Enter 45: I Can't Take It

7.7K 388 9
                                    

[Josh's POV]

Ediwow ulit. P*nyemas.

Ang sakit sa mata! Alam niyo ba yun? Kung nalang gumawa sila ng kababalaghan sa harapan namin! Yung g*gong Valdemor, nakayakap kay ZK. Habang si ZK naman nakapatong ang ulo niya sa balikat ni Valdemor. Ang sakit talaga sa mata. Nakakapanggigil.

Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa tv. Nanonood kami ngayon ng romantic comedy. Hindi ko alam kung anong title ng movie na'to. Hindi ko rin alam kung sino ang mga artista. At wala akong pake kung sino man sila.

Kailangan kong ituon ang buong atensyon ko sa p*tang*nang movie na 'to para mawala itong sakit, selos at inis na nararamdaman ko ngayon.

Napakunot ang noo ko nang marinig ko silang magtawanan. O...key? Anong nakakatawa?

"G*gu naman ng lalaking yan. Pffft. Hahahaha. Kunwari hindi nagseselos pero pffftt..hahahaha. Nakakatawa," tawang tawa na sabi ni Jenny habang nakahawak sa tiyan niya.

"Oo nga eh. Naku! Hahahaha. Hindi pa kasi umamin nung una palang. Edi sana walang nakaagaw kay ate girl. Hahahaha," sabi naman ni Faye. Nag-apiran pa silabg dalawa.

"Tama ka. Hahahaha. Hays. Siguro mababatukan ko yung mga kagaya niya," lalo akong nainis. P*ny*ta talaga. Parang ako yung lalake sa movie ah.

(P.s Hindi ko alam kung may ganito ba talagang movie. Hahahaha)

Bigla akong kinulbit ni Jenny.

"Bakit?," kunot noo kong tanong.

"Ikaw ba Josh, nagawa mo na ba yung ginawa ng lalake?," tanong niya.

"A-ang alin?," hindi kumportableng tanong ko.

"Yung ano...yung hindi niya pag-amin bago magkaroon ng boyfriend yung babaeng mahal niya? Yung nagkukunwari na hindi siya naapektuhan, yun pala gusto niyang suntukin yung boyfriend ng babae, yung mga ganun," pinapatamaan ba ako ng babaeng ito?

"H-hindi. Hindi pa naman," sagot ko.

"Ah ganun ba? Alam mo kasi may kilala akong ganun," biglang singit naman ni Faye.

"Sino?," simple kong tanong para hindi nila mapansing naaapektuhan ako sa mga sinasabi nila.

"Kaibigan din namin. Naku...alam mo bang dahil sa hindi niya pag-amin sa taong mahal niya, nagkaroon ng boyfriend itong taong mahal niya. Grabe nga iyak nun eh. Sobra siyang nagsisisi na hindi siya nakaamin," kwento niya.

"Talaga?"-Ako

"Ano? Magkukwentuhan ba kayo o manonood?," inis na sabat ni Marcus samin.

Inirapan lang siya ng dalawa habang ako naman ako ay nanood nalang din.

•••••••

Kung kanina RomCom, ngayon naman horror movie.

"Kyyyaaaaaahhhhh! Ayoko na! Matutulog na ako!," mangiyak-ngiyak na sabi ni ZK na nasa tabi ko na nasa tabi din ni Valdemor

"Wag ka namang kj Klark! Jerome, kausapin mo yang boyfriend mo. Ang laki-laki na, natatakot parin sa horror movie," asar ni Faye.

"Heh! Kala mo naman kung sino makapagsabi ni natatakot ako. Pati ikaw naman ah! Hindi pa nga nagsisimula, sobrang higpit na ng kapit mo kay Marcus," pang-aasar na sabi naman ni ZK na ngayon ay nakakapit sa braso ni Valdemor. Kaasar!

"Tse!"-Faye

"Sus. Pumaparaan lang si Faye eh. Gusto lang manantsing kay Marcus," ngayon si Jenny naman ang nang-asar kay Faye.

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon