Enter 71

4.4K 222 40
                                    

[Klark's POV]

May klase na ulit kami.

"Tara na," aya sa akin ni CJ. Napangiti ako nang kunin niya ang bag ko at sinukbit niya sa kanang balikat niya. As usual, ganitong ganito ang senaryo kapag papasok kami.

"Anong ningiti-ngitian mo diyan?," curious na tanong niya.

"Haha. Wala," natatawang kong sabi.

"Meron eh. Share mo naman sa akin," sabi pa niya.

"Wala nga," tapos nginitian ko siya.

"Meron eh! Baka mamaya ibang lalaki yan. Mamaya may kikitain kang iba pagkatapos ng klase o di kaya--," hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa labi. Naramdaman ko ang pagngiti niya.

"Kung ano ano iniisp mo diyan. Tara nga," sabi ko sa kaniya at hinila siya palabas ng dorm.

••••••••

Nandito kaming apat ngayon sa garden. Ako, si CJ, Jerome at si Brix.

Pansin ko, kami lang ni CJ ang nag-uusap habang ang dalawa, tahimik. Sasagot lang kapag kailangan.

Tinignan ko silang dalawa.

"Prolema niyo?," tanong ko sa kanila.

"H-huh?," sabay nilang react.

"Kanina pa namin kayo napapansin na sobrang tahimik niyo. May nangyari ba dito sa academy habang wala kami?," tanong ko sa kanilang dalawa.

"HH-huh? W-wala naman. Masama lang ang gising ko. Tama. Masama nga gising ko kanina. Hehe," pinanliitan ko ng mata si Brix at uniwas lang siya ng tingin sa akin. Halatang nagsisingaling. Pero pinabayaan ko nalang.

"Ikaw naman Jerome? Bakit ka tahimik?," baling ko naman kay Jerome. Napansin kong tumingin siya kay Brix na nakasubsob ang mukha niya sa table kung saan kami nakaupo. Saglit yun pero napansin kong sinulyapan niya ng tingin si Brix! Aha!

"Stress lang lang siguro 'to Klark. Next week na kasi ang Founding Anniversary ng academy kaya marami kaming ginagawa," ngumiti pa siya pilit.

Hindi ko nalang sila pinilit na sabihin ang totoo.

Napansin kong may nagmessage sa katabi ko-- si CJ.

From: Dad
Napakawakang modo mo! Wala ka ng galang. Simula nang makilala mo ang baklang yan, nakakaya mo na akong sumabata! Nakakaya mo na narin akong awayin! Sinasabi ko sa'yo Christian. Hindi ka ba nahihiya na may bakla sa pamilya natin? Isa 'yong kahihiyan sa pamilya ng mga Park! Ano nalang ang sasabihin ng Lola? Madi- disappoint siya sayo! Binabalaan kita kung ayaw mong ipadala kita sa Korea!

Parang nawalan akong energy dahil sa nabasa ko. Napaiwas ako ng tingin nang tignan ako ni CJ. Naramdaman kong niyakap niya ako.

"I love you" sabi pa niya.

"I love you too"

Sabi ko din pabalik. Sinubukan kong huwag isipin yung nabasa ko kanina.

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon