Chapter 13: Side effect.

113 15 0
                                    

APHRO'S POV.

“MGA BOBO!” Nakatayong sigaw ko sakanila dahilan para mapayuko sila.

Napapikit ako dahil sa galit.

“Ang lakas ng loob n'yong sabihin sa'kin na sigurado kayong walang ibang mapapahamak tapos hindi lang isa kundi dalawa ang nadamay! Mga inutil! Bobo! Istupido!” Hinahampas ang mesang sigaw ko.

Tiningnan ko sila isa isa ng masama at sinubukan kong pakalmahin ang sarili. Naupo ako sa upuan ko.

“Ano ang sunod na plano.” Mahinahon kong tanong sakanila.

Bahagyang umubo ng mahina si Infra bago mag salita.

“Mananahimik muna tayo.”

“Tsa.” -Ako.

“Siguraduhin n'yong hindi kayo papalpak sa sunod na plano n'yo dahil kapag pumalpak nanaman kayo, hindi ko alam ang magagawa ko sainyo.” Sabi ko at nilisan na ang silid.

×××

PRIM'S POV.

Walang pasok ngayon dahil Linggo, nandito kami sa kwarto nina Vexx, kompleto kaming lahat dito. Pinag isa na lang nila ang kwarto nina Vexx, Ris at Dustin upang mabantayan ang mga ito at mkaiwas na rin sa panibagong kapahamakan.

“Ang tanong. Ano ang pakay ng mga taong gumawa no'n  kela Ris, kuya Dust at Vexx?” Tanong ni Elissa.

“Hindi ano, kundi sino.” Seryosong sabi ni Trav.

“Kagabi, napansin ko, no'ng tinawag ni Ris 'yong waiter ay parang nag aalangang lumapit ang waiter kay Ris.” Biglang sabi ni Fletch.

Hindi lang pala ako ang nakapansin.

“Napansin ko rin iyon.” Sabi ko.

“Maaaring isa saatin ang target ng taong 'yon. Natandaan n'yo ba ang mukha ng waiter na iyon?” -Shar.

“Hindi. Dahil madilim sa forum nang i-serve ang mga inumin.” -Jatt.

Bahagya namang bumagsak ang mga balikat ni Elissa na para bang sobrang sobrang problemado.

“Ikalawang beses na 'tong may nangyaring masama. Ano ba talaga ang nangyayari?” -Amie.

“Uggh.”

Sabay sabay kaming napalingon sa hospital bed at nakita naming gumagalaw si Vexx.

“Vexx-- NUUUUURSE!”

Agad namang may pumasok sa kwarto at chineck ang lagay ni Vexx, lumapit kami sa tabi ng kama ni Vexx.

“May masakit ba sa'yo?”

Umiling s'ya.

“Wala ka bang nararamdamang kakaiba?”

Kumunot ang noo n'ya at muling umiling, tumingin saamin ang nurse.

“He's okay now. Nakapagpahinga na s'ya ng mahabang oras. Pwede niyo na s'yang iuwi maya maya.” Tinanguan lang namin s'ya at nag pasalamat.

“Anong nangyari?” Nanhihinang tanong ni Vexx.

“You don't remember anything?” -Amie.

Kumunot ang noo ni Vexx.

“Ang naalala ko lang ay mga sigawan at bigla na lang dumilim ang buong paligid.”

Nagkatinginan naman kaming lahat, maya maya pa'y nakarinig kami ng impit na ungol mula sa likod, nang lingunin namin ang kabilang kama ay nakita naming nakapikit habang nakakunot ang noo ni Ris na para bang hirap na hirap siyang huminga.

With All My HeartWhere stories live. Discover now