133RD ROSE || Don't Leave

Start from the beginning
                                    

"Mukha pong nasa Korea na naman po s'ya kasama po si Chairman Baek. Pero, 'wag po kayong mag-alala, panigurado pag-uwi po no'n ay didiretso po iyon dito. Tungkol po sa school, maayos naman po Mad—I mean, Tita. Medyo hectic ang schedule namin dahil malapit na ang finals at ang GAT/PAT exam po namin. Buti nalang po talaga at tapos na po ang thesis defense namin kaya medyo lumuwang-luwang na po ang schedule namin," bahagya pa akong bumungisngis.

"I'm glad you're doing good in school. I am so excited seeing you wearing your toga and having your diploma especially my only son, Tric," hindi parin mapawi ang ngiti n'ya sa kanyang mga labi.

"Alam ko po ganoon rin po si Tric. Ginagawa n'ya po lahat ang best n'ya para maging proud po kayo sa kanya."

Nakita ko agad ang paglamlam ng mga mata ni Madame Trinity sa akin. "There are only few people who can understand my son. And I am so thankful that you're one of those people. At kahit wala kayong sinasabi sa akin, alam kong may namamagitan sa inyo. And I am not against to it."

Sumilay ang isang ngiti sa aking labi. Nagbaba ako ng tingin sa aking mga kamay nung hawakan ito ni Madame Trinity. "I never saw my son being so happy like this before. I never saw my son starting to warm up with other people before. When you came, I saw how he's being contented and happy. That makes me so happy. I don't want to lose that bright smile on his face. I'm getting old now and I can't watch over him for so long. I know he'll be happy in your company. Don't leave him, Michelle. Minsan ko na rin 'yon ginawa at alam ko kung gaano s'ya naging miserable sa pagkawala ko. Ayokong mangyari ulit iyon sa kanya. Please, don't leave him and love him as much as I do."

Alam kong isang malaking laban ang haharapin ko simula ngayon. Ako, laban sa mundo n'ya—sa mundo ng isang Tric Marion Baek. Masasabi ng iba na wala akong pag-asang lumaban para sa kanya. Na wala akong pag-asang labanan si Jung Da Eun, lalo na ang kanyang ama, si Baek Byung Soo.

Muli akong tumingin sa maamong mukha ni Madame Trinity na nakangiti ngayon sa akin.

Alam kong isang malaking laban ang haharapin ko. Pero wala akong rason para sumuko dahil maraming naniniwala sa akin... naniniwala rin s'ya sa akin.

"Hindi ko po iiwan si Tric. Pangako po iyan."



Isang maluwag na paghinga ang ginawa ko matapos kaming i-dismiss ng aming guro para sa lunch break. Tahimik kong niligpit ang aking mga gamit at lumabas na ng aming classroom. Wala sina Quia at Chantal para kasabay kong kumain at may kailangan rin akong bilhin na gamit sa mall kaya doon na lamang ako magpapalipas ng lunch break.

Gusto sana ni Myrtle na sumabay ako sa kanilang mag-lunch pero tumanggi ako—bukod kasi sa nahihiya ako ay may importante rin akong pupuntahan pagkatapos ko sa mall. Bibisitahin ko kasi si Madame Trinity para makibalita ng naging resulta ng weekly therapy at treatment n'ya.

"Michelle! Watch out!" napasinghap ako nung biglang may humila sa akin at yumakap. May narinig rin akong nabasag malapit sa kinatatayuan ko.

"Fuck, muntik ka na do'n ah?" unti-unti akong nag-angat ng tingin at bumungad sa akin ang nakakunot-noo ngunit alalang mukha ni Luke. Sinundan ko ang kanyang paningin at marahas akong napasinghap nung makita ko ang isang basag na paso malapit lang sa kinatatayuan namin. Medium size ang paso na iyon kaya kung hindi dahil sa paghila sa akin ni Luke, malamang tumama na iyon sa ulo ko at sa ospital ang bagsak ko.

Tumingala agad ako sa mataas na parte ng building kung saan sa tantya ko ay doon nagmula ang paso.

"Are you okay?" lumipat agad ang tingin ko kay Luke nung maramdaman ko ang pagsapo ng mga palad n'ya sa mukha ko.

18 ROSES: Laws of the Elite || #Wattys2017 Winner [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now