Chapter 29: The Feather.

52 10 3
                                    

PRIM'S Pov.

“S-sino kayo?”

“Kami lang naman ang tatapos sa buhay mo, Vexx Doven Kozlov.” nanindig ang balahibo ko nang marinig ang malamig at malalim na boses ng isa naman sakanila.

Napahawak ako ng mahigpit sa braso ni Vexx dahilan para lingunin niya ako.

“Don't be scared, I'm here to protect you.” bulong niya.

Matigas man ang pagkasabi niya, mahihimigan pa rin ang takot at kaba sa kanyang boses dahil marami-rami rin sila at mukhang malalakas pa. Wala kaming laban sa mga 'to.

“Hayaan mong magpakilala kami sa'yo.” biglang nag salita 'yong isang may katamtaman ang tangkad, babae siguro 'to one inch lang ang tangkad niya sa'kin.

Nakita ko kung paano napalunok si Vexx at hindi niya alam ang sasabihin niya, nabigla na lang kami nang biglang sumugod 'yong isa mula sa likod namin at tinaaman sa pisngi si Vexx. At dahil gulat pa rin siya ay hindi niya namalayan na may pasugod nanaman.

“VEXX!” Sigaw ko pero huli na ang lahat dahil nasipa na ang kanyang binti dahilan para matumba siya.

Lalapitan ko sana si Vexx at tutulungang tumayo nang bigla na lang may humila saakin, tiningnan niya ako sa mata. Namutla ako nang tingnan ko siya pabalik skanyang mga mata, sobrang lamig nito at kung nakakamatay lang ang titig ay kanina pa siguro ako nakahandusay.

“Wag kang mangengealam.” malamig na sabi nito tsaka nilingon ang mga kasamahan.

Napalingon rin ako sa mga kasamahan niya at napasigaw ako nang biglang tinadyakan ang tiyan ni Vexx dahilan para mapaubo ito na may kasamang dugo.

“NOOOO! PLEASE STOP!!!!” Sigaw ko at lalapit sana ulit ako kaso hinawakan ako ng sobrang higpit sa braso ko nitong taong pumigil sa'kin kanina.

Naibuka ko na lang ang bibig ko at napaluha ng tahimik dahil kulang na lang ay durugin niya ang buto ko.

“Kami ang bangungot mo, Kozlov.” sabi ng isa sakanila at mayroong itinusok sa binti ni Vexx dahilan para mapasigaw ito sa sakit.

Natakpan ko ang bibig ko dahil ramdam ko ang sakit sa pag sigaw niya, naramdaman ko rin ang mainit na likidong nakatakas saaking mata.

Napaatras ako nang tapunan nila ako ng malamig na tingin tsaka sila nag laho sa paningin ko, napatingin ako kay Vexx.

“V-vexx!” sigaw ko at nilapitan siya, lumuhod ako para magkapantay kami.

“Vexx, Vexx! Sandali lang hihingi ako ng tulong!” humahagulgol at natataranta kong sabi.

“May problema ba dito?” agad kong hinanap ang pinanggalingan ng boses na 'yon at nabuhayan ako nang mapagtanto ko kung sino 'yon.

“Prim?” napatingin siya kay Vexx. “What the--- what happened?!” agad siyang lumapit saamin at lumuhod rin.

“I-I'll explain l-later *sobs* dalhin m-muna natin s-siya sa hotel.” umiiyak ko pa ring sabi, tumango naman si Dustin.

Tumayo siya at inalalayan si Vexx.

“Can you walk, bro?”

“Seryoso ka ba, tol? Nakita mo nang may nakaturok sa binti ko tapos tatanungin mo 'ko ng ganyan?!”

“Tss. Bahala ka nga sa buhay m---” bibitawan na sana ni Dustin si Vexx pero pinigilan ko si Dustin.

“A-ahh Dustin, n-nagbibiro lang s-si Vexx.” napatingin saakin si Dustin at parang nanlambot ang expression niya? Or namamalik mata lang ako?

Nag-tss nanaman siya tsaka siya tumango, kinuha ko naman ang kaliwang kamay ni Vexx tsaka ito ipinatong sa balikat ko.

×××

“Anong nangyari?!”

“Sinong may gawa niyan?!”

“Nakilala niyo ba 'yong mga mukha nila?!”

“Bakit nila ginawa 'yan sainyo?!”

“Guys. Pwede ba? Kumalma muna kayo. Paano natin malalaman kung anong nangyari sakanila kung sunod sunod 'yang tanong niyo?” nakaface palm na sabi ni Elissa sakanila.

Umupo ng maayos si Elissa at tumingin saaming dalawa ni Vexx, si Fletch ang naglilinis sa mga sugat ni Vexx.

“Tell us what happened.” seryosong sabi nito.

“Naglalakad lakad kami kanina ni Prim habang nagki-kwentuhan nang bigla na lang kaming pinalibutan ng mga taong balot na balot ng itim na kasuotan, hindi namain napansin na malayo na pala kami sa hotel at nasa madilim na parte na kami. Hindi rin namin namukhaan ang mga sumugod sa'min dahil katulad ng sinabi ko, buong katawan nila ay balot na balot ng itim na tela, hindi ko rin alam kung bakit nila 'ko sinugod. Basta ang sabi nila sila raw ang bangungot..” napahinto sa pagsasalita si Vexx at parang may naalala.

“Vantablack!” nanlulumong bulong ni Vexx.

“Teka.. diba 'yan din 'yong lumason sainyo?” Napatingin kaming lahat kay Jatt, tumango tango si Vexx.

“Vexx.. umamin ka nga saamin. Anong kasalanan mo sakanila?” seryosong tanong sakanya ni Amie.

Napakunot ang noo ni Vexx.

“Wala! Hindi ko nga sila kilala eh.”

“Sigurado ka ba?” -Das.

Kumunot nanaman ang noo ni Vexx.

“Sigurado nga ako! Sasabihin ko naman sainyo kung kilala ko sila eh. Tsk.” nag iwas ito ng tingin at biglang naging blangko ang mukha nito.

Ngayon ko lang nakita ang seryosong side ni Vexx dahil palangiti siya at gentleman, kagaya nga ng sinabi ko dati, ideal guy siya. Napatingin ako sa mesa kung saan nakapatong 'yong itinusok sa binti niya, nanginginig ang kamay kong kinuha iyon. Napatingin saakin ang lahat.

“Feather ba 'to?”

“Oo, feather nga.”

Tiningnan ko ng mabuti ang feather, may bahid pa ng dugo ni Vexx. Hinawakan ko ang dulo nito at agad kong nabitawan ang feather.

“A-aray..”

“Bakit?” tanong nila.

Tiningnan ko ang dulo ng daliri ko tsaka iyon sinipsip, sobrang talim pala ng dulo no'n at parang sinusunog ang balat oras na masugatan ka no'n. Tiningnan ako ni Dustin at pupulutin sana niya ang feather kaso pinigilan ko siya.

“H-huwag! Baka masugatan ka.”

“Tss.”

×××

THANK YOU FOR READING! DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT! ALYVYOU <3

FOR IMPORTANT UPDATES FOLLOW ME AND MESSAGE ME AT:

Twitter: @Muriaticalyy_
Instagram: @muria.ticalyy
Facebook page: https://www.facebook.com/MuriaticalyyOfficialPage/

THANK YOU!

-m u r i a t i c a l y y ♡

With All My HeartWhere stories live. Discover now