Chapter 17: Stuck.

84 10 0
                                    

PRIM'S POV.

Saktong paglabas namin ni Dustin sa office ay biglang kumidlat at bumuhos ang pagka lakas lakas na ulan.

“sht.” rinig kong bulong niya.

Tumaas lang kilay ko at no'ng handa na akong sugurin ang ulan ay bigla niya na lang akong hinila dahulan para mauntog naman ang ulo ko sa matigas niyang dibdib.

“Baliw ka ba? Kita mo nang ang lakas ng ulan at wala tayong payong, kung umasta ka parang ang init init ah.”

Hinila ko ang kamay ko na agad niya namang binitiwan at hinarap ko siya nang nakataas ang kilay.

“Yah know the word enjoooooy? Huuuh? Enjoy the rain. Daaaah! I can't eveeeen.” Mataray at maarteng sabi ko at tinalikuran siya.

“Can't you just wait until the rain stop?”  Mataray din nitong tanong.

“Watebeeeer! Jasten Bebeeer!” Sabi ko at nanahimik na lang sa isang tabi.

At dahil bagong ligo ako, napayakap ako sa sarili ko dahil nilalamig ako.

Bakit ba kasi pabigla bigla 'tong ulan eh. -_-

Hinintay naming tumila ang ulan pero madilim na at naboboring ako.

Tumingin ako kay Dustin.

HINDI BA SIYA NABOBORING AT NAIINIP?!

“Huy alis na kaya tayo. Mukhang walang pag asang tumila ang ulan eh.”

Sana pala nanatili na lang akong tahimik. Napahiya pa tuloy ako. Hindi niya man lang ako sinagot o tinapunan ng tingin. Parang hangin lang ako dito ah. =_=

*yaaaaaw--*

Napahinto ako sa pag hikab at napatingin sakanya at hindi ko namalayang nakatingin pala siya sa'kin ng naka-kunot noo.

“huwaaaat?”

“You know what? You're so weird. Tss.” Mataray na sabi nito at inirapan ako.

Napa-make face ako sa sinabi niya. Sarap sapakin ng alikabok na 'to! -_-

Napatingin ako sa relo ko, whuutt? It's 5:40 already?!

-_-

“Hindi pa ba tayo uuwi? Anong oras na oh.”

Napatingin siya sa paligid at tiningnan ang kanyang relo.

Nilabas ko ang kamay ko para malaman kung umuulan pa ba, umuulan pa pero hindi na gaano kalakas na gaya no'ng kanina.

“Tara na uwi na tayo, hindi naman na malakas ang ulan eh.”

Pero hindi niya man lang ako sinagot -_- nag lakad lang siya paalis.

Sinundan ko lang siya. Huminto siya sa paglalakad at humarap sa'kin.

“Are you following me?” Mataray nanamang tanong nito.

Tumingin ako sa likod ko at binalik ko ang tingin sakanya.

Inosente kong tinuro ang sarili. Tumaas naman ng kilay niya na parang sinasabing ako nga ang kausap niya.

“Ahmmm.. oo?”

“Why?”

“Eh kasi wala na akong masasakyan, anong oras na oh tapos umuulan pa.”

“And then? What do you want me to do?”

Napa-grin ako sakanya at lalong tumaas ang kilay niya.

“Hatid mo 'ko ulit puhleaaseee.”

“Tss.”

Tanging sinabi niya at tinalikuran na ako. Nanatili lang akong nakatayo. Ano ba 'yan. Akala ko may mabuting puso ang taong 'to -_-

Muli siyang tumingin sa'kin ng nakataas nanaman ang kilay. Bat ba ang sungit sungit ng lalaking 'to?! -_-

“Ano pang tinatayo-tayo mo diyan? Tss.” Nagulat naman ako sa biglaang sigaw niya kaya napatakbo ako papalapit sakanya.

“Sumakay ka na. Paki-bilisan.” Sabi nito at padabog na sinara ang pinto.

Napa-yes naman ako at sobrang lawak ng ngiti ko, biglang tumunog ang busina kaya napatigil ako sa pag diwang at sumakay sa passenger seat.

Pagkapasok na pagkapasok ko nag tama agad ang mata namin sa salamin, nakakunot ang noo niya.

“What do you think of me? Your driver?!” Natameme ako sa sinabi niya at napaisip.

Tsaka ko narealize na sa likod niya pala ako naupo.

“Ay. Sorry naman, kailangan laging galit?” Sabi ko at bumaba na sa kotse niya at baka mabadtrip pa siya lalo.

Lumipat ako sa front seat at padabog kong sinara ang pinto, pag tingin ko sakanya ay nakakunot nanaman ang noo niya.

“What?!”

“Tss.”

“Bat ba lagi kang galit?! Ano bang kasalanan ko sa'yo?!” Sigaw ko sakanya.

“Oh shut up.” Sabi nito at umirap siya saakin.

Napaiwas ako ng tingin at bumulong.

“Napaka sungit tsk. Wala naman akong ginagawa sakanya.”

“Sino bang kausap mo diyan?” Tiningnan ko siya.

“WALA! Mag drive ka na lang!” Sigaw ko ulit sakanya.

“Seriously?! Why are you fvcking yelling at me?! Just to remind you you lady, I'm not your fvcking personal driver so shut the fvck up!”

Nabigla ako sa mga sinabi niya at sa pag sigaw sa'kin, naramdaman ko na lang na mainit na ang gilid ng mata ko at may mainit na likidong dahan dahang dumaosdos sa pisngi ko.

Tila bigla siyang kumalma at natauhan nang makita niya na umiiyak ako.

“A-are you cryin'?” Mahinahong tanong nito.

“D-don't talk to me.”

Umiwas ako ng tingin.

“Why are y-you cryin'?”

“J-just don't t-talk to me.”

“Tss.”

Sabi nito at pinaandar na ang kotse. Habang nasa biyahe, wala ni isa saamin ang umiimik. Hindi ko rin siya tinitingnan.

Nang makarating kami sa labas ng bahay namin sa loob ng village ay agad kong binuksan ang pinto.

“Salamat--”

Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko.

“S-sorry kung nasigawan k-kita kanina. Ang kulit m-mo kasi.”

OMG. I-is this for real?!






×××

THANK YOU FOR READING! DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT! ALYVYOU <3

FOR IMPORTANT UPDATES FOLLOW ME AND MESSAGE ME AT:

Twitter: @Muriaticalyy_
Instagram: @muria.ticalyy
Facebook page: https://www.facebook.com/MuriaticalyyOfficialPage/

THANK YOU!

-m u r i a t i c a l y y ♡

With All My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon