Chapter 41: Intherhigh.

42 10 11
                                    

Amie's POV.


"For three!!!!!" nag hiyawan ang mga tao.

Haaayyy.

Bat ba ang gwapo gwapo niya?


Sinusundan ko lang siya ng tingin, ang galing niya pala mag laro ng basketball.

Halos muntik na akong mapasigaw at mapahiyaw nang maka-shoot ulit siya, napatingin ako kay Prim na sigaw ng sigaw.

Napa-buntong hininga ako.

Oo, tama kayo ng iniisip. May gusto ako kay Zach.

Palihim ko siyang iniibig. Hindi ko rin alam kung bakit ko siya nagustuhan, basta naramdaman ko na lang isang araw na may gusto na ako sakanya.

Sinubukan kong pigilan dahil halata namang si Prim ang gusto niya, at bukod pa do'n alam ko namang imposibleng magustuhan niya ako.

Napabuntong hininga ako.

"Huy! Kanina ka pa buntong hininga ng buntong hininga! Baka naman malunod ka sa sobrang lalim ng iniisip mo!" nagulat naman ako kay Das at para bang bumalik ako sa huwisyo ko.

"H-huh?"

"Ayos ka lang ba?"

"A-ah.. oo." sabi ko at muling napatingin sa harapan.

Biglang nag tama ang paningin naming dalawa, bumilis ang tibok ng puso ko.

Agad niya namang naiiwas ang tingin niya, mukhang hindi niya lang sinasadyang mapatingin sa gawi ko. Hays.

Makalipas ang ilang minuto ay tapos na ang laro at panalo sila!

Agad kaming nagsilapitan sakanila na agad naman kaming sinalubong, sobrang lawak ng ngiti namin sa isa't isa.

"CONGRAAAATTTSSSS!!!" sigaw namin.

"Salamat."

Agad akong lumapit sa kuya ko at pinunasan ang pawis niya habang siya naman ay umiinom ng gatorade.

Napatingin ako kay Zach na nag pupunas ng pawis niya.

"Teka.. may gusto ka ba kay Zach?" bigla akong napatingin kay kuya na nanlalaki ang mga mata.

"H-ha?" napangiwi si kuya at ginulo ang buhok ko.

"Ang galing namin diba?" pagmamalaki ni kuya saamin.

"Sila lang noh! Ni hindi ka nga nakapag-shoot kahit tsambahan man lang eh tsk." sabi ni Shar, napahagikgik naman kami sa sinabi niya samantalang napakunot naman ang noo ni kuya.

"Anong sabi mo?!"

"Bakit? Totoo naman ah! Tsk. Yabang yabang hindi naman nga nakapagpa-score." sabi nito at umirap pa, lalong napakunot ang noo ni kuya at kitang kita sa mukha niyang naiinis na siya.

"Eh pa'no, taga pasa lang naman ako! Tsk. O sige ganito na lang.. let's have a deal. 'Pag naka-shoot ako, tayo na!" nanlaki ang mga mata ni Shar at kitang kita ang pamumula ng buong mukha niya.

"Naks naman!"

"Nice bro!"

"Ikaw Trav ahh, may tinatago ka palang ka-kornihan sa loob mo." natatawang sabi ni Ris, napangisi naman si kuya.

"At least hindi torpe." napatigil sa pagtawa si Ris at biglang sumeryoso ang mukha, napaiwas siya ng tingin. Si kuya naman ang natawa ngayon.

Mag sasalita pa sana ulit si kuya pero naputol iyon nang mag salita si Jatt.

"Tara kain muna tayo, gutom na ako." sumang ayon naman kami agad.


×××



Nandito kami sa canteen ng E.U. napagdesisyunan kasi naming dito na lang kami kumain at 'wag nang lumayo pa kasi maya maya eh may laro pa ulit sila.

Habang kumakain kami ay nakakapanibago dahil sobrang tahimik nila.

"Ano ba naman 'yan.." napatingin kaming lahat kay kuya na nasa tabi ni Vexx, mukhang hindi na niya nakayanan ang katahimikan. "Ang tahimik niyo! Nakakabagot! Tsk." tumingin siya kay Shar na katapat niya lang.

"Huy ang tahimik mo ahh! Nakakapanibago! Awayin mo na ako, 'di ako sanay!" pero hindi siya sinagot ni Shar at napayuko lang ito, hindi makatingin kay kuya. Kumunot ang noo ni kuya at maya maya ay biglang may kumurbang nakakalokong ngiti sa kanyang labi.

"Wag mong sabihing.. sineryoso mo 'yong sinabi ko kanina?" natatawang sabi ni kuya. "Biro lang 'yon! Eto naman!" pero hindi pa rin siya sinagot ni Shar, ni tapunan ng tingin, wala. "Ahh. Ngayon alam ko na kung paano ka patahimikin." nakangising sabi ni kuya.

Biglang tumayo si Shar.

"Oh, sa'n ka pupunta?" tanong ni Prim ng mapansing aalis si Shar pero buntong hininga lang ang isinagot nito at nagpatuloy sa paglalakad.

"Anong nangyari do'n?" nagtatakang tanong ni kuya, napailing iling si Zach.

"Gago ka kasi tol, may pa-deal deal ka pang nalalaman tapos hindi ka naman pala seryoso tsk. tsk."

"Huh?" iling lang ulit ang isinagot ni Zach at umiwas ng tingin sakanya habang nakangisi.

"Hindi dapat pinaglalaruan ang nararamdaman ng isang tao, dahil minsan kahit wala namang gusto o nararamdaman sa'yo 'yong tao ay nasasaktan pa rin sila. At parang pinaramdam mo sakanya na hindi siya kaseryo-seryosong tao." sabi ni Dustin. Another words of wisdom ni Dustin! "Minsan ang pagbibiro ay dapat isinasalugar, isipin mo muna kung makakasakit ka ba sa biro mo."

Tulala.

'Yan kami.

Iba talaga 'pag isang DUSTIN GORDON na ang mag salita!

Nang matapos kaming kumain ay umalis na kami sa canteen at napagdesisyunan naming mag lakad lakad muna at libutin 'tong E.U. Syempre sina Prim ang nag silbing tour guide namin.

Napansin kong palinga linga si kuya na para bang may hinahanap, lumapit ako sakanya.

"Uy, kuya. Okay ka lang?" napatingin siya sa'kin at muling napalinga linga.

"Hinahanap mo ba si Shar?" biglang sulpot ni Vexx, napakunot ng noo si kuya.

Napalingon saamin si Prim at nginisihan si kuya.

"Kung hindi ako nagkakamali ay nasa rooftop siya, do'n siya madalas pumunta no'ng mga panahong dito pa kami nag-aaral."

"Nagtatanong ba ako kung nasa'n siya?" nakataas ang kilay na tanong nito, natawa ng mahina si Prim.

"Hindi. Pero halata namang siya ang hanap mo eh, 'wag mo nang i-deny." natatawa niyang sabi, inirapan lang siya ni kuya tsaka nag lakad palayo sa'min.

"Oh saan ka pupunta?"

"Hindi ko pupuntahan si Shar!!" sigaw ni kuya, nagkatinginan kami tsaka kami sabay sabay na napahagikgik.

"Wala naman kaming sinabing pupuntahan mo siya ah?" natatawang sabi ni Fletch.

"Napaka-deffensive mo naman tol, napaghahalataan ka tuloy." sabi naman ni Jatt.

"Ewan ko sainyo!!!" pagmamaktol niya tsaka siya mabilis na naglaho sa paningin namin.

Napailing iling ako at napangisi.

Ang kuya ko, may gusto na sa isang babae pero wala pa ring ideya at alam.

×××

With All My HeartOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz