Enter 16: Fishball

12.5K 560 28
                                    

[Brix's POV]

Unang Quarter ng laro ay ang init na agad ang mga kalaban namin. Ang mga taga Westmore Academy.

Ako, si Jake, Bernard, Red at si David ang maglalaro this First Quarter.
Hawak namin ngayon ang bola. Pinasa sakin ni Jake ang bola kaya gad ko itong sinalo. Nasa harapan ko ngayon ang Captain nila.

Nakangisi siya sakin. Gumanti din ako ng ngisi. Kung hindi ako nagkakamali, isa siyang Bisexual. Hindi ko lang sigurado kasi hindi naman halata. Anyway, tama na muna ang sasat mga brads.

Idinribble ko yung bola. Tumakbo ako habang drinidribble ang bola. Pagkatapos ay tumalon ako at shinoot ang bola. Syempre pumasok.

Narinig ko ang hiyawan ng mga tao.

•••••||
Fourth Quarter na at lamang ang team namin ng sampung puntos.

Sina Jerome na ngayon ang naglalaro. Inabutan ako ni Hanzel ng Gatorade, teammate ko rin.

“Grabe ang titig ah,” biro niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Alam niya kasi yung  tungkol sa nararamdaman ko kay Jerome. Well, siya din yung unanang naging kaibigan ko dito sa Academy.

“Chill ka lang!!,” natatawa niyang sabi.

“Ewan ko sayo Hanzel,” binuksan ko nalang yung Gatorade at ininom.

Itinuon ko nalang ang panonood sa laro. Pilit na humahabol ang kabilang team pero wala silang laban.

At ang nanalo? Ang mga taga-Westmore. At syempre joke lang! Kami ang nanalo.

"Ang galing!!!," komento ni Klark na nasa tabi ko.

"Syempre ako pa!," sabat ko.

"I mean ang galing naman NILA ," tapos binigyan niya ako ng mapang-asar na ngiti.

"Abat! Hoy pinuri kita kanina!," tapos binatukan ko siya.

"Sinabi ko bang purihin mo ako?," tapos tinaasan ako ng kilay. Kahit kailan g*go talaga yang bespren mo! (Nagsalita ang hindi g*go)

Ako lang ba o may epal talaga?

Anyways, magsasalita pa sana ako kaso sadyang bastos yung bespren ko...

"Uy Jerome! Galing mo kanina ah. Lalo na yung 3 points shoot mo kanina. Ring less," halatang nang-aasar na sabi niya. Nakita ko namang ngumitj ng malawak si Jerome.

"Haha. Ako pa?," pagmamayabang ni Jerome.

"Ang yabang!!," sigaw ng teammates ko at ni Klark. Ang saya ni Jerome. Ngayon ko lang nakita na  ganito kakaiba tong ngiti niya. Dati nung wala pa doto sa Academy si Klark, naka-poker face lang siya. Pero ngayon? Ngumingiti na siya in public. Ngingiti lang yan kapag wala ng ibang tao sa harapan niya bukod sakin.

Hays...

"Wuy Brix!"

"Ay ako si Brix. G*go ka Klark! You startled me!!," sigaw ko dito sa bespren ko. He chuckles.

"Haha. Kanina pa sila umalis. Pupunta daw sila sa fishball'an," natatawa niyang sabi. Napabuntong hininga ako.

"Ewan ko sayo," sabi ko sa kaniya. Nauna na akong naglakad sa kaniya.

"Huy hintay! Walang hiya to! Hinintay kita tapos iiwan mo lang ako dito? Bastos to! Sabihin kong crush mo siya eh," napatigil ako bigla at humarap sa kaniya.

"Wala namang saysay kung sabihin mo. Alam ko namang may gusto siyang iba," fine! Nabibitter ako! Pero hindi ko naman masisisi tong bespren ko eh.

Nakita ko namang nagbago ang ekspresiyon ng mukha niya.

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon