Dumating na ang birthday ko pero nasa loob parin ako ng kwarto ko.

Ilang beses na akong kinatok ni Kuya pero hindi ko pinakinggan at hindi lumabas. Bahala sila. Magcelebrate sila kung gusto nilang magcelebrate.

Isang oras na nang maisipan kong lumabas.

Nakita ko ang buong pamilya ko na nasa dining area. Nandoon ang mga hinanda nila para sa akin pero wala akong pakealam. Sinabi ko na sa kanila na ayaw ko.

Tumayo si Mom at lumapit sa akin. May bitbit din siyang regalo.

"J-Josh, here's my gift-"

"Hindi yan ang gusto kong regalo Mom. Alam mo yan. At kung hindi ko lang din yun ang matatanggap ko, wala ng dahilan para magcelebrate ako ng birthday," sabi ko sa kaniya ay tumalikod.

"J-Josh....anak...," bigla akong napatigil at humarap sa kaniya. Buong buhay ko, hindi ko narinig na tawagin ako sa pangalan yun.

"May himala ata?," sarkastiko kong tanong sa kaniya. Lumapit siya sa akin.

"A-anak patawarin mo ako. Alam kong marami akong pagkukulang sa inyo bilang ama ng oamilyang 'to. Sorry kung nangyayari ang lahat ng' to. Alam kong kasalanan ko 'to," sabi niya na ikinangisi ko.

"Kahit magsorry ka pa, hindi na maibabalik ang lahat ng nangyari!," sigaw ko. Napayuko siya at tumingin ulit sa akin.

"Alam kong hindi mo ako mapapatawad anak. At kahit hindi na yun magbabago basta hayaan mo sana akong ipakita na mahal kita 'nak," at niyakap niya ako.

"Happy birthday anak. At ito ang regalo ko sa' yo," pagkabitaw niya sa akin ay napakunot ang noo ko. Regalo? Niloloko ba niya ako-

Biglang may yumakap sa akin.

"Happy birthday Love," bigla akong napaiyak. Nanaginip ba ako? Sana totoo 'to. Napapikit ako nang yakapin niya ako ng mahigpit. Yung amoy, yakap, boses.... Hindi ako pwedeng magkamali. Siya yun! Humarap ako sa kaniya.

Napaiyak ako nang siya nga yun.

"ZK!!!!," bulalas ko at niyakap siya. Napahagulgol ako dahil sa sayang nararamdaman ko. Narinig ko na rin ang pag-iyak niya.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.

"Hindi ako nananaginip, diba? Totoo 'to," nakangiti siyang tumango at hinawakan ang kamay kong nakahawak din sa pisngi niya. Niyakap niya ulit ako. Hinalikan ko siya noo.

"Tito Rod, thank you," rinig kong sabi niya. Napatingin ako kay Dad. Nakangiti siyang tumango.

[Klark's POV]

Hindi ako makapaniwala. Yung taong miss na miss ko, yung taong gusto kong makita, yakap yakap ko na ulit.

[Flahback]

"

Anong ginagawa mo dito Tito Rod?," gulat kong tanong.

"Pwede ba tayong mag-usap Klark?," tanong niya.

"Ano na namang kailangan niyo? Ginawa ko na ang gusto niyo. Hindi ko na siya guguluhin-"

"Sorry sa lahat Klark. Ang dami kong nagawang kasalanan sa'yo, sa inyo"

"Ano ba talagang pinunta niyo rito?"

"Gusto kong tulungang maging masaya ulit ang anak ko. Tulungan mo akong ibalik ang dating siya. Dati akala ko, sapat na mabigyan ko sila ng sapat na pera, yaman....nagkamali ako. Hindi pala matatawag na isang tunay na pamilya ang isang pamilya kung hindi maipapakita ang pagmamahal. You made realized one thing Klark. Yun ang isusuko mo ang kaligayahan mo para lang sa pamilya mo. Thank You Klark," hindi ako makapaniwala.

"Ang i-ibig sabihin ba niyan Tito, tanggap mo na....?"

Tumango siya kaya hindi ko mapigilang yakapin siya.

"Salamat Tito. Salamat"

[End of Flashback]


"Happy Birthday ulit," bati ko sa kaniya. Nandito kami ngayon sa kwarto niya at katatapos lang naming i-celebrate ang birthday niya.

Ngumiti siya sa akin at niyakap.

"Akala ko hindi na kita mayayakap pa," rinig kong sabi niya.

"Ako nga din eh. Pero heto, kayakap na ulit natin ang isa't isa," ngumiti siya sa akin at hinalikan ako sa labi. Yung halik niya, yun isa sa mga pinakamiss ko. Napapikit ako sa nag-uumapaw na sayang nararamdaman ko.

"I love you love"

"Mas mahal kita"

°°°°°°°°°°°°°°°°°

Isang taon na ang nakakalilipas. At hanggang ngayon, kami parin ni CJ. At ngayon ay mag-eenroll kami sa isang all boys school parin na pagmamay-ari parin nila. Haha. Ang Aeden State University.

Hinawakan niya ako sa kamay at sabay kaming naglakad.

Buti nalang at nakapasa ako sa Aeden Academy bilang scholar. Nakakatawa nga lang yung paano ko siya nakilala. Yung mga panahong hindi ko pa siya maalala. Yung mga gimik niya, yung master-slave na nababasa ko lang, nangyayari pala.

Naalala ko pa yung panahong nanliligaw sakin si Jerome. Natatawa pa nga ako nun kung paano siya magreklamo kasi nagseselos daw siya nun.

Yung paano namin sine-celebrate ang monthsarry namin

Hindi ko naman talaga maitatanggi na minsan nag-aaway kami. Pero gaya ng sabi ko noon, hindi namin hinayaan hindi kami nagkakaayos bago matapos ang araw.

Dati akala ko, wala ng magmamahal sa akin ng ganito. Akala ko hanggang pangarap lang ako. Pero heto, hawak ng lalaking mahal ko ang kamay ko. Yung mga napapanood at nababasa ko lang, nararanasan ko na.

Alam kong may mga pagsubok pang darating sa buhay namin ni CJ. At ngayon, ipaglalaban ko na siya kahit anong mangyayari. Sabay na naming haharapin ang mga problemang yun.

I really love this guy.

And

Entering the All Boys' School gives me the chance to love and to be loved.

The end

°°°°°°°°°°°°°°°
A/N: Awww. The End na talaga! 😭 Salamat sa inyong lahat. Salamat sa pagtyatiyagang pagbabasa. Salamat kahit maraming typos ang story, binasa niyo parin🖤 Sa anim na buwan at 30 days, tapos na rin itong story. Ngayong tapos na itong stort, gusto kong malaman ang feelings niyo before, during and after mabas itong story. Kaya sana magcomment kayo 🙃 And sad to say , wala na pong book 2😔

Mahal na mahal ko kayo!

*unedited*

Entering All Boys' School (boyxboy)Where stories live. Discover now