Enter 55: When They Got Jealous

6.6K 406 35
                                    

[Klark's POV]

Nandito na kami sa mall. Kahit na pinagtitinginan na kami ng mga tao dahil magkahawak ang kamay namin, wala kaming pakealam.

Kahit na may naririnig kaming hindi maganda, syempre may mga positive din.

"Diba taga Aeden Academy ang mga yan?"
"Oo nga! Tsaka si Christian Josh Park ata yun!!"
"Tama ka bes! Kyaaaah! Boyfriend niya ba yang kasama niya? Ang cute!"

Wala sa sarili akong napangiti. Napatigil lang kami ni CJ nang lumapit samin ang dalawang babae na nag-uusap kanina.

"H-hi po. Taga-Aeden Academy kayo diba?," tanong ng chubby na babae.

"Yup," sagot ni CJ.

"Magboyfriend po ba kayo?," sabi naman ng isa. Di ko alam kung payat siya o sexy lang. Basta ganun.

"Yup," sagot ulit ni CJ. Nagkatinginan naman ang dalawa at tumili.

"Kyaaah!! Sabi na eh! Ang cute niyo pong dalawa. Bagay kayo!"-Chubby

"Tama ka diyan bes! Ang cute kaya ng mga couples na tulad niyo," sabi ni Payat

"Haha. Salamat," sabi ko.

"Naku wala po yun. Sige po alis na po kami. Enjoy your date. Hihi. Alam namana namin na nagde-date kayo," tapos umalis na sila. Napatawa naman kami ng mahina ni CJ.

Naglakad na ulit kami ni CJ.

"Kain muna kaya tayo?," suhestiyon ko.

"Oh sige. Gutom naman na ako eh," sagot ko.

Sa isang fast food chain kami tumuloy.

"Anong gusto mong kainin?," tanong niya sakin

"Kahit ano na. O di nanan kaya, kung ano kakainin mo, yun nalang din yun akin," sabi ko.

"Okay love," naiwan akong natulala at namumula dahil sa huling binanggit niya.

Love

Love

Love

Love

Love

Sh*t! Ang sarap pakinggan!

Habang hinihintah ko si CJ ay kinuha ko ang phone ko at tinext si mama.

To: Mama
Ma!! Boyfriend ko na po pala si CJ <3

Sent..

Nang ibinulsa ko ang phone ko ay siya namang pagsulpot ng jsang lalake sa kung saan. In fairness, gwapo siya. (Pero mas gwapo si CJ)

"Uhm...Hi," sabi niya sakin...?

"Ah Hello," bati ko pabalik.

"May kasama ka?," tanong niya sakin.

"Meron"

"Ah. Sino? Girlfriend," tanong niya.

Natawa ako ng mahina.

"Nope. Boyfriend ko," pangongorek ko sa sinabi niya.

"Ow," ngumiti lang akong ako sa kaniya.

"Pwedeng makiupo?," tanong niya. Tumango lang ako tutal pang-apatan yung table.

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon