Chapter 44: Interhigh

45 9 3
                                    

(Continuation)


Vexx' POV.


Sa hindi inaasahang pagkakataon ay napatay din ang ama namin, at karumal dumal din ang pagkamatay niya.

Sa mga panahon na 'yon ay 18 na ang kapatid ko at 16 na ako.

Galit na galit siya sa nalaman niya at bilang panganay at nakatatandang anak ay siya ang piniling mamuno at mamahala ng organisasyon na binuo ng ama namin para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ina namin.

At dahil tutol ako sa plano niyang ipasakamay namin ang batas ay humiwalay ako at umalis, dahil alam kong hindi matutuwa ang ina namin sa plano niya.

Pinagsabihan ko siya noon, pero nagpalamon siya sa galit niya kaya ngayon.. patuloy niya pa ring hinahanap ang mga pumatay sa mga magulang namin.

Sobra akong nagtataka kung bakit nakadamay si Grease at ang kaibigan nito na pinatay ng kapatid ko, gayong ang plano lang naman ng kapatid ko ay hahanapin ang mga pumatay sa mga magulang namin.


Hindi kaya..

May koneksyon ang grupo nina Grease sa mga pumatay sa magulang namin?



×××


Fletch's POV.

May laro nanaman sila at as usual ay nasa loob nanaman kami ng forum para manuod.

Nagtataka talaga ako kung bat wala nanaman si Das, kagaya kahapon ay naaagawan pa rin ng bola si Ris at ilang beses na ring na-foul dahil parang wala siya sa sarili.

Nang matapos ang first quarter ng laro ay agad na nilapitan si Ris ng coach nila, at dahil malapit lang kami sa pwesto nila'y rinig na rinig namin ang mga sinasabi nito.

“Ano bang nangyayari sa'yo, Tyler?! Kung ano man 'yang pinoproblema mo, pwede bang isantabi mo muna 'yan?! Mag focus ka naman sa laro! Ikaw ang magpapatalo sa'tin eh!” napabuntong hininga lang si Ris at uminom ng gatorade.


Sinundan ko ng tingin si Ris, umupo siya sa bleachers at napayuko. Nakita kong nilapitan siya nina Trav, tumabi sila kay Ris samantalang nanatiling nakatayo sa harapan niya sina Dust at Jatt.

Mukhang may pinag-uusapan sila, hindi ko marinig kasi ang hina ng boses nila. May sinabi si Dust na siyang dahilan kung bakit napa-buntong hininga si Ris, tsaka siya tumayo mula sa pagkakaupo.

Mukhang maglalaro ulit si Ris, siguro naman this time makaka-score na siya, pumunta na sila sa gitna dahil magsisimula na muli ang laro.




Napatingin ako sa score board, 50-48 na ang score. Hindi nalalayo ang agwat ng score ng magkabilang grupo.

Wala kasi si Vexx at wala naman sa focus si Ris, sila pa namang dalawa ang isa sa pinaka magaling na manlalaro sa grupo.

Ipinasa ni Trav ang bola kay Ris, ishu-shoot na sana ni Ris ang bola nang bigla siyang natigilan at nakita kong may tinitingnan siya. Rinig na rinig ko ang pagsigaw ng mga ka-team ni Ris.

Napansin kong umangat ng konti ang gilid ng labi ni Ris atsaka niya shinoot ang bola..

Naghiyawan ang mga tao dahil sa wakas ay nakapag-score na si Ris at mukhang bumalik na siya sa sarili.


Napatingin ako sa tinitingnan niya kanina at nanlaki ang mga mata ko ng makitang nakatayo doon si Das.


Hmm. I smell something fishy.












Malapit nang matapos ang laro, napatingin ako sa score board kung kanina'y 50-48 ang score, ngayon naman ay 134-86 na ang score.

Ang laki na ng agwat ng score.


10 seconds na lang at si Trav ang may hawak ng bola.



Bigla siyang huminto sa pag takbo at sa pag drible ng bola, nakita kong napatingin siya sa gawi namin.

5..


4..

3..

2--


Tila nagkaroon ng slow motion nang i-shoot ni Trav ang bola at nang ma-ishoot ito ay biglang naghiyawan ang mg tao.


“WOOOOHHHHH!!!!”


“KYAAAHHHH!!!!”


“ANG GWAPO NI TRAAAAV!!!!”


Sobrang ingay ng paligid pero para kaming natuod sa buong pangyayari, dahan dahan akong napatingin sa katabi ko which is si Shar. Napansin kong nakatingin din sakanya sina Elissa, Amie at Prim.



Nanlalaki ang mga mata ni Shar habang tulala pa rin at hindi makapaniwala sa nangyari, dahan dahang may namuong nakakalokong ngiti sa mga labi namin.

Sinundot sundot ko sa tagiliran si Shar dahilan para bumalik siya sa huwisyo.

“Pa'no ba 'yan Shar, naka-three points si Trav.” nangaasar kong sabi sakanya at kitang kita ng dalawa kong mata ang pamumula niya.


“Ayiieeee si Shar, namumula.” pang-aasar din nila kay Shar.


Napatakip ng mukha si Shar.

“A-ano ba kayo?! T-tigilan niyo n-nga ako!” nauutal na sabi nito pero inasar pa rin siya namin ng inasar.

“Bat ka nauutal? Yieee ikaw ahh.”





Napagdesisyunan naming bumaba na at lumapit na kila Dust, nakipag apir ako kay Jatt.

“Congrats sainyo!” masayang bati ko at kinindatan niya lang ako bilang sagot.


Nahagip ng paningin ko si Trav na nag pupunas ng pawis at pasulyap sulyap kay Shar, samantalang si Shar naman ay nakikipag usap kay Zach pero mahahalata mo pa rin sakanya na may iniiwasan siya at halata ring nine-nerbyos siya.

Napangiti naman ako ng nakakaloko.

“Ehem.” pag-aagaw ko ng pansin nila, napatingin silang lahat sa'kin. “Mukhang nagkakalimutan tayo ah.” nakangisi kong sabi.

“Huh?”


Napatingin ako kay Trav at kay Shar, mukhang nakuha naman nila ang nais kong iparating.


“Oo nga noh?”

“Teka Trav, hindi bat may deal kayo ni Shar? Na 'pag naka-shoot ka at naka-score ka ay..”


“..kayo na.” sabay sabay naming sabi at nakita kong namula si  Trav.




“a-ah.. eh.. Nasa'n nga pala si Das?”


“I'm here. Pero 'wag mo nang subukang ibahin ang usapan.” napatingin kami sa likod ni Trav at nakita naming naglalakad palapit sa'min si Das.


Napa-face palm naman si Trav dahil alam niyang wala na siyang kawala.


×××

With All My HeartWhere stories live. Discover now