Chapter 30: Good Bye Albay.

52 12 6
                                    

VEXX'S POV.

Tumingin ako sa likod ko at siniguro kong walang ibang tao, nang masiguro kong walang ibang tao maliban saakin ay agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan siya.

'Di nag tagal ay sinagot niya rin agad ang tawag ko.

“Oh, bat napatawag ka, tol?”

“Pasensya na pare kung tinawagan kita sa ganitong oras.”

“Sus, ano ka ba? Ayos lang 'yon.”

“May itatanong lang sana ako.”

“Oh sige, ano 'yon? Kinakabahan ako sa'yo dude ha, napaka-seryoso mo.”

“Eh kasi tol nandito kami ngayon ng barkada sa Albay, outing namin. Kanina may mga sumugod saakin, hindi ko sila kilala. Ang sabi nila sila raw ang bangungot ko, kilala mo ba ang Vantablack?”

Biglang natahimik sa kabilang linya.

“Hello? Nandiyan ka pa ba?” tiningnan ko ang screen ng phone ko, on going pa rin naman ang tawag.

“Bro?”

“S-sorry.. ano nga ulit iyon?” napabuntong hininga ako.

Kanina pa ako nag sasalita hindi naman pala nakikinig. Hays.

“Kilala mo ba kako ang Vantablack?”

“V-vantablack?” nauutal niyang tanong.

“Oo, kilala mo ba sila?”

“S-sila 'yong--”

Napatingin ako sa kabilang veranda nang makarinig ko ng kaluskos.

“Tatawagan na lang ulit kita.” paalam ko sakanya at in-end na ang tawag.

“Vexx?” napalingon ako sa nag salita at nakita si Prim na kinukusot ang mga mata, mukhang nagising siya.

“Bat gising ka pa?” tanong ko, humikab muna siya bago sumagot.

“Iinom lang ng tubig, ikaw bat gising ka pa? Diba may sugat ka? Magpahinga ka na kaya.” nginitian ko siya.

“Sige, sabay na tayo.” tinanguan niya ako tsaka ako inalalayan pero bago pa kami makapasok ng tuluyan sa loob ay nakita ko sa kabilang veranda na may nakatayo at nakatingin saaming dalawa.

Malamig ang kanyang mga titig at para bang anumang oras ay papatayin niya ako o susugurin.

“Vexx?” napatingin ako kay Prim. “Okay ka lang?”

“A-ah o-okay lang ako.” sabi ko at tuluyan na kaming pumasok sa loob, sinara muna niya ang pinto.

Ngunit pareho kaming nanigas sa kinatatayuan namin nang bigla na lang kaming may naaninag na nakatayo sa mismong harapan namin sa pagitan ng glass door, ngumisi siya saakin at itinaas ang kanyang kamay. Baril.

Nanlaki ang mata ko at dali dali kong hinila pababa si Prim nang makita kong pihitin ng babae ang gatilyo ng baril.

Nagpaputok siya ng tatlong beses na sunod sunod nang bigla na lang nag liwanag ang buong paligid at ang mabilis namang nag laho ang babae.

“VEXX, PRIM!”

“Anong nangyari?!”

Napatingin ako sa mga kaibigan ko tsaka ko binalingan ng tingin si Prim. Bigla akong napadaing.

“V-vexx..” nanghihina at natatakot na tawag saakin ni Prim.

Napatingin ako sa tinitingnan niya at nagulat ako nang mapansin kong nadaplisan pala ako sa braso ko at may mga bumaon ring bubog sa likod ko, napapikit ako at pinigilan ang sarili sa pag sigaw.

×××

“Uuwi na tayo bukas.” seryosong sabi ng kakapasok pa lang na si Ris dahilan para mapalingon ang lahat sakanya.

“Ha?!”

“Bakit?”

“Ang bilis naman!”

Sunod sunod na reklamo nila, natahimik sila nang umubo si Dust.

“Baka 'pag nag tagal pa tayo dito ay.. mamatay na 'yang si Vexx.” napabuntong hininga sila sa sinabi ni Ris.

“Sabagay.” bagsak ang mga balikat na sabi nila.

Nandito kami sa pinakamalapit na ospital ng Albay, agad nila akong dinala dito matapos ang insidente.

“Ayusin niyo na ang mga gamit niyo.” sabi ni Ris sakanila.

“Pupunta muna kami sa hotel at bibili na rin ng mga pagkain.” paalam ni Fletch.

Tinanguan lang namin sila.

“Sama na kami para may katulong naman kayo.” sabi naman ni Jatt na sinangayunan pa ni Zach.

“Sige, mag ingat kayo. 'Wag na 'wag kayong maghihiwa-hiwalay dahil malay natin hindi lang pala si Vexx ang target nila.” Sabi ni Trav na tinanguan lang nila tsaka sila nagsilabasan.

Kami na lang nina Trav, Ris at Dust ang naiwan.

“Bakit hindi ka lumaban, Vexx?” si Trav ang bumasag sa katahimikan, I sighed deeply.

“Masyadong mabilis ang pangyayari, bigla na lang nila akong inatake at dahil sa gulat at sakit na naramdaman ko ay hindi ko na nagawa pang lumaban. Bukod pa ro'n, masyado silang malakas at madami. Baka kasi kung anong gawin nila kay Prim kapag lumaban ako kaya mas pinili ko na lang na huwag lumaban.” tumango tango sila.

“Sabagay.”

“Mas pipiliin mo pang protektahan si Prim at masaktan kesa lumaban tss.” napatingin kami kay Dust, naramdaman ko ang pag kunot ng noo ko.

“Seryoso ka ba, Dust? Syempre mas pipiliin ni Vexx na protektahan si Prim dahil babae siya at kaibigan natin siya.” sabi ni Ris.

“Tss.”

Lately napansin ko nagiging super moody si Dust, I mean matagal nang pabago bago ang mood niya pero ngayon kasi talagang hindi mo siya maintindihan. Ang labo. Tsk tsk.

×××

A/N: please be ready for the next chapter hihi♡

THANK YOU FOR READING! DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT! ALYVYOU <3

FOR IMPORTANT UPDATES FOLLOW ME AND MESSAGE ME AT:

Twitter: @Muriaticalyy_
Instagram: @muria.ticalyy
Facebook page: https://www.facebook.com/MuriaticalyyOfficialPage/

THANK YOU!

-m u r i a t i c a l y y ♡

With All My HeartWhere stories live. Discover now