[MPG2 > 76 - New Beginnings]

Start from the beginning
                                    

"Naging araw araw na sabay kaming pumapasok at umuuwi. Hindi ko namalayan na hindi na ako nambababae, gumigimik mga ganon. Umikot na lang yung mundo ko sa kanya. Ayun na nga tinamaan na ako ng husto. Para bang hindi ko kayang hindi siya makita kahit isang araw lang."


"Hindi ko na rin pinapansin ang ibang babae kasi ayaw kong magalit siya. Pagkatapos ng dalawang taon na pagliligawan ay sinagot niya ako."


Hindi ako makapagsalita. Naeexcite akosa kwento ni lolo.


"Pinakilala niya ako sa parents niya. Nawala sa isip ko na naka arrange na ako sa lola mo. Kaya naman inimbitahan ko siya nung birthday ko. Umasa siya na siya yung escort ko kasi nga kami na eh. Yun nga lang yun dinyung gabi na in announce ng parents ko ang engagement namin ng lola mo."


"Tinignan niya ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gusto kong pigilin yung mga luha niya sa pagpatak pero hindi ko nagawa. Tumayo lang ako don at pinanood siya. Pagkatapos ng araw na iyon ay pinuntahan ko siya sa bahay nila. Hinarap niya naman ako. sabi niya lang na alagaan ko yung magiging asawa ko. Niyakap niya ako at hindi ko na siya nakita ulit."


"Hanggang sa nagkafacebook at nakita ko naman na masaya na rin siya sa piling ng asawa niya. Don't get me wrong Eri, mahal ko ang lola mo. Gustokolag sabihin na ako nga kinaya ko nang mawala yung taong pinakamamahal ko. Pati nga siya kinaya niya so Ikaw kaya mo rin yan."


"Dapat po ba talagang kalimutan ko na si Uno?"


"Si Uno kasi ang makakasagot kung babalik pa ba siya pero ikaw ayokong maging katapusan ng mundo mo. I want you to be strong and happy. Mukha ka nang losyang kakamukmok mo diyan. Ilang araw na yan."


"Teka lolo alam ba ni lola yung kwento mong yan?"


"Oo naman. Sa totoo lang may boyfriend din yung lola mo nung naengage siya sa akin. Pero lahat kami naka move on na. Hindi yun madali. It will take some time, courage and strength. Yang puso mo, durog ma yan ngayon, gagaling din yan."


Napangiti ako sa sinabi ni lolo. Niayakap ko siya nang mahigpit.


"Thank you lolo."


"Mabuti pa ang gawin mo today Eri ay magshopping. Sagot ko na!"


"Tologo ba??"


"Yes! Ayusin mo yang sarili o at ang pangit mo na talaga. Change all your stuff and look forward to new beginnings. "


Hinaikan ko si lolo sa pisngi at agad nang tumayo at tumakbo sa banyo.


Tama si lolo.

==================

Sa Mall:


Naikot ko na yung buong all pero ang nabibili ko palang ay isang dress.


Bigla nanaman kasing nawala yung confidence ko nang maalala ko si Uno nung dinala niya ako sa mall.


Bumili na lang ako ng juice.


"uy si Anne Curtis ba yon?"


"oo siya nga!!"


___________@__@

Nagkagulo ang mga tao at nagunahan palapit kay Anne.


Sakto naman sa direksyon ko sila papunta.



Nakikisiksik din ako para nakalayo sa kanila.



Mr. Perfect Gangster: The Return (Editing) completeWhere stories live. Discover now