Chapter 14: Suffering Innocents.

109 11 0
                                    

FRANCINE'S POV.

“Lagi na lang s'yang nagagalit sa'tin. Hindi man lang siya maging proud!”

“Don't say that Francine, masama ang mang-backstab –lalo na't kapatid mo pa mismo ang bina-backstab mo.” -Vis.

Napa-pout ako.

“'Yon na nga eh! Kapatid ko siya, kapatid n'ya ako! Pero bakit lagi siyang galit sa'kin at lagi niya akong sinasabihan ng masasama?!”

“Hindi lang naman siya gano'n sa'yo eh, lahat naman tayo gano'n ang pagtrato niya. Mag reklamo ka kung ikaw lang ng ikaw ang lagi n'yang pinagsasabihan ng masama.” Sabi ni kuya Dimitri at umirap sa'kin.

“Oo nga naman. Tsaka Ebony, si Aphro ate mo 'yan, mas matanda 'yan sa'yo. Bukod pa ro'n masama ang mang backstab, satingin mo ba magugustuhan ni ate Aphro mo ang pang ba-backstab mo sakanya?” -Ate Violet.

Oo na, Oo na! Ako na ang mali. Lagi namang ako ang mali eh!

Pero totoo naman kasi eh. Lagi na lang s'yang gano'n. Although gano'n naman na talaga s'ya dati pa pero.. dumoble nga lang ngayon dahil na rin siguro sa pagkawala ng matalik n'yang kaibigan na si kuya Dail.

“Trust is the most important thing in our life. Isang maliit na pagkakamali lang, Trust will be shattered.” Sabay sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses na 'yon at nakita si ate Aphro na nakasandal sa railings ng hagdan habang nakatingin sa'min ng blangko.

Bahagya namang nangibabaw ang takot saamin.

*Kring. Kring*

Nakatingin pa rin s'ya sa'ming sinagot ang tawag.

×××

PRIM'S POV.

“Uy, Prim. Okay lang ba talaga sa'yo?” –Elissa.

“Oo naman, hindi ka naman siguro matatagalan?”

“Mmm. Mga 1 hour and 30 minutes lang naman, then babalik ako agad.”

“O siya, aalis na ako. Ikaw na ang bahala rito, nag mamadali talaga ako eh. Isara mo lang ang pinto para walang magtangkang pumasok na magnanakaw.”

Tinanguan ko s'ya.

“Ingat.”

Nang makaalis na s'ya ay agad ko namang tinungo ang kwarto ni Dustin, nandito ako ngayon sa bahay nila. Tinawagan kasi ako ni Elissa at sinabihan na bantayan ko muna raw si Dustin dahil walang magbabantay sakanya. Natawagan na raw niya lahat ng kaibigan namin pero lahat daw busy at nagkataon namang wala akong ginagawa kaya pumayag na ako na bantayan si Dustin.

Nang makapasok ako ay agad kong inilapat sa noo ni Dustin ang kamay ko at naramdaman ko ang matinding init na lumalabas sakanyang katawan, may mga pasa rin siya sa katawan at mukha.

“uhh.” Biglang ungol n'ya at gumalaw s'ya.

Maya maya pa'y dahan dahan n'yang iminulat ang kanyang mata at nanghihinang tumingin sa'kin.

“A-anong *cough* ginagawa m-mo rito?” Nanghihina n'yang tanong.

“Umalis ang kapatid mo at walang mag babantay sa'yo kaya ako muna ang tinawagan niya't pinabantay sa'yo. Huwag kang mag alala, Isang oras mahigit lang at babalik na s'ya.” Nakangiting sabi ko.

Inirapan n'ya lang ako at dahan dahan s'yang tumalikod sa'kin.

“Nagugutom ka na ba? May pagkain sa baba.”

“H-hindi ako g-gutom.”

“Pero kailangan mong kumain, kasi iinom ka pa ng gamot mo.”

“H-hindi nga s-sabi ako g-gutom!”

Hindi na ako nagsalita pa at tiningnan ko lang s'ya ng nakangiwi, hindi n'ya naman ako nakikita dahil nakatalikod s'ya sa'kin.

[10 Minutes after.]

“Dustin? Dustin? Gising! Kain ka muna oh, anong oras na. Magagalit sa'kin si Elissa 'pag hindi kita pinainom ng gamot mo. Sige na please.”

“Tss.” Iiling iling na sabi n'ya at dahan dahang umupo sa kama n'ya, tinulungan ko naman s'ya subalit pinigilan n'ya ako.

“I c-can manage!”

Binitiwan ko naman siya agad at tiningnan ko s'ya habang naka-pout, nakita ko namang hirap na hirap s'yang umupo.

Tumingin s'ya sa'kin ng masama, sinulyapan ko lang s'ya at umiwas ulit ng tingin ng naka-pout pa rin samantalang napa-iling iling naman s'ya.

“Oh ayan na pagkain mo, alam ko namang hindi ka magpapasubo.” Sabi ko at tinuro ang side table n'ya. “Tawagin mo na lang ako 'pag may kailangan ka.” dagdag ko at naupo sa couch na nakatalikod sakanyang kama sa loob ng kwarto n'ya.

Dahan dahan akong sumilip at nakita ko si Dustin na nakakunot ang noo at hindi makakain.

“Bahala ka sa buhay mo! Ikaw na nga lang 'tong inaasikaso, ikaw pa 'tong antipatiko! Hmp! I can't even!” Bulong ko habang naka-cross arms pa.

Napasilip ako ulit at nakitang nakatingin ng masama si Dustin, tinaasan ko s'ya ng kilay.

“Whutt?” Mataray na tanong ko.

“Tss.”

Hirap na hirap pa rin s'ya at hindi man lang nababawasan ang pagkain -.-

“Psh. I really can't even!” Sabi ko. Tumayo ako at naglakad palapit sakanya.

Napatingin naman s'ya sa'kin nang naka kunot ang noo.

“Akin na, susubuan na kita.”

Mag sasalita pa sana s'ya pero pigilan ko siya.

“HEEEEEP! 'Wag ka nang umangal! Ni hindi pa nababawasan 'yang pagkain mo!”

“Tss.” Sabi niya't inirapan nanaman ako at tumingin sa kanan n'ya, nasa kaliwa niya ako.

Naupo ako sa tabi n'ya at kinuha ang tasa n'ya, hinipan ko muna ang kalahating butil ng soup at itinapat sa bibig n'ya.

Tiningnan n'ya lang ako ng mataray -.-

Pinandilatan ko s'ya.

“Tss.” Napailing s'ya at inirapan nanaman ako. -__- ang taray ng alikabok na 'to ah.

“Ahhhh!” Biglang sigaw n'ya.

“Sorry, sorryy!” Sabi ko habang nakahawak sa kamay n'yang nakahawak sa bibig n'ya, tiningnan n'ya ako ng masama.

Eh pa'no ba naman, hindi ko alam na mainit pa 'yong soup. Hinipan ko naman na 'yon eh atsaka kanina ko pa niluto 'yong soup.

“Sabihin mo lang sa'kin kung masama ang loob mo! Alis nga! Hindi kita kailangan!” Sigaw n'ya at tinulak pa ako.

“A-ar--!” Tumingin lang ako sakanya at iiling iling na lumabas sa kwarto n'ya.

Agad akong pumunta sa kusina nila at kumuha ng yelo at inilapat sa braso kong natapunan ng mainit na soup kanina nang itulak ako ni Dustin.

Napabuntong hininga na lang ako.










-To be continued.










THANK YOU FOR READING! DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT! ALYVYOU <3

FOR IMPORTANT UPDATES FOLLOW ME AND MESSAGE ME AT:

Twitter: @Muriaticalyy_
Instagram: @muria.ticalyy
Facebook page: https://www.facebook.com/MuriaticalyyOfficialPage/

THANK YOU!

-m u r i a t i c a l y y ♡

With All My HeartWhere stories live. Discover now