133RD ROSE || Don't Leave

Start from the beginning
                                    

Tahimik akong tumango bilang tugon pero nararamdaman ko ang panginginig ng buong sistema ko.

"Who did this? Fuck, you almost got hit by that fucking pot! It's so dangerous!"

Kahit walang magsasabi at magtuturo, alam ko kung sino ang may gawa no'n.



Simula nung araw na iyon ay sunud-sunod na ang mga nangyayari sa akin. Mula sa nasunog kong mga libro, sa muntikang pagtama ng ulo ko sa paso ay nasundan iyon ng mga nabasa kong gamit sa locker, sa pagkasira ng bag ko nung minsang lumabas kami para sa P.E. class namin. 'Yung nasira rin ang mesa at upuan ko kinaumagahan ng klase namin. Kung anu-ano nalang ang mga nangyari sa akin nitong mga nakaraang araw na walang sinuman ang may ideya kung sino ang may gawa ng mga ito sa akin.

Kahit walang magtuturo o magsasabi, alam at kilala ko kung sino s'ya.

Tiim-bagang nakatingin ako sa scooter ni Mama Rona na ginamit ko papunta rito sa Empire. Kanina lang ay maayos ito ngunit ngayon ay halos hindi ko na ito makilala dahil para isa itong natupi o nalukot na lata dahil sa sirang nakuha nito. Isa sa gulong nito ay flat habang 'yung isa naman ay nawawala at hindi ko na alam kung nasaan.

"Class pres, 'di ba scooter mo iyan?" tanong ni Raine sa gilid ko.

"Ilang araw nang may nangyayaring ganito sa'yo ah? Kung anu-ano nalang ang nasisira sa mga gamit mo. Sino ang may gawa nito sa'yo?" narinig ko rin ang pag-aalala sa boses ni Honey Stephanie.

Mahigpit kong naikuyom ang aking mga kamao. Kung matataas lang ang mga kuko ko, malamang kanina pa may dumanak na dugo sa kinatatayuan ko dahil sa sobrang higpit ng pagkakakuyom ko sa mga kamao ko.

Tiim-bagang huminga ako nang malalim. Ayokong magmura pero pisteng yawa, sumosobra na s'ya.

"Class pres!" rinig na rinig ko ang pagtawag sa akin nina Raine at Honey pero hindi ko na iyon pinansin at dali-dali akong umalis ng parking lot at bumalik sa aming classroom.

Marahas ang ginawa kong pagbukas ng pintuan ng aming classroom at naabutan ko s'yang nag-aayos na ng kanyang gamit, mukhang uuwi na rin s'ya.

Kung nung una ay hinahayaan ko pa s'yang gawin ang gusto n'yang gawin sa akin dahil ayokong patulan ang pagiging immature n'ya, ngayon ay hindi ko na masisikmura pa ang mga ginagawa n'ya sa akin.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo, ha, Dae?" pinipigilan kong 'wag sumabog sa galit dahil sa ginawa n'ya. Mabuti na lamang at kaming dalawa lang ang nasa loob ng classroom dahil nakauwi na ang mga kaklase namin.

Isang blangkong tingin ang iginawad ni Dae sa akin. "What's the fuss now, Sumastre?"

Hindi na s'ya 'yung Dae na palangiti at masayahin. Hindi na s'ya 'yung Dae na matinis ang boses sa t'wing babatiin ako habang nakapaskil ang malapad na ngiti sa kanyang mukha. Nawala na parang bula ang Dae na ito.

Huminga ako nang malalim bago sumagot. "Dae, itigil mo na ito. Walang katuturan ang mga pinaggagagawa mo sa akin. Ayusin natin ang gusot na ito at bumalik tayo sa dati."

"Dati? Bumalik tayo sa dati?" napauyam s'ya. "After getting Tric away from me, you want us to be back the way we used to be? No. I will not stop unless you let my Tric go and give him to me. I will make your life miserable not until Tric will go back to me."

"Nababaliw ka na," ani ko sa mababang boses.

"Call me what you want, I don't care. Can you just get out of the picture? In the first place, you can't be in his world—in our world. A peasant can't marry and love a prince. He deserves a princess like me," pagtataray n'ya.

18 ROSES: Laws of the Elite || #Wattys2017 Winner [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now