Chapter 2: New Friends.

242 24 4
                                    

INFRA'S POV.

Ngayon ang libing ng aming matalik na kaibigang si Dail ngunit wala si Aphro.

Nakarinig ako ng mahinang bulungan kaya nama'y napalingon ako.. laking gulat ko nang makita si Aphro.

Deri-deritso lang siya sa kabaong ni Dail at napasinghap ako nang makita ang biglaang pag yakap niya sa kabaong ng kababata niyang si Dail.

Dinig na dinig namin ang mahinang pag hikbi ni Aphro.. ramdam mo ang halo halong emosyon na nanggagaling sakanya. Malungkot. Nasasaktan. Galit. Poot.

APHRO'S POV.

“D-dail.. s-salamat sa lahat.” Nakapikit ang mga matang bulong ko.

Pinunasan ko ang mga luhang tumutulo sa aking mga mata.

“Hahanapin ko sila Dail, hahanapin ko sila. Papatayin ko sila.”

Pag kasabing pag kasabi ko no'n ay agad akong tumalikod sa kabaong ni Dail at dali daling umalis doon..

Bawat tapak ko nang lupa'y pakiramdam ko.. pinupunit ang aking puso.

Iginala ko sa buong paligid ang aking paningin dahil nakaramdam ako ng kakaiba.. sinamaan ko ng tingin ang lalaking naka itim na jacket, sombrero at naka shades. Kahit itago niya ang kanyang mukha ay kilala ko na ang mga kilos niya.

Humanda kayo saakin.. Vexx Kozlov.

PRIM CURTIS' POV.

Kasalukuyan akong nakaupo sa harap ng computer ko habang nag hahanap ng kaunting impormasiyon tungkol sa assignment namin. Hay.

*knock. knock*

“Come in!”

Narinig ko ang pag bukas ng pinto.

“Ang busy naman ng baby ko.” Napangiti ako ng marinig ang malambing na boses ni mommy.

“Of course mom! Kailangan kong pataasin pa lalo ang marka ko.” Nakangiting sabi ko.

“Okay. But make sure that you're taking good care about yourself. Huh?”

“Yes mom!”

“Bilisan mo na diyan at kakain na tayo.”

“Okay po.”

At lumabas na siya sa kwarto ko, pinagpatuloy ko naman ang pag aaral ko at makalipas ang ilang minuto'y bumaba na ako para makakain.

“Oh! I was about to call you.. Hmm are you done with your homework?”

“Mmm..” Tumatangong sabi ko at naupo na sa upuan.

Napatingin naman ako sa upuan ni dad at bahagyang sumimangot. Wala nanaman siya.

“I forgot to tell you.. nasa London ngayon ang dad n'yo, kanina lang nakaalis.”

Lalo akong sumimangot.

“Bakit hindi man lang s'ya nag paalam saamin ni ate Prim?” Nakangusong tanong ni Das.

“Because he's in rush.. biglaan kasi ang pagpapatawag ng lolo niyo sakanya.”

Napabuntong hininga na lang kami ni Das. Lagi na lang busy si dad.

“So.. how's your first day in Sanvale' University?”

“Okay naman po.”

“Nakakatakot ang students do'n mommy! Ang sasamang makatingin!” Sabi ni Das.

With All My HeartWhere stories live. Discover now