[MPG2 > 76 - New Beginnings]

Start from the beginning
                                    

Malapit ko nang malagpasan yung mga tao nang bigla akong naitulak nung isaang babae kaya naman nabitawan ko yung juice na hawak ko at nadapa.


Napasalampak ako sa sahig.


Nasira yung sandalna suot ko.


Basa ako dahil natapon sa akin yung juice ko.


Nakaputi ako kaya naman nnung matapos sakin yung juice ay halos makitaan na ako.


Naupo na lang ako doon naiyak.


Bakit ba nangyayari sa akin lahat ng ito?


Hindi ko na kaya.


Napatigil ako nang maramdaman kong may naglagay ng something sa balikat ko at tinakapan ako.


Uno?


Bumalik na ba si Unopara iligtas ako?


Sa kakaiyak ko ay hindi naging malinaw ang paningin ko.


Basta nakita kona isang lalake yung naglagay nung jacket niya sa akin.

"Uno!!! Nagbalik kana Uno!!!"


Niyakap ko siya ng mahigpit at umiyak ako sa balikat niya."


Walang tigil ang mga luha ko.


Hindi ko alam kung gaano na ako katagalna umiiyak.


Nang nahimasmasan na ako ay narealize ko na basang basa a ng luha yung balikat niya at malagkit na rin siya dahil nabasa din siya nung juice na natapon sa akin.


Bumitiw ako sapagkakayakap ko sa kanya.


>______<


Nakakahiya!!


Hindi si Uno!!!


Si kuya amusement park!


Nakakahiya talaga!!!!





"Oh my! Sorry!!! Sorry talaga."


Inalalayan niya akong tumayo.


"Bakit ba tuwing nagkikita tayo may nangyayari sayo at nasasaktong napadaan ako?" Nakasmirk na sabi niya.


"Sorry talaga."


Agad akong tumalikod at naglakad palayo.


"So ganon na lang yon? pagkatapos kitang tulungan at basain mo ako ay iiwan mo ako? Isa pa kailangan mo ng tulong. Sira na yungsuot mong sandal."


Napahinto ako at napatingin ako sa mga paa ko. Oo nga pala.



Pumunta siya sa harap ako at lumuhod.


Umakto siya na pinapasakay niya ako salikuran niya.


"Dalian mo na. Kailangan na nating magpalit ng damit at yung sapatos mo kailangan ntin palitan. " Sabi niya.



Sumakay ako salikuran niya. Nilagay ko lang yung mga kamay ko sa balikat niya.


"Talagang nahiya kang yakapin ako pagkatapos nung ginawamo kanina? Ano ak kabayo?" Sabi niya habang naglalakad kami.


"Sorry na talaga. Tsaka salamat."


"Para makabawi ka libre mo ako ng pagkain ha!"


"Oo na Sagot ko na ang dinner."


"Yeheey!!"

Una muna siyang pumunta sa bilihan ng mga sapatos.

Mr. Perfect Gangster: The Return (Editing) completeWhere stories live. Discover now