Chapter 46: "Vaporub."

46 9 2
                                    

Vexx's POV.

Nakaka-antok na araw =_=

Balik nanaman sa dati ang lahat hays.

Sayang, hindi ako gaanong nakapaglaro no'ng Interhigh.

“Vaporub!”

Mag isa akong naglalakad dito sa field papunta sa building namin at sobrang nakakatamad pumasok -_-

“Vaporub!”

Isabay mo pa ang init ng panahon hays.

“Huuuuy!!!”

“Ay gag--Fletch? Bat ka ba nanggugulat?!”

“Kanina pa kaya kita tinatawag!”

“Huh? Wala naman akong naririni---ako ba 'yong tinatawag mong Vaporub?” napataas ang kilay niya na para banag sinasabi niyang hindi-ba-obvious.

“Hindi naman kasi Vaporub ang pangalan ko! Bakit ba Vaporub ang tinatawag mo sa'kin kanina?” nagpameywang siya bago mag salita.

“Ano bang first name mo?”

“Vexx.”

“Oh.. Vexx. Vaporub.”

Naramdaman kong unti unting kumunot ang noo ko.

“Eh Vicks 'yon! Ang layo naman ng Vicks sa Vexx!” bigla siyang natawa.

“Pareho kaya!” natatawa niyang sabi.

“Ewan ko nga sa'yo!” sabi ko at iniwan siyang tumatawa mag isa.

“VEEEXX!” nagulat ako no'ng biglang may umakbay sa'kin.

Pagtingin ko, si Zach pala. Kasama niya sina Elissa na kumakaway sa'kin, nginitian ko lang sila.

“Kamusta? Okay ka na?” nakaakbay pa ring tanong ni Zach.

“Buhay pa naman.” natatawa kong sabi.

“Ang dami nang nangyayaring masama sa'yo ah, himala at buhay ka pa.” nabura ang ngiti ko sa sinabi ni Jatt na katabi pala ni Zach, biglang natawa si Zach na sinundan naman ng tawa ng iba.

“Eto naman! Nasabugan lang, 'di na mabiro! Ang seryoso mo!” sabi nito at tumawa pa, napangisi na lang ako tsaka sila nagyaya na pumunta sa canteen.

Habang nag lalakad ay hindi ko maiwasang mapaisip, bakit pakiramdam ko'y hindi masaya si Jatt dahil buhay pa rin ako sa kabila ng mga pagsugod at pananakit sa'kin ng grupo ni Aphro?

Inalis ko na lang iyon sa isip ko at napagdesisyunan na huwag na 'yong masyadong isipin at bigyan ng ibang kahulugan.

Nang makarating kami sa canteen ay nag order na sina Jatt, sakto namang dumating sina Dust at Trav.

Nang maka-order na sila ay inilapag na nila ang mga in-order nila tsaka sila naupo sa upuan.

“Nga pala Vexx..” napatingin ako kay Shar. “What was the exact details of what happened last time?” tanong nito.

Tinapos ko muna ang pagkain ko bago magsalita tsaka ko kinwento sakanila ang buong pangyayari maliban na lang sa parte kung saan ay pinuntahan ko ang "kapatid" ko.

“What's their problem?!” inis na sabi ni Amie.

“Bakit ba nila 'yon ginagawa sa'yo?!” inis ring sabi ni Das.

I just shrugged my shoulders since hindi ko rin alam ang dahilan behind it, magsasalita pa sana ako nang bigla na lang dumating si Ris na sobrang seryoso ng mukha.

Napansin ko ring natigilan siya saglit nang makita niya si Das pero napaiwas siya ng tingin at naupo sa tabi ko.

What's with them?

“Hey, bro. You okay?” I asked, he just nodded.

Maya maya pa'y nagsitayuan na kami at nagsipuntahan na sa kanya kanyang silid aralan.

Habang naglalakad kami papunta sa room nina Ris, Dust at Prim ay naramdaman kong may nakatingin sa'min, napahinto ako at napalingon lingon.

“Vexx? Okay ka lang?” napatingin ako kay Ris at tinanguan lang siya.

Nararamdaman ko talagang may nakatingin sa'min pero hindi ko alam kung saan, nagpatuloy ako sa paglalakad at bago pa kami makaliko ay nahagip ng paningin ko ang isang pigura ng babaeng nakatayo sa madilim na parte ng ikalawang palapag at nakatingin sa gawi namin. Nakita kong ngumisi siya sa'kin at inayos niya ang suot niyang sumbrero hanggang sa bigla na lang siyang naglaho saaking paningin.

“Vexx!”

Napatingin ako kina Prim na medyo malayo layo na sa'kin.

“Kanina ka pa namin tinatawag, male-late na tayo.”

Agad akong tumakbo palapit sakanila tsaka kami nag patuloy maglakad.

Ano ba talagang kailangan nila sa'kin?

Sino ba talaga sila?














Hanggang sa makarating kami sa room ay 'yon pa rin ang iniisip ko, minsan ay hindi ko maiwasang mangilabot at matakot dahil sa mga ginagawa nila sa'kin. I know they can do more than that, and all I have and need to do is to be extra careful para hindi na ako mapahamak pero hindi ko alam kung kailan at saan sila maaaring sumugod.

The more na nagiging tahimik sila ay the more na lumalala naman ang ginagawa nila.

“MISTER KOZLOV!”

Napapitlag ako at napatingin sa sumigaw, galit na galit na nakatingin sa'kin si miss. Napatin naman ako kina Ris na nakatingin din sa'kin.

“Ilang beses ka na naming tinatawag.” bulong nito.

“Ano bang iniisip mo at hindi ka nakikinig sa discussion ko?! Mahalaga ba 'yan?! Magaling ka na ba?! Alam mo na ba 'to lahat?! Kung gano'n ay tumayo ka riyan at ikaw ang magturo, ako naman ang mauupo at hindi makikinig sa'yo!” galit na galit na sabi nito, napayuko naman ako at humingi ng paumanhin.

Magsasalita pa sana siya ngunit tumunog na ang bell, napabuga naman ako ng hangin. Saved by the bell.

“Hindi pa tayo tapos, we will see each other again tomorrow, good bye class.” paalam nito tsaka umalis ng room.

Nagsitayuan naman ang mga kaklase ko at lumabas na ng classroom dala ang mga gamit nila, nakita kong tumayo na rin sina Dust.

“Wait.. where are you going?” napakunot ang noo ni Dust.

“You don't know?” napakunot naman ang noo ko, he gave me a death glare bago sumagot. “The faculty has an emergency meeting, kaya maaga ang uwian natin ngayon. Nasa'n ba ang isip mo? You're not listening.” sabi nito at inirapan ako.

Sungit talaga ng alikabok na 'to! Nagtatanong lang eh. Hays. Kasalanan 'to ng Vantablack, ginugulo nila ang isip ko.

×××

A/N:
tinatamad ulit akong mag edit kaya pasensiya na ulit sa typos at grammatical error! 😂 sana'y na-enjoy niyo ang pagbabasa ng chapter na 'to kahit papaano :)

Hindi ko pa alam kung kailan ulit ako mag a-update basta kung kialan ko lang maisip mag update ay mag a-update ako😅😂 pwede niyo namang basahin ang bagong story ko habang naghihintay kayo ng update dito sa WAMH, maaari niyo siyang makita sa profile ko o sa link👇 :)

Here's the link: https://my.w.tt/drtDNz7stQ
Title: The Momentous Premier.

Sana'y suportahan niyo rin ang TMP tulad ng pag suporta niyo sa WAMH :) maraming salamat! ❤


-m u r i a t i c a l y y ♡

With All My HeartWhere stories live. Discover now