Chapter 1: First day of classes.

323 25 2
                                    

PRIM CURTIS' POV.

Nakayuko akong nag lalakad papunta sa aking silid aralan. Baguhan lang ako dito sa Sanvale' University kaya naman ay wala akong kakilala maski isa maliban na lang sa kapatid ko at pinsan kong sina Das at Shar.

Pagkapasok ko sa loob ng classroom ay bahagya pa akong natigilan, napatingin silang lahat saakin. Dahan dahan kong naiyuko ang ulo ko at nag lakad papunta sa likod. Narinig ko ang mahinang bulungan.

"Is she a transferee?"

"In fairness, she's beautiful huh."

"Ha! Bitch hmp."

"Chix mga tol!"

Nang marating ko ang likod na parte ng silid aralan ay agad akong naupo roon.

Maya maya pa'y nakarinig ako ng mahinang tilian nang may pumasok na mga lalaki sa classroom namin na pinangungunahan ng isang lalaking naka black jacket at naka pamulsa. Magulo naman ang buhok niya at parang antok pa.

Ginulo niya ang magulo niyang buhok at natigilan nang makita niyang nakatingin ako sakanya..

"What are you staring at?" Maangas ngunit malamig nitong tanong.

Napakurap ako at napayuko. Ramdam kong nakatingin saamin ang lahat, kaya nama'y malaki ang pasasalamat ko nang dumating na ang guro namin na nagulat pa sa katahimikan.

"Tss." Rinig kong sabi niya kaya napatingin ako sakanya pero paupo na siya, nakatingin naman saakin ang mga kaibigan niya at naupo na rin sa tabi niya.

"Goodmorning class, I am Miss Mela Agustin your adviser and your English teacher. Now, it's your turn to introduce yourself to us and tell us more about yourself. Is that clear?"

"YEEEESS MISSSSSS" Mahabang sabi ng mga kaklase ko.

Isa isa nang nag pakilala ang mga kaklase ko hanggang sa mapunta na sa bandang likod. Tumayo ang lalaking naka grey na kasama no'ng naka black kanina.

"Good morning, everyone! I know some of you know me already but still, I'm Riston Tyler, the student council's Vice President, 20 years of existence."

"Good morning Mr. Tyler, it's nice to see you again." Nakangiting sabi ni Miss Mela, muling nag patuloy ang introduction.

"What's up, everyone! It's nice to see you again, My name is Vexx Doven Kozlov! 19 years old." At kumindat pa ito sa mga kaklase namin na siyang dahilan kung bakit kinilig ang mga kababaehan.

Pinagmasdan ko siya at napaiwas din agad ng tingin pagkatapos niya ay tumayo ang lalaking nasa pinaka gilid, 'yong nakaitim na jacket.

"Dusti Gordon." Maikling sabi niya at naupo na.

"Next please."

Napatingin ako kay Miss Mela, at nakatingin din s'ya sa'kin. Ako na pala sunod, 'di ko namalayan.

"Um. M-my name is.. Prim Curtis, I'm 18 years old. I'm a new student." Nakangiting napatango tango si Miss Mela.

"So.. Saan ka nag aaral dati?"

"Why'd you wanna know?" Seryosong tanong ko dahilan para mawala ang matamis na ngiti sa labi ni Miss Mela. Napailing ako.

"I j-just.. para alam namin kung saan ka nanggaling" Pilit ang ngiting sabi niya.

"I came from, Eunoia University."

"Oh! Eunoia University!" Napatango tango s'ya. "Bakit ka nag transfer dito sa Sanvale' University? Hindi bat mas maganda sa Eunoia University?"

With All My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon