Enter 58

5.8K 264 25
                                    

[Third Person's POV]

Napayukom ang kamao ng isang lalaking nasa mid 40's.

"Nahihibang ka na. Hindi ko hahayaan na maging bakla ka!," bulong niya na may halong galit ang ang kaniya boses habang tinitignan niya ang mga litrato ng kaniyang anak, kasama ang 'boyfriend' niya.

"Pinagbigyan na kita noon. Pero hindi na ngayon. Pipigilan ko na ang kahibangang yan," sabi pa niya.

Napatingin siya pintuan nang may kumatok.

"Come in," sabi nito. Pumasok ang isang magandang dalaga.

"Hi tito," bati ng dalaga.

"I want you to go to the Philippines right now. Alam mo na gagawin mo," sabi niya sa dalaga. Ngumiti naman ng malapad ang dalaga at tumango.

"Okay tito. At tsaka duhhh. Hindi ko naman hahayaan na mapunta lang sa isang kapwa niya lalaki ang sweetheart ko noh! Kung sa isang babae siya mapupunta, baka kaya ko pang tanggapin. Pero kung sa isang lalaki lang din, eww. That's so gross," maarte niyang sabi.

"Wag mo akong bibiguin Jona. Ikaw at ikaw lang gusto ko para sa anak ko. Wala ng iba," sabi ng lalaki.

"Okay tito. Don't worry. You know me. What Jona wants, Jona gets," nakangisi niyang sabi.

"Tignan pa natin kung magiging masaya pa kayong dalawa sa pagdating ko," sabi nito sa kaniyang isipan.

••••••||

[Klark's POV]

Dalawang buwan...dalawang buwan na nakalipas mula nung first monthsarry namin. At sa dalawang buwan na'yon, kami parin ni CJ. May tampuhan naman kami pero hindi namin pinapaabot sa isang araw ang tampuhan.

Masaya naman ang naging takbo ng buhay ko dito sa Aeden Academy.

Actually, katatapos lang ng exam namin. Grabe, buti nalang nasagutan ko ang lahat.

"Tara Fishball tayo," suhestiyon ni Brix habang naglalakad kami.

"Good idea," pagsang-ayon ni Jerome

"Okay. Maganda din naman yun tutal tapos naman na ang exam," segunda ni CJ.

Tumango nalang ako.

Naglakad kaming apat palabas ng academy. Oo apat! As in ako, si CJ, Brix at Jerome!.

Naging isang grupo na kami. Kumbaga, barkada ganun.

Pagdating namin sa Fishball'n ay agad kaming sinalubong ni Reyshelle. (Naaalala niyo pa siya? Kung hindi, bahala kayo diyan :-P)

"Oh tapos na ba ang exam niyo?," tanong sa amin ni lola Lucia.

"Opo lola," sagot namin.

"Kung ganun, dapat nating i-celebrate yan!," hyper na sabi ni lola.

"Dapat lang po. Nakakagutom kaya yung exam," sabi naman ni Brix.

"Palagi ka namang gutom eh," pambabara ni Jerome. Napasimgangot so Brix.

"Wag mo naman akong ibuko! Secret lang yun," parang bata na sabi ni Brix.

"Parang kang tanga diyan. Ay, tanga na pala," lalo namang napasimangot naman si Brix.

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon