Chapter 12: Acquaintance Party 2.

117 12 0
                                    

PRIM'S POV.

Bumaba na ako sa stage pagkatapos akong ipakilala ni Iina, lumapit ako sa mga nakatayo at nag aabang kong mga kaibigan, nakangiti silang lahat sa'kin kaya ngumiti rin ako pabalik sakanila.

“Prim!”

“Ang galing mo!”

Nginitian ko lang sila dahil sobra akong napagod saaming performance kanina, inabutan ako ng baso ng malamig na tubig ni Zach. Nginitian ko s'ya at nagpasalamat.

“Hoooh! Nakakapagod.”

“Hindi namin alam na magaling ka palang kumanta't sumayaw.” Nakangiting sabi ni Fletch.

“Hindi ko naman kasi sinabi sainyo.” Natatawang sabi ko.

“Kaya pala ilang araw kitang hindi nakita kasi busy ka kakapractice.” Sabat naman ni Trav.

“M-mm.” tumango tango ako.

“Sabi na sainyo eh magaling 'yang si Prim.” taas noong sabi ni Jatt, naiilang naman akong natawa.

FAST FORWARD:

Nakatingin lang ako sa mga sumasayaw sa dance floor, mag isa lang akong naka upo sa mesa namin dahil lahat sila ay nasa dance floor.

Nakita kong nakapamulsang nag lalakad si Dustin pabalik dito sa mesa namin, kasunod n'ya naman ang tumatakbong si Ris na hinahabol naman ni Das.

"ATEEEEE!" Masayang sigaw ni Das.

Napa-kunot ang noo ko.

"Bat ka ba tumatakbo ha?! Tsk."

Napanguso s'ya.

"Oy Prim, bat ka mag isa? Bat hindi ka sumama ro'n at makisayaw?" Tanong ni Ris.

"okay lang ako rito. Tsaka sumayaw na ako kanina diba? Nakakapagod lang, pero maya maya susunod na ako sainyo."

Tumango lang s'ya.

"Balik muna kami ro'n ate."

Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa mag laho sila.

"tss."

Nanlaki ang mata ko at napalingon sa pinanggagalingan ng boses na 'yon.

"What?!" Nakakunot ang noong tanong ni Dustin.

Napailing iling lang ako.

Katahimikan ang namutawi saaming pagitan, maya maya pa'y napagdesisyunan ko nang pumunta sa dancefloor.

Agad na nag sigawan ang mga taong nakakita sa'kin at binigyan ako ng daan.

"Prim! 'Dito kami." Rinig kong sigaw ng kung sino at kung hindi ako nag kakamali ay si Jatt iyon.

♪|And I don't understand How you slip to my hands And I do all I can To get you out of my head|♪

♪|So when I call you in the middle of the night and I'm choking on the words cause I miss you Baby don't tell me I'm out of time I got so much of my loving to give you.|♪

"WOOOOOH!"

♪|In the middle of the night|♪

Natawa na lang ako sa crowd, imbes na sumayaw din sila ay pinanuod na lang nila ako.

"She's so pabibo."

"I so know right!"

"She's not so even maganda."

Napatingin ako sa mga nag sabi no'n.

"Prim, hayaan mo na 'yang So Girls na 'yan. Mga papansin lang 'yan." Biglang sabi ni Amie na umakbay pa sa'kin at dinala ako sa tabi nila.

"Woop! Parteh Parteh yeaah wooop!" Napatingin ako kay Ris na parang sabog na kumakanta habang sumasayaw.

Napatingin din s'ya sa'kin kaya pareho kaming natawa.

"Okayy. Sorry to interrupt you guys, pero kainan naaaaa!" Masayang sabi ni Elissa sa microphone sa stage.

Nag sigawan ang mga tao at nag sibalik na sa kanya kanyang mesa, habang isa isang siniserve sa mesa namin ang mga pagkain ay nag ke-kwentuhan kami at nag tatawanan.

"That was sooooo Epic!" Nagtawanan kami sa kwento ni Elissa.

"Enough of that. Let's eat." Seryoso't malamig na sabi ni Dustin kaya nama'y natahimik kami at nag simula nang kumain ng tahimik.

Maya maya pa'y natapos na kami sa pagkain at may dumaang waiter na may dala dalang tray ng iba't ibang uri ng inumin.

"Waiter!" Biglang tawag ni Ris sa waiter, nag aalangan namang lumapit ang waiter. Nag taka ako.

"Woooow alak hmm. Buti in-allow 'to?" Nakangiting sabi ni Ris, kumuha rin ng sari sariling baso ng alak sina Vexx at Dusti..

Nang mainom na ni Ris ang alak ay tumayo na s'ya at nagpaalam sa'ming sasayaw muna s'ya sa dancefloor, ngunit hindi pa man tumatagal ay narinig namin ang sigawan ng mga tao sa dancefloor.

"Anong nangyari?" Tanong ni Fletch.

"SI RIS!" Biglang napatayo si Vexx at dali dalig tumakbo papalapit sa kumpulan ng mga tao subalit hindi pa siya nakakalapit sa dance floor ay bigla na lang s'yang natumba't nawalan ng malay.

"VEEEEXX!" Sigawan namin.

*booooom*

Napalingon kami sa kumalabog at nakita si Dustin na nakahiga na sa sahig at wala na ring malay katulad nina Ris at Vexx.

"OH MY GOODNESS! WHAT'S HAPPENING?!" Nakatakip sa bibig na sabi ni Elissa.

"Anong nangyayari rito?!" Napatingin ako sa papalapit na si Miss Mela na kasunod naman ang isang gurong lalaki.

×××

Maaga kaming pinauwi dahil sa nangyari, 11 p.m. dapat matatapos ang party subalit 9:30 pa lang ay pinauwi na kami.

"Kamusta na ang lagay nila?" Tanong ko kay Elissa sa phone.

"Hindi pa nagigising sina Kuya Dust at Vexx, si Ris ay nagising na kanina pero pinatulog muna ng doctor kasi nanghihina pa s'ya. Hay." Sabi ni Elissa sa kabilang linya.

"Ano raw ba ang sabi ng doctor?"

"Na-food poison daw silang tatlo. Hindi raw matukoy ng mga doctor kung anong klaseng lason 'yon kaya hinihintay lang namin na magising sila. Tinanong din kami kung ano raw ang huling kinain o ininom nila, sabi namin ay 'yong alak, posible raw na galing mismo sa alak na ininom nila ang lason."

"Ah gano'n ba. Tsk. Bukas na natin ipagpatuloy ang paguusap dahil antok na ako. Balitaan mo ako ah. Goodnight."

"M-mm bye. Goodnight."

×××

THANK YOU FOR READING! DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT! ALYVYOU <3

FOR IMPORTANT UPDATES FOLLOW ME AND MESSAGE ME AT:

Twitter: @Muriaticalyy_
Instagram: @muria.ticalyy
Facebook page: https://www.facebook.com/MuriaticalyyOfficialPage/

THANK YOU!

-m u r i a t i c a l y y ♡

With All My HeartWhere stories live. Discover now