Chapter 27: Beachin'.

53 11 5
                                    

PRIM'S POV.

“Hoy Prim! Kanina ka pa diyan, wala ka bang balak lumabas?” for the nth time kumatok nanaman sa pinto dito sa cr si Shar.

“Oh ano? 'Di pa rin ba lumalabas?”

“Hindi pa eh, kanina ko pa pinapalabas.” narinig ko silang nag uusap.

Mukhang pumasok na sa kwarto namin sina Elissa, maya maya ay narinig ko nanamang may kumatok.

“Prim? Bat ba ayaw mong lumabas?”

“Eh pa'no ba naman, kailangan ba talagang mag suot ng ganito?!” narinig ko ang mahihinang tawanan sa labas pero sinaway lang sila ni Elissa.

“Oo naman syempre, nasa beach tayo Prim. Ngayon lang 'to promise, sige na lumabas ka na diyan.” napabuntong hininga ako.

For the last time ay tiningnan ko ang repleksiyon ko sa salamin at saka ko napagpasyahang lumabas na, dahan dahan kong binuksan ang pinto at sumilip sakanila na nakaabang pala saakin. Lumabas na ako sa cr.

“ANO 'YAN?!”

“Mukha kang gurang!”

“Alisin mo nga 'yan!”

“Ayokooooo! Napaka revealing naman kasi ng pinasuot niyo sa'kin eh! Hindi naman ako nag susuot ng ganito ehh.”

“Ngayon lang naman Prim eh! Sige na! Take it off! Take it off!” Umiling ako.

“Ayoko!” nakita ko silang nagtinginan sa isa't isa at sabay sabay na tumango tsaka binalik ang tingin saakin.

Bigla naman akong namutla dahil kakaiba ang tingin nila saakin, at mukhang alam ko na ang gagawim nila dahil dahan dahan silang lumapit saakin kaya dahan dahan rin akong umatras.

“Ayaw mo talaga?” umiling ako.

“Ah gano'n!”

“Girls, ATTAAAAAACK!” napatili ako no'ng bigla nila 'kong sinugod at hinawakan sa magkabilang braso at pilit na tinanggal ang telang nakatali sa buong katawan ko.

*tuuugsh*

“Anong nangyayari?” napahinto kaming lahat at napatingin sa pinto, niluwa no'n ang boys.

Agad nilang naiiwas ang paningin nila at parang.. parang namula? Napatingin ako sa mga kasama kong babae at saka ko lang napansin na naka two piece pala sila.

“Ah.. ano ah.. s-sige alis n-na kami, m-mukhang wala n-namang nangyari s-sainyo.” nauutal na sabi ni Trav na agad na sinara ang pinto.

Nagkatinginan kaming anim at muli nilang binalik saakin ang tingin nila, bago pa nila muling hilain ang tela ay agad ko nang iniharang sa mga mukha nila ang kamay ko.

“OO NA! Tatanggalin ko na!”

“YEEEEEY!”

“BASTA! Ngayon lang ah.” bigla naman silang nalungkot at nag puppy eyes pa, I look at them with disgust in my face.

“Yuck! Brrr. Kakilabot kayo!” sabi ko tsaka sila iniwan.

×××

Lumabas na kami sa hotel, wala na 'yong boys nauna na saamin. Habang naglalakad kami ay napapatingin saamin lahat ng nakakasalubong at nadadaanan namin, no'ng tuluyan na kaming nakalabas sa hotel ay bumungad agad saamin ang beach. Pag tingin ko sa isang tabi ay nag tatampisaw na parang mga bata sina Trav, Zach, Ris at Vexx. Samantalang sina Jatt at Dustin naman ay nasa counter bar sa gilid ng dagat, nag lakad kami palapit sakanila.





TRAV'S POV.

What's up guys! Ako nga pala si Travis Cel Tan, ang kuya ni Amethyst Daniella o mas kilala sa tawag na Amie. At ako rin ang pinaka gwapo, habulin, mabait, gwapo, gwapo at nasabi ko na bang gwapo? Hindi pa? Ayun nga, ako ang pinaka gwapo sa grupo namin. Humangin ba diyan sainyo? 'Wag kayong mag alala, hindi ako ang dahilan no'n. Pabalik na kasi sina Dust sa inuupuan nila kanina dala ang baso ng drink nila.

“Shit ang hot.”

“Ang sexy!”

“Ano kayang pangalan nila?”

Napatingin kami sa likod namin, may limang lalaking nakatingin sa kung saan kaya napatingin rin kami sa tinitingnan nila. At napanganga kaming apat sa nakita.

Parang nagkaroon ng slow motion at nabura lahat ng tao sa paligid at tanging sila lang ang nakikita namin. Para silang nasa commercial ng nestea. Kaso biglang..

*boooom*

“Pfft HAHAHAHAHAHAHA!”

“Ano ba 'yan Prim! HAHAHAHA HA”

“Ang hot niyo na sana eh HAHAHAHAHA!”

“HAHAHA Ang tanga mo talaga kahit kailan Prim HAHAHAHAHA!”

Tawa kami ng tawa at halos mahiga kami sa kakatawa, laughtrip si Prim! HAHAHAHAHA.







PRIM'S POV.

“Pfft HAHAHAHAHAHAHA!”

“Ano ba 'yan Prim! HAHAHAHA HA”

“Ang hot niyo na sana eh HAHAHAHAHA!”

“HAHAHA Ang tanga mo talaga kahit kailan Prim HAHAHAHAHA!”

Bwisit! Bwisit! Bwisit! I can't eveeeen! Patay sa'kin 'tong apat na gung gong na 'to! Grrr! Imbes na tulungan ako tinawanan pa ako! Bat ba kasi ako nadapa?! Ang astig na ng entrance namin eh -_- ay entrance ba tawag do'n o exit? Hmm.

“Are you okay, miss?” napatingin ako sa nag salita, di ko kilala.

Tinulungan niya akong makatayo. Buti pa ang isang 'to, gentleman! Tinulungan pa akong tumayo! Hindi 'gaya no'ng apat na 'yon grrrr. I really can't even!

“A-ah.. thank you hehe.” nginitian ako no'ng lalaki at nanlaki ang mata ko no'ng hawakan niya ako sa bewang ko, aba ang bilis ng isang 'to ah!

“Your welcome, can I get your number?” tatanggalin ko pa lang 'yong braso no'ng lalaki sa bewang ko no'ng biglang may humila saakin, at dahil napalakas ang pagkahila niya ay nauntog ako sa matipuno niyang dibdib. Pareho kaming nagulat no'ng lalaki.

“Anong problema?” maangas na tanong nito, natawa naman 'yong lalaki.

“Chill bro, nakikipagkilala lang ako.”

“Wag mo kong ma-bro bro diyan dahil hindi ako pastor.” napahagikgik ako sa sinabi niya.

“What?”

“Tss.” tanging sagot ni Dustin at hinila nanaman ako palayo sa lalaki at palapit sa mga kaibigan kong natatawa rin.

Nang makalapit na kami ay binitawan niya agad ang kamay ko.

“Tara maligo na tayo!” biglang hinila ni Ris si Das.

“Ayoko pa!” sigaw ni Das, hinila rin nina Trav, Zach, at Vexx sina Shar, Amie at Fletch nakisalo naman si Jatt na hinila rin si Elissa.

“Walang ayaw ayaw! Kaya nga nasa beach tayo para maligo!” sabi ni Vexx na tinulak si Fletch sa tubig, tinulak rin no'ng ibang lalaki ang girls, tawa naman ako ng tawa.

Pero agad akong napatikom no'ng sabay sabay akong nilingon no'ng mga lalaki at ngumisi ng nakakakilabot saakin, tumalikod ako at tatakbo na sana pero naramdaman ko na lang na may humila sa'kin at hinawakan ako sa magkabilang kamay at paa ko tsaka ako dinala sa may tabing dagat at pina-sway sway.

“HOOOOY! 'WAG NIYONG GAWIN SA'KIN 'TOOOO! HUHUHU MAAWA KAYO SA'KIN!” Sigaw ko pero parang wala silang narinig.

“ONE, TWO, THREE!” pagbibilang nila at bigla akong tinapon sa tubig.

×××

THANK YOU FOR READING! DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT! ALYVYOU <3

FOR IMPORTANT UPDATES FOLLOW ME AND MESSAGE ME AT:

Twitter: @Muriaticalyy_
Instagram: @muria.ticalyy
Facebook page: https://www.facebook.com/MuriaticalyyOfficialPage/

THANK YOU!

-m u r i a t i c a l y y ♡

With All My HeartWhere stories live. Discover now