Enter 43: Bipolarity

7.5K 355 8
                                    

[Klark's POV]

Pagbalik namin ni Jerome sa garden ay nagtaka ako dahil hingal na hingal ang apat. I'm talking about Brix, Marcus and the two ladies. Parang galing sila sa pagtakbo.

"Anyare sa inyo? Hingal na hingal kayo ah," natatawa kong tanong sa kanila.

"H-hah? Ano kasi ano...ah...," I raised my right eyebrow. May ginawa ba sila ng hindi ko alam at hindi alam ni Faye kung ano ang dapat isagot.

"Naghabulan kasi kami kanina habang hinihintay namin kayo. Grabe bakit ngayon lang ba kayo? Ano bang pinag-usapan niyo?," sabi ni Brix tapos ngumiti siya sakin na parang ewan na hindi ko maintindihan.

Pinanliitan ko silang apat ng mata. Ngumiti lang din sila gaya ng ginawa ni Brix kanina.

"K," yun lang sinabi ko at nagkibit-balikat. Naisipan kong umupo sa tabi ni CJ. Hindi niya kasi ako kinakausap kanina pa!

"Psst!," pagsitsit ko sa kaniya. Tinignan niya ako habang sumusubo ng cake. Ang g-gwapo! >/////<

"Bakit?," tanong niya sakin.

"Problema mo?," tanong ko. Umiling siya.

"Wala," sagot pa niya.

"Wala daw? Kanina ka pa tahimik. Hindi mo'ko kinakausap. May nagawa ba akong mali?," ako na nag-approach sa kaniya! Eh sa hindi ko matiis. Haha.

"W-wala. Wala kang nagawang mali," sagot niya.

"Eh bakit hindi mo'ko kinakausap kanina pa?," tanong ko ulit.

"Wala lang"-CJ

"Wala? Ano yun? Trip trip lang?," inis kong tanong ulit. Grabehan lang?

"Parang ganun na nga," lalo akong nainis sa sinagot niya. Ganun? Balakajan! ¬_¬ Nag-init na talaga ang ulo ko pero pinigilan ko lang ang sarili ko.

"Ok. Sabi mo eh," naiinis kong sabi. Tss. Ganun pala huh. Psh.

"Trip lang? Psh. Kainis," bulong ko. Wala akong pake kung marinig niya. Bahala siya diyan!

Tumayo nalang ako at lumipat ng upuan. Sa tabi ni Marcus ako umupo.

"Abot hanggang edsa sa haba ng nguso mo," natatawang bulong sakin ni Marcus.

"Ewan ko sa'yo. Ewan ko sa inyo!," bulong ko pabalik. Kumuha nalang ako dalawang slice ng cake.

"Dami ah. Gutom ka?," natatawang tanong sakin ni Brix.

"Ha-ha. Kakatawa. At oo! Gutom ako!," sarkastiko kong sagot sa kaniya. Sumubo ako ng malaking cake pero yung kakasiya lang sa bunganga ko syempre.

"Ay gutom nga," pang-aasar ni Faye.

"Pwarang gwanown na ngwa," sabi ko habang ngumuya.

"Ang baboy mo kumain Klark!," reklamo ni Jenny. Katabi ko din siya. Natalsikan pa siya ng nginunguya ko. Nag-peace sign nalang ako sa kaniya. Pasamat yang CJ nayan! Masarap itong cake! Nakakabawas ng inis at init ng ulo.

Nagpatuloy na lang ako sa pagkain ng napakasarap na cake.

"Uy Jerome! Ang sarap ng cake na ginawa mo!," sabay baling ko sa kaniya na nasa tapat ko lang.

"Correction. Ginawa namin," pangongorek sakin ni Brix.

"K," yun lang sinabi ko tapos sumubo ulit. Ngayon ko lang realized, nakakagutom pala mainis. Haba.

"Bastos! Isang letter lang sinabi! Wala kang manners!," biro ni Brix.

"K. Sabi mo eh," sabi ko ulit. Magsasalita pa sana ulit siya nang inunahan ko.

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon