Chapter 49: The Announcement.

46 6 0
                                    

“Sino ka?”

“I'm just a nobody.”

“Sumagot ka ng maayos!”

Nakaramdam ng matinding takot at kaba ang dalaga ngunit hindi niya ito pinahalata.

“Eh ikaw? Sino ka?”

“I'm gonna be your death.” tiim bagang na sabi nito.

Napalunok ang dalaga dahil sigurado siyang seryoso ito at anumang oras ay maaari nitong pasabugin ang bungo ng dalaga.

“F-fine.. I will tell you the truth. A-ako si..”

×××

Prim's POV.

Nakaupo ako dito sa upuan ko habang pinaglalaruan ang ballpen ko, nasa unahan naman si ma'am habang nagtuturo. Hindi ko maintindihan ang tinatalakay ni ma'am dahil bukod sa sobrang nabo-boring na ako ay inaantok pa ako.

Anong oras na rin kasi kaming nakauwi kagabi galing sa Videoke House, hindi na rin bumalik pa sina Das at Ris nadatnan ko na lang si Das sa kwarto niya, nakahiga at tulog na.

Napatingin ako sa gawi nina Dust at nakita kong nakatungo si Vexx, mukhang tulog. Si Ris naman ay nakatingin lang sa labas ng bintana, ano kayang pinagusapan nila ni Das kagabi? Si Dust naman ay hikab ng hikab, napahikab din tuloy ako.

Tumunog na ang bell, break time na. Tumayo si Ris at nasagi ang kamay ni Vexx kaya nagising ito.

Nanatili akong nakaupo at nagpangalumbaba matutulog na lang ako, lumalalim na ang tulog ko nang bigla na lang may kumalabit sa'kin.

Hindi ko 'yon pinansin pero mukhang walang balak na tigilan ako kaya nakakunot ang noong napatingin ako sa kumalabit sa'kin, si Dustin lang pala!

“Hindi ka ba kakain?”

Hindi ko siya pinansin at muling nangalumbaba.

“Hey--”

“Ano ba?! Kulang ako sa tulog! Umalis ka nga!” hiyaw ko sakanya, nakita kong unti unting napakunot ang noo niya.

“You don't have to yell at me tss.” sabi nito tsaka umalis sa harap ko at sinara ng sobrang lakas ang pinto nang makalabas siya.

Nagulat ang mga taong nasa loob pa ng room at napatingin sa pinto, napatingin ako kina Vexx at Ris na napatingin din pala sa'kin at nag sign sila ng ‘hala-ka’.

Aish. He's acting like a kid again! I can't even!

Tumayo ako at agad siyang hinabol but he's nowhere to be found.

Ang bilis niya naman?!








Uwian na sa hapon at wala pa rin si Dustin. Nasa'n ba ang alikabok na 'yon?!

Aish. Bahala nga siya!

Walang kabuhay buhay akong naglakad palabas ng pinto, nakasalubong ko sina Zach na binati pa ako pero hindi ko sila pinansin.

“Anong nangyari do'n?” rinig kong tanong ni Shar kina Vexx.

“HEYOOOO!” nagulat ako sa biglang umakbay sa'kin, si Trav pala.

Sinilip niya ang mukha ko.

“Hoy, Curtis! Ngiti naman diyan! Ngitiiii! Umabot na sa lupa 'yang labi mo sa sobrang pagkasimangot mo eh.” napailing iling ako at hinampas siya.

“Ngiti na kasi! Yieee ngingiti na 'yan!” pangaasar niya sa'kin kaya naman ay hindi ko na napigilan pang mapangiti at matawa sakanya. “AYUUUUN! 'Yan ang gusto ni Dust eh! 'Yang mga ngiting 'yan!”

Napakunot ang noo ko.

“Anong ibig mong sabihin?”

“Ha? Ah eh.. GUYS TARA NA SA FIELD!” sigaw nito sa bandang likod namin at hinila ako.

Halatang iniwasan niya ang tanong ko. Tsk.

Pagdating namin sa field ay tumambad ang napakaraming estudyante, napansin ko rin na nawala sina Elissa at Ris.

“Anong meron?”

“May ia-announce daw sina Elissa.. hindi mo alam?” si Liv ang sumagot, hindi ko napansin na kasama pala namin siya.

Napailing iling ako, kinurot ni Zach ang ilong ko.

“Aray!”

“Hindi ka nakinig kanina noh? Tsk. Tsk.” pailing iling na sabi nito, inirapan ko lang siya.

“Good afternoon fellow students!” bati ni Ris dahilan para magsigawan ang lahat.

“We are all gathered here for an announcement.. handa na ba kayong marinig at malaman kung ano 'yon?”

“YEEEEESSSS!!!!”

“WOOOOOHHHH!!!”

Pwede naman nilang i-announce through the use of microphone and speakers na nasa loob ng classrooms bakit kailangan sama sama pa lahat?! Ang sakit tuloy sa tenga -_-

“This coming Friday night, October 23, we'll be having a.. drum rolls please.” sabi ni Elissa at talagang may nag drum rolls pa talaga.

“We'll be having a MASQUERADE BALL!” anunsyo nilang dalawa dahilan para muling mabaliw ang mga estudyante at maghiyawan.

Sirang sira at wasak na wasak na ang eardrums ko -_-

“Wear your best! See you on Friday night! That's all, thank you.”  pagtatapos nila sa anunsyo nila at umalis na sa stage.

Isa isa na ring nagsisi-alisan ang mga estudyante at puro na lang paghahanda sa Masquerade Ball ang maririnig.

“Bat sa Friday na agad?”

“Oo nga, ang bilis.”

“May susuotin na ba kayo?”

Napailing kami.

“Tara! Hanap na tayo! Maaga pa naman oh.”

Sumang ayon naman kami sa sinabi ni Elissa, pumunta kami sa parking area.

“Hey boys, sorry to tell you this but.. hindi kayo sasama sa'min.” sabi ni Fletch.

“Huh?”

“Bakit?”

“We'll having a girl bonding.” nakangiting sabi ni Liv.

Ang ganda niya.. 'yon nga lang may tinatagong kasamaan at kademonyohan sa loob.

Walang nagawa ang mga lalaki at umalis na, dumeritso naman kaming mga babae sa mall, sa isang kilalang boutique kami pumunta na napagalaman naming sina Fletch pala ang may ari.

×××

Sneak Preview:



Napatingin ang lahat sa entrance nang pumasok ang isang babaeng nakasuot ng itim na ball gown, nakasuot ito ng itim na maskara na mayroong mga itim na rosas sa gilid ng maskara na nagsisilbing disenyo nito, nakatingin lang ang lahat sa babae habang ito'y naglalakad, ang iba pa'y napapaiwas at binibigyan ito ng daan hanggang sa matunton nito si Vexx Kozlov na nasa gitna ng dancefloor kung saa'y kasalukuyang nakatingin sakanya habang nakahawak sa bewang ni Elissa.

'Tila napahinto ito sa pagsasayaw dahil sa presensiya ng babae.

“May I dance with you Mr.Kozlov?”

“Oh bat parang gulat na gulat ka ata?”

“Who are you?” Pinilit nitong huwag mautal ngunit nabigo siya kaya nama'y napangisi ang babae.

“I am..”





-To be continued.

With All My Heartحيث تعيش القصص. اكتشف الآن