Prologue.

520 29 5
                                    

3rd Person's Pov.

“Sabihin mo saakin kung saan nag tatago si Grease at walang mangyayaring masama sa'yo, Sable, Or should I call you.. Dail Cir Ramos." (pronounce as Deyl Seer)

Bakas ang pagka-gulat sa mukha ng binatang nakatali sa kanyang narinig ngunit hindi siya nag patinag at ngumiti ito ng nakaka-kilabot.

“Kahit anong gawin niyo saakin, kahit mag-kamatayan, hinding hindi ko sasabihin sainyo kung saan nag tatago si Grease!" Sigaw nito sa lalaking palakad lakad.

“Kayo ang may kailangan sakanya? Pwes hanapin niyo siya! Dahil kahit anong pilit niyo, hinding hindi kayo makakarinig ng kahit ano mang salita mula saakin!"

Tila nag init ang ulo ng lalaki at inutusan niya ang kanyang mga alagad na pindutin ang isang switch kung saan nakakonekta ito sa kuryenteng nasa upuan ng binatang nakatali, agad naman siyang nakuryente dahilan para mapasigaw siya sa sakit.

“Di mo pa rin sasabihin saamin?!” Galit nitong tanong.

Tumawa ang binata.

“Anong akala niyo saakin? Bobo? Tanga? GAGO! Umasa kayong mag sasalita ako!” Lalong nag init ang ulo ng lalaki, tinutukan niya ng baril ang binata ngunit imbes na matakot ay natawa lang ito.

“Sa tingin niyo ba, hindi kayo hahanapin at gagantihan ni Grease kung sakaling patayin niyo ako?! Nag kakamali kayo! Ito lang ang masasabi ko.. kapag pinatay niyo ako, at nalaman ni Grease na kayo ang pumatay saakin.. humanda kayo sa galit niya." At ngumisi ito ng nakaka-kilabot, samantalang hindi naman maiwasan ng lalaki ang mangilabot at matakot ngunit hindi nito pinahalata.

“Tama na ang dakdak! Masyado kang madaldal na hayop ka! Wala kang kwenta! Punyeta!” galit nitong sigaw sa binata kasabay ang pagalingawngaw ng paligid dahil sa putok ng baril.

Agad namang nawalan ng malay ang binata dahil sa nakuha niya.

“Ibalik niyo siya kung saan niyo siya nakita.” Humihingal nitong sabi atsaka nilisan ang silid.

Dali dali naman nilang tinanggal sa pagkaka-tali ang wala nang buhay na katawan ng binata at sinakay sa sasakyan.

×××

Kinabukasan:

Masayang nag lalakad palabas ang mag kakapatid, nangunguna sa pag lalakad sina Francine at si Violet. Binuksan ni Violet ang pinto at nagulat sila sa nakita..

“k..kuya Dail.” Maluha luhang sabi ni Francine at napayakap kay Violet na kasalukuyang nakatakip ang bibig dahil sa gulat.

“Sino ang walang pusong gumawa nito ka Dail?!” Galit na galit na sabi ng nakatatandang kapatid nilang lalaki na si Infra, halata sa mukha ng binatang wala nang buhay na nakahandusay sa tapat ng pinto nila ang pagpapahirap dito.

Nakaramdam sila ng kakaiba at nakakakilabot na presensiya, Napalingon sila sa likod kung saan walang emosyong nakatingin sakanila si Aphro.

Nag lakad ito at nilampasan ang mga kapatid.

“Kunin niyo na siya habang wala pang nakakakitang kapitbahay.” Malamig at walang emosyon nitong sabi at sumakay sakanyang itim na Lamborghini at mabilis itong minaneho palayo.

Samantalang binuhat naman ng mag kapatid na si Infra at Dimitri ang walang buhay na katawan ng kanilang kaibigan na si Dail.

Masakit para sakanila ang makitang wala nang buhay ang kanilang matalik na kaibigan, napansin nila ang isang bagay na nakaukit sakanyang braso, 'tila pinaso ito upang malagyan ng palatandaan.

“Zemblanity” Tiim bagang na sabi ni Violet nang mapagtanto niya kung ano ang logo na iyon.

×××

Hininto ni Aphro ang kayang sasakyan, bumaba siya mula rito at galit na galit niyang pinagsusuntok ang pader habang lumuluha.

“SINO ANG GAGONG PUMATAY SAYO, DAIL?!” Galit na galit niyang sabi habang patuloy pa rin ang pagsuntok ng pader.

“TANGINA!” patuloy pa rin niyang pinagsusuntok ang pader, maya maya pa nang makaradam siya ng pagod ay itinigil na niya ang pagsuntok at nag padulas sa pader.

“B..bakit ikaw pa, Dail? BAKIT IKAW PA?!” blangko ang mukhang lumuluha na ani nito.

***

METANOIA BAR:

Kasalukuyang umiinom ng alak sa counter bar si Aphro, nang may lumapit sakanyang lalaki.

“Hi miss, may kasama ka ba?” Hindi ito pinansin ng dalagita, nag patuloy lang ito sa pag inom. Maya maya pa'y tinapos na niya ang pag inom at nag lagad subalit sadyang makulit ang lalaki at sinundan siya sa pag lalakad, akmang hahawakan niya si Aphro subalit masyadong mabilis ang pangyayari, hinawakan niya sa braso ang lalaki at umikot sa likod nito at sinipa ang kanyang likod dahilan para maumpog ito sa counter bar, napadaing sa sakit ang lalaki.

“I don't have fucking time to play with you!” Galit na sigaw nito at nag patuloy sa pag-lalakad.

Sa kabilang parte naman, kung saan ang grupo ng mga kalalakihan ay nakita ang buong pangyayari.

“Woah! Ang angas huh, I wonder what's her name.” Nakangising sabi ng isang binata.

-To be continued.

×××

Aly's:
Hi guys! So alin ang mas maganda, 'yong original or itong bago? I think wala hahaha.

THANK YOU FOR READING! DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT! ALYVYOU <3

FOR IMPORTANT UPDATES FOLLOW ME AND MESSAGE ME AT:

Twitter: @Muriaticalyy_
Instagram: @muria.ticalyy
Facebook page: https://www.facebook.com/MuriaticalyyOfficialPage/

THANK YOU!

-m u r i a t i c a l y y ♡

Prologue: Dcember 27, 2016
Published: May 28, 2017
Edited: May 15, 2018

With All My HeartTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang