Chapter 25: The Outing prt 1.

54 10 0
                                    

APHRO's POV.

“Capo.. nabalitaan kong mayroong outing ang grupo nina Vexx.” nai-angat ko ang tingin ko kay Vis na agad namang napayuko sa biglaang pag angat ko ng tingin sakanya.

Tinagilid ko ang ulo ko sa direksiyon ni Dimitri, naging hudyat 'yon para mag salita siya.

“Sa Albay sila pupunta.” tumayo ako mula sa pagkakaupo at nag lakad papunta sa pinto.

“Susundan natin sila. Ihanda niyo na ang mga gamit niyo.”

×××

PRIM'S POV.

Pagkatapos naming kumain ay bumiyahe na ulit kami at ang iingay nila samantalang kami naman ni Zach eh nag lalaro lang ng PUBG, hanggang sa tumahimik na ulit ang van. Tulog nanaman sila.

“Ohh! Panalo koooo! Talo ka talo ka! Bleeeeh!” Pang aasar ni Zach.

“Ayaw ko na, inaantok na ko.” sabi ko habang humihikab.

“Ako nga rin eh, tara idlip muna ikaw at ako.” napakunot ang noo ko.

“Tagalog na nga lang gramatically wrong ka pa tsk.”

“Tange! Wala kasing tayo kaya ikaw at ako lang! Bobo nito.”

“Daming alam.” inirapan ko siya.

Sinalpak ko sa tenga ko ang earphones ko nang biglang kinuha ni Zach ang earphone ko sa kanang tenga ko.

“Pa-share ah.” hindi naman na ako umangal at hinayaan na lang siya dahil antok na talaga ako.

♪|There's a lot of things that I may not know
But missing you baby is the only thing I know
I know|♪

Nararamdaman ko na ang pag bigat ng talukap ng mga mata ko hanggang sa dumilim na ang paningin ko dahil may nag sara ng mata ko gamit ang kanyang kamay.

×××

“WOOOOH!” Sawakas!”

“Nakarating din tayo!”

“Nakakapagod bumiyahe jusko.”

Nag sibabaan na kami sa van habang ako naman ay antok na antok pa, nakapikit pa ang mga mata ko at humihikab pa ako habang nagkakamot ng magulo kong buhok.

*toook*

“A-aray naman!” Napadilat ako at tiningnan ang taong pumitik ng noo ko, nang mapagtanto kong si Zach iyon ay sinamaan ko siya ng tingin.

Pero hindi siya natinag sa tingin ko dahil nakakunot ang noo niya habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa, napailing iling siya at muling binalik ang tingin saakin.

“Anong itsura 'yan? Babae ka ba talaga? Tsk. Ayusin mo nga sarili mo, bilisan mo na diyan.” sabi niya at tinalikuran ako.

Napatingin ako sa repleksiyon ko sa van at nakitang sobrang gulo ng buhok ko at lukot lukot rin ang damit ko, I can't eveeeen! Para akong nirape! Inayos ko agad ang sarili ko at pumunta sa likod ng van, nakisiksik ako sakanila.

“Paabot naman no'ng maleta ko oh.”

“Wala na!” pasigaw na sagot ni Trav.

“Huh? Nasa'n na?”

“Kinuha na ni Zach ah, 'di mo alam?” sagot naman ni Fletch na kinuha rin ang gamit.

“Ah gano'n ba? Loko 'yon 'di man lang ako in-inform.”

“Ehem. Mukhang may something na kayo ahh. Ayieeee.” pang aasar ni Amie at sinundot sundot pa ako.

Napakunot ang noo ko at tinapik ko ang kamay niyang pinang susundot saakin.

“Anong pinagsasabi mo diyan? Tsk. Mauna na ako sainyo.” paalam ko at agad na tumakbo palayo sakanila pero naririnig ko pa rin ang pang aasar nila sa'kin, napailing na lang ako.

Pumasok ako sa loob ng hotel na tutuluyan namin for 4 days and 3 nights, nakaupo sila sa may parang mini sala ng hotel sa lobby habang si Elissa at Ris naman ay nasa counter. Lumapit ako kela Vexx na nag uusap usap, naupo ako sa tabi ni Zach na nag lalaro nanaman.

“SHIT!”

“Ay ano ba 'yan! Ang tanga naman mag laro!” umamba siya na ipapalo saakin ang phone niya.

“Ikaw kasi eh! Dumating ka lang natalo na ako! Malas kaaaa!”

“ABA'T kasalanan ko pa talaga?! I CAN'T EVEN!”

“Oo, Kasalanan mo! Ang taba taba mo kasi! Nahaharang ng taba mo ang signal!”

“ANO?! I really can't even! Ako? Mataba?! Grrrr!”

“Hoy! Ano ba kayong dalawa?! Magkatabi na lang kayo nagsisigawan pa kayo!”

“Para talaga kayong aso't pusa.”

“Mga isip bata tsk tsk.”

“Kakilig hihi”

“Sabi sainyo eh may something sakanila.”

Rinig kong side comments nila, lahat sila ay nakatayo at nakatingin saamin. Nagkatinginan kami ni Zach at parehong nag iwas ng tingin at nag cross arms. 'Yong kagaya ng mga batang nagkakatampuhan.

“Okay guys, okay na 'yong room natin. Let's go.” Rinig kong sabi ni Elissa kaya agad naming kinuha ang kanya kanyang bag at maleta namin.

Habang nag lalakad kami papunta sa elevator ay nag uusap usap at nag aasaran naman kami, napatingin ako sa kapatid ko na nahuhuli pala. Hirap na hirap siya at naiinis siya sa dala niya, nilapitan ko siya agad at tinulungan.

“Bat kasi ang dami mong dala? 'Yan tuloy nahihirapan ka.” nag make face lang siya sa sinabi ko.

Aba itong batang 'to siya na nga lang tinutulungan eh tsk, kukunin ko pa lang sana 'yong maleta niya nang may naunang kumuha no'n pag tingin ko si Ris pala.

“Bat ang bigat nito? May dala ka bang bato?”

“Oy bat mo inagaw sa'kin? Akin na nga, kakagaling mo lang sa ospital eh.” sabi ko at sinubukang agawin ang maleta pero nilayo lang ni Ris.

“Ako na ang magdadala, ang bigat kaya oh, baka maputol ka pag ikaw ng nag buhat nito. Lumayas ka na nga dito. Chupeeee!” sabi niya at pinag tutulak ako palayo sakanila.

“ARA---ooopss.”

“Tss.”

“S-sorry.” sinamaan niya lang ako ng tingin at nag deri-deritso na sa paglalakad.

Nilingon ko si Ris na kasalukuyang naka peace sign, tinaas ko ang nakakuyom kong kamao na para bang sinasabing lagot siya sa'kin mamaya. Sobrang gulo naming lahat hanggang sa loob ng elevator ay ang gulo gulo namin, puro kami tawanan at asaran. Well, except kay Dustin na naka-poker face lang. Napag-alaman kong luxury room ang kinuha nila Elissa, isang napakalaking room na may limang kwarto raw sa loob nito. Nang makarating kami ay agad kaming pumasok at literal na napanganga kaming lahat dahil sa sobrang laki, hindi namin ine-expect 'to. May sala, veranda, kitchen, at limang kwarto. Nasa second floor ang mga kwarto, sa gilid naman nitong double door ang hagdan. Ang ganda grabe! napaka elegante. Magkano kaya ang binayaran nila? Hmm.

Dalawang kwarto lang ang occupied naming girls dahil napag desisyunan naming mag sama sama na lang kami nina Shar at Das sina Elissa, Amie at Fletch naman sa kabilang kwarto.

×××

THANK YOU FOR READING! DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT! ALYVYOU <3

FOR IMPORTANT UPDATES FOLLOW ME AND MESSAGE ME AT:

Twitter: @Muriaticalyy_
Instagram: @muria.ticalyy
Facebook page: https://www.facebook.com/MuriaticalyyOfficialPage/

THANK YOU!

-m u r i a t i c a l y y ♡

With All My HeartWhere stories live. Discover now