Chapter 51: Liv's other side.

44 3 0
                                    

Third Person's POV.

“Pakana mo lahat ng ito, hindi ba?!” galit na galit na sabi nito, pare parehong nagulat ang mga kaibigan nito pero agad ring nakabawi at sinubukan itong pigilan.

“Vexx!” hindi ito nakinig sakanila.

“W-what? I-I don't k-know what y-you're---”

“BULLSHT!”

Sigaw nito at patulak na binitawan ang dalaga, at dahil nga sa gulat ay muntik na itong matumba sa lakas na rin ng pagkakatulak sakanya, mabuti na lamang at nasa likod nito sina Elissa na nakaalalay sakanya kaya't hindi siya natumba.

“Tigilan mo na ang pagpapanggap, LIV! You excused yourself na pupunta kang C.R. at kasabay ng pagkawala mo ang siya namang pag dating ni Aphro, aminin mo, Ikaw at ang demonyong iyon ay iisa!”

Nagulat sila sa sinabi ni Vexx habang hindi naman makapaniwala si Liv sa mga sinabi nito.

“Anong nangyari dito?” napalingon silang lahat sa nagsalita, si Prim kasama sina Das at Shar.

Nagulat ang mga ito nang makita ang kalagayan ni Vexx, narinig nila ang tunog ng sirena mula sa labas at di naman nagtagal ay may pumasok na mga pulis. Nang makita sila ng mga pulis ay pinalabas ang mga ito at pinapunta sa naghihintay na ambulansya, naunang naglakad palabas si Vexx ngunit napatigil ito at napahawak sa balikat niya.

“A-aghh..”

Muntik na itong matumba ngunit nasalo siya nina Zach at tinulungang mag lakad hanggang sa tuluyan na silang makalabas, inihatid nila si Vexx sa nakagaraheng ambulansya kung saan naghihintay ang mga nurse na pinadala.

Agad na ginamot ang sugat ni Vexx at pagkatapos ay lumapit na ito sa mga kaibigang naghihintay sakanya, nakatayo ang mga ito sa tapat ng kotse ni Dustin.

Natigilan siya nang makita niya si Liv, umiwas ito ng tingin tsaka nag patuloy sa paglalakad at sumandal sa kotse ni Dustin samantalang napayuko naman si Liv nang dumaan si Vexx.

“Ano bang nangyari dito?” nagtatakang tanong ni Shar.

“Maayos naman ang buong programa.. no'ng una. Pero no'ng sumasayaw kami ni Vexx ay bigla na lang may dumating na babae at inalok si Vexx na makipag sayaw sakanya, saktong pag alis niya ay bigla na lang nahulog ang chandelier. Kung hindi lang dumating si Liv at naitulak si Vexx, paniguradong durog na ang katawan nito or worse ay p-patay na siya.” paliwanag ni Elissa.

Napatingin naman sila kay Liv samantalang nanatili itong nakayuko, napaiwas ng tingin si Vexx nang biglang umangat ang ulo ni Liv at tumingin sakanya.

“W-wala talaga a-akong alam Vexx.. maniwala k-ka.”

“I'm going home.” sabi ni Vexx at naglakad na paalis.

Napayuko si Liv at agad na humabol kay Vexx, malayo layo na rin si Vexx ngunit naabutan pa rin ito ni Liv.

“Vexx.”

Napahinto ito sa paglalakad ngunit nanatili itong nakatalikod.

“Wala akong kinalaman sa nangyari.” natawa si Vexx sa sinabi nito ngunit hindi pa rin ito lumilingon. “Alam mo, aaminin ko.. gustong gusto na kitang patayin. Pero kahit gusto na kitang patayin ay mas pinili ko pa ring iligtas ka.”

Natigilan si Vexx nang marinig ang sinabi nito, hindi siya makagalaw dahil na rin sa pagkabigla sa sinabi nito. Dahan dahang lumapit si Liv, natauhan naman si Vexx at dumilim ang ekspresyon nito.

“Dahil may binabalak ka kaya niligtas mo ako.” natawa naman si Liv sa sinabi nito, ibang iba na ang Liv na kaharap nito ngayon kumpara sa Liv na napaka-inosenteng kaharap nito kani-kanina lang. Kitang kita sa mga mata nito ang galit at disgusto habang nakatingin kay Vexx.

“Tama ka, magaling kang mag isip. Mas gusto kong mamatay ka sa mga kamay ko at hindi sa ibang tao. Akalain mo nga naman, hindi lang pala ako ang gustong pumatay sa'yo.” sabi nito at muling natawa.

Naguluhan naman si Vexx sa sinabi nito.

“Siguro dapat ay makipagkita ako sakanila para mas mapagplanuhan namin ng maayos ang kamatayan mo.” ngumisi ito samantalang napalunok naman si Vexx.

“A-ano bang n-nagawa ko sainyo?” hindi niya inaasahan ang pagkabasag ng boses nito ng magsalita. “Why do you have to do all of this to me? Bakit ba gustong gusto niyo akong patayin?”

“Because my brother's life is more significant than yours.”

Nagulat ito sa sinabi ni Liv at muling naguluhan ngunit ngumiti ito ng mapakla.

“Right. Ano nga ba naman ang buhay ko kumpara sakanya?” natawa ito. “Mabuti pa siya, kahit wala na siya sa mundong 'to ay may mga tao pa ring handang pumatay para lang sakanya. Sana nga ako na lang siya eh.” ngumiti ito ng mapait.

Panandilaan namang lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Liv ngunit agad ding bumalik sa dati.

“Simula ngayon, ayos lang sa'kin. Ayos lang kahit anong gawin niyo sa'kin, kahit saktan niyo ako kung 'yan ang ikasasaya niyo.” sabi ni Vexx at agad na umalis at iniwan mag isa si Liv.

Paulit ulit namang naririnig ni Liv sa utak niya ang sinabi ni Vexx, tila ba tumatak ito sa isip nito at hindi alam ang gagawin, kung maaawa ba ito o ano. Iwinaksi na lamang niya ang kanyang iniisip at umalis na rin.

×××

With All My HeartWhere stories live. Discover now