang nasa tabi ko, pino-protektahan ako at pinapasaya. Hays. I can't even.” mahinang sabi ko enough lang para marinig niya, naramdaman ko ang pag tango tango niya.

“May mga pangyayari kasi talaga na nangyayari sa buhay natin nang hindi natin inaasahan. Maybe for now nahihirapan ka pa dahil katulad nga ng sinabi mo, nasanay kang nasa tabi mo palagi 'yong aso mo para protektahan at pasayahin ka but I'm pretty sure kakayanin mong magpatuloy nang wala na siya. It's hard but I know you can do it.” napangaga ako sa sinabi niya at pumalakpak.

“Ang galing mo mag advice ah! Next time 'pag broken hearted  ako, sa'yo na lang ako lalapit para humingi ng advice.” sinamaan niya ako ng tingin, nag peace sign naman ako sakanya at ngumiti ng pagkalawak lawak.

“Biro lang.”

×××

“Bye sir Tyroine! See you again!” sigaw ni Mr.Lolipop.

Lumabas na kami sa shop at napagdesisyunang mag lakad lakad na muna.

“Grabe busog na busog ako, ang sarap pala ng mga pagkain do'n.”

Tumango tango siya, pero natigilan ako nang may marealize.

“Hindi ka nag bayad.” sabi ko pero parang wala siyang narinig dahil tuloy tuloy lang siya sa paglalakad.

“Hoy Dustin! Bat hindi ka nag bayad?!” sigaw ko habang hinahabol siya.

“Tss. Why would I pay the food kung ako naman ang nagbibigay ng sweldo nila to cook a food for me?” nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at muling natigilan.

“Y-you mean.. you own that?” inirapan niya lang ako. “Weh? Di nga?”

“Tss.” sabi niya at bigla akong iniwan, napakasungit niya talaga.

“Hintayin mo naman ako!!!! I can't even!!!” sigaw ko at tumakbo palapit sakanya.

“Tss. Ang liit liit kasi kaya ayan ang ikli ng hakbang.” bulong niya pero narinig ko.

“ANO?! Aish! I REALLY CAN'T EVEN!!!!” parang batang nagta-tantrums na sabi ko at binilisan ang pag lakad.

Napahinto ako sa paglalakad nang may nakita ako sa di kalayuan.

*_____*

“Askrim!” halos kuminang ang matang sabi ko.

“What?” tinuro ko ang tinitingnan ko, tsaka siya kinalabit.

“Askrim! Bili tayo ng askrim!”

“Tss. It's Ice cream, idiot.” sinamaan ko siya ng tingin at biglang hinampas.

“Bumili ka na lang!” sabi ko sakanya.

×××

“Oh, okay ka na?”

Tumango tango ako habang kumakain ng ice cream, ang sarap. Kakaiba ang ice cream na 'to, parang dalawang flavor ang matitikman mo. 

“Tss.” ramdam ko ang pag-iling iling niya.

Napakunot ang noo ko at napatingin sakanya, pagtingin ko sakanya ay para bang may light bulb na umilaw sa ulo ko. Napa-evil smile tuloy ako.

“Dust, halika.”

“Dustin. We're not close.” napa-roll eyes ako.

“I can't even! Daming arte! Halika nga kasi dito, bilis!” lumapit naman siya nang nakakunot ang noo.

Saktong paglapit niya ay agad kong ipinahid sa may ilong niya papunta sa kanyang mata ang ice cream ko, napapikit siya at agad akong tumakbo palayo sakanya habang tumatawa.

“Oopss! Sorry, I didn't mean it!” tsaka ako humagikgik habang tumatakbo palayo sakanya.

“Tss!” galit na sabi niya at bigla akong hinabol, nanlaki ang mata ko at agad na binilisan ang pagtakbo.

Pero useless kasi hindi ko namalayan na naabutan na pala niya ako, hahawakan niya na sana ako pero bigla akong umiwas dahilan para masubsob siya. Samantalang, tawa naman ako ng tawa. Sinamaan niya ako ng tingin at nagsimula nanaman akong tumakbo palayo.

Paulit ulit lang ang ginawa namin, takbo ko, habol niya, iwas ko, subsob niya. Napagdesisyunan kong tumigil na dahil baka mapikon siya at baka iwan ako dito eh hindi ko pa naman alam kung saang lugar 'to. Habang naka-rest ang kamay ko sa tuhod at hinahabol ang hininga, nakita kong may dalawang pares ng sapatos ang huminto sa harap ko. Napatingala ako at nakita siya, bigla niya akong hinila.

“Let's go there.” sabi niya.

Wala na akong nagawa dahil hila hila na niya ako at pagod na rin ako. Tsaka ko nga lang napansin na gabi na pala dahil madilim na ang kalangitan, hindi kasi halata dito kasi madaming ilaw. Pumunta kami sa isang booth na parang katulad ng sa perya, parang kailangan mong tamaan 'yong target para makuha mo ang gusto mong prize. Napatingin ako kay Dustin at napansin kong nakatingin siya sa isang napakalaking red velvet cake na satingin ko ay isa sa mga prize. Napahagikgik ako.

Binigyan na siya ng pangtira at nagsimula nang tirahin ang target pero dalawang beses lang niyang natamaan ang target kaya naman ay vanilla cupcake lang ang nakuha niyang prize. Natawa ako dahilan para mapatingin siya saakin ng nakakunot ang noo.

“Nakikita mo ba 'yon?” turo ko sa napakalaking red velvet cake. “Kukunin ko 'yon para sa'yo.” taas noo kong sabi. Ang lagay eh parang ako ang lalaki sa'ming dalawa.

“Tss. Ako nga hindi ko nakuha, ikaw pa kaya?” sabay irap niya sa'kin.

“Wala ka bang tiwala sa'kin?” inirapan niya lang ako. “Just watch and learn.”

Nag simula na akong tumira at nang matapos ako sa pagtira sa target ay ibinaling ko ang tingin ko kay Dustin na sandali pang napanganga pero agad ring bumalik sa dati ang reaksiyon niya. Natawa ako. Ibinigay na saakin ang prize na red velvet cake at agad naman iyong kinuha ni Dustin, kitang kita ko sa mata niya ang tuwa at kulang na lang ay kuminang ang kanyang mata. Natawa akong muli.

“I didn't know na may ganyang side ka pala.”

×××

THANK YOU FOR READING! DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT! ALYVYOU <3

FOR IMPORTANT UPDATES FOLLOW ME AND MESSAGE ME AT:

Twitter: @Muriaticalyy_
Instagram: @muria.ticalyy
Facebook page: https://www.facebook.com/MuriaticalyyOfficialPage/

THANK YOU!

-m u r i a t i c a l y y ♡

With All My HeartWhere stories live. Discover now