Enter 40: *untitled*

8.1K 371 12
                                    

[Klark's POV]

"Hi Tita! Andito na po kami," sigaw ni Brix. Makasigaw 'to.

"Makasigaw ka kala mo naman bahay mo 'to!," sigaw pabalik ni Jenny.

"Pake mo?," tapos ngumisi si Brix sa kaniya.

"May pake ako kasi mahal kita!"-Jenny

"Anong konek? But don't worry mahal din kita. Pero break na tayo! Ayoko na sayo"-Brix

"Ang bad mo! I hate you na! Di narin kita mahal!"-Jenny.

Nakakain na naman po sila ng putik kaya ganyan yung pinagsasabi. Biglang lumabas si mama sa kusina. May hawak hawak pa siyang kutsilyo at nakasuot ng apron.

"Nandito na pala kayo," sabi ni mama.

"Wala pa Ma," pamimilosopo.

"Heh! Sandali, ano 'tong naririnig kong 'break'? Bakit sinong naghiwalay?," kunot noong tanong ni mama samin. Natawa kami.

"Wala Tita. Nakasinghot na naman kasi ng katol itong sina Brix at Jenny. Haha. Wag niyo silang intindihin. Mga baliw yan eh," sabi ni Faye kay mama.

"Nagsalita ang hindi," sabay na sabi nina Brix at Jenny.

"Tse!"-Faye.

Natawa na lang din si mama.

"Kayo talaga. Upo muna kayo diyan. Tamang-tama malapit ng maluto ang niluluto ko," sabi ni mama.

"Sure po Tita. Dapat yung napakasarap hah!," wala talagang kahiya-hoya itong si Brix. Haha.

"Sure," sabi ni mama.

"Wala ka talagang hiya," biglang sabat ni Jerome kaya natawa kami.

"Matagal na," sabay ngisi ni Brix sa kaniya.

Napailing nalang si Jerome sa sinabi ni Brix.

•••••

Kumakain na kami ngayon ng niluto ni mama na tsamporado.

"Sarap!"-Jenny/Faye

"I know right"-Mama

"Nakakasawa na!," kunwari reklamo ko. Tinignan ako ni mama ng masama at tinignan ang platong kinakainan ko.

"Nakakasawa? Talagang magsasawa ka talagang pang-apat mo na yang hirit!," pambabasag sakin ni mama. Hehe. Totoo pong pang-apat ko na ito. Mehehehez. Namiss ko kasi.

"Burn!," sigaw nila. As in silang lahat! Pati si mama nakisali din. Tumawa pa sila.

"Heh!," yun lang nasabi ko. Haha

"Oo nga pala Tita, muntik ko ng makalimutan....ipapaalam ko nga pala sina Christian at Klark," sabi ni Brix.

"Bakit? Saan kayo pupunta?," tanong ni mama.

"Maghahanap po ng magjo-jowa," biglang sabat ni Faye. Binato namin siya ng tissue. Tama bang yun yung isagot niya kay mama?

"Grabe kayo makareact hah! Ok fine! Ako nalabg mag-isa ang maghahanap ng jowa!," natatawa niyang sabi.

"Sasabat pa kasi! Tita wag mo siyang intindihin! Baka nasobrahan lang yan ng tsamporado kaya nagiging desperada na siyang makahanap ng jowa," sabi ni Jenny kay mama kaya binatukan siya ni Faye.

"Grabe makapagsabi ng 'DESPERADA' teh! Hindi naman ganun. Desperada agad? Di ba pwedeng gusto lang?," sabi pa niya kay Jenny.

"Watibir!"-Jenny.

"Tapos na ba kayo?," inis na tanong ni Brix. Napa-peace sign nalang ang dalawa. Ayaw kasi ni Brix yung nai-interrupt kapag tinatanong. Haha.

"Anyways, umalis kasi sina Mama sa bahay kaya kami lang ni Jerome ang maiiwan dun so, gusto ko pong isama sina Klark sa bahay habang hinihintay sila. Dalawang araw kasi silang mawawala"-Brix

"Ah ganun ba. Oh sige. Pero pinapaalala ko sa inyo hah, alam niyo dapat ang limitations niyo lalo pa't may kasama pa kayong dalawang babae," namasid kami sa sinabi ni mama.

"Grabe ka naman Tita. Ang babait namin para gawin yang nasa isip mo," sabi ni Marcus pagkatapis sumubo siya ng tsampurado.

"Oo nga Tita. At tsaka, haler. Nasa katinuan palagi"-Faye

"Oo na. Pinapaalala ko lang naman sa inyo," sabi ni mama.

Tumango nalang kami.

•••••

Pagtapos naming kumain ng tsampurado at naupo kami sa ilalim ng malaking puno dito sa likod ng bahay. Ala-una palang ng hapon. Napagdesisyunan namin na mamayang hapon nalang kami pupunta sa bahay nina Brix.

Kinuha ni Brix ang music box niya at nagpatugtog.

[Now Playing: Baby I Love Your Way]

Hmm...that song seems familiar. Napakinggan ko na yan.

Napatigil ako nang sabay na ipatong nina Jerome at CJ ang ulo nila sa balikat ko.

"Ang bibigat ng mga ulo niyo! Umayos nga kayo," reklamo ko.

"Inaantok ako," rinig kong bulong ni Jerome.

"I want to sleep," bulong namab sakin ni CJ.

"Edi matulog kayo. Pero niyong gawing unan 'tong magkabilang balikat ko. Mangangawit ako," sabi ko.

"But I'm comfortable with you. Lalo na kung yakap-yakap kita," bulong ni CJ. Geez. Ano ba 'tong pinagsasabi ni CJ? Kinikilig este kinikilabutan ako!

"Hoy kayo! Wala ba kayong nararamdaman?," biglang sabat ni Faye.

"Meron teh! Mga laggam! Harujusko! Kayo hindi niyo ba nararandaman?"-Jenny

Umiling sina Jerome at CJ habang nakatingin lang si Marcus sa phone niya habang nakakunot ang noo at nakangisi si Brix sabay sabi ng 'Of Course'. Palihim kong binigyan ng middle finger ang tatlo kaya mas lalo silang napangisi. Alam ko yung tinutukoy ng tatlo.

•••••
A/N: Sorry guys pero yan lang yung update ko ngayon. Sabaw na sabaw kasi utak ko at hindi makapag-isip ng matino. At walang inspiration! Haha. Kainis kasi! Yung mag-jowang inspiration ko para story na 'to, naghiwalay! Kainis sila. Haha.

*unedited*

VOTE, COMMENT AND SHARE

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon