Enter 42: Accepting The Fact

7.7K 368 10
                                    

[Klark's POV]

Pagkatapos na sumigaw ang dalawa ay nagulat kami nang biglang sumulpot sina Jerome at Brix. Ang dudingis pa nila. May icing pa yung ilong ni Jerome. Haha. Parang silang natataranta.

"Bakit kayo sumisigaw? Anong 'may pag-asa'? Sinong may pag-asa?," tanong ni Brix.

"Ikaw Brix. May pag-asa ka sa crush mo," makahulugang sagot ni Faye sabay ngisi niya kay Brix. Kumunot naman ang noo niya.

"Pag-asa saan? Sa crush ko? Kilala niyo ba crush ko?," tanong niya kay Faye. Ngumisi naman ang tatlo (Marcus, Faye at Jenny)

"Of course my dear. KILALA namin," then Jenny emphasizes the word 'KILALA'. Agad naman akong pinanlakihan ng mata ni Brix. Ngumiti lang ako sa kaniya na para bang sinasabi na 'ok lang yan Naiintindihan ka nila'

"Ewan ko sa inyo. Balik na nga kami sa kusina. Wala naman palang kwenta," sabi ni Brix sabay hatak kay Jerome. Natawa nalang kami at ganun din si Jerome tapos nailing siya.

"What happened?," bigla kaming napalingon sa bigla-biglang nagsalita. Si CJ yun. Nakasandal siya sa pintuan. K-kanina pa kaya siya dun? Narinig niya kaya yung pinag-usapan namin? Biglang kumabog ang dibdib ko nang naglakad siya papalapit samin.

"Wala naman. May nalaman lang kasi kaming sobrang nakakatuwa na nakakakilig. Mehehehehez," parang baliw na sabi ni Faye.

"Care to share?," tapos umupo siya sa couch.

"Nah. Wag na. Mas maganda kung hindi mo muna alam para may thrill. Hahahah," ngayon si Jenny naman. Nagpagulong-gulong pa siya sa sahig na parang baliw.

"Tama nga naman yun pare. Para may thrill," pagsasang-ayon ni Marcus sa sinabi ni Jenny at ngumisi. Okey....? What are you planning to do now Marcus? Bakit feeling ko may mangyayari mamaya na hindi ko aasahan dahil sa ngisi mong yan?

"K," simpleng sabi ni CJ saka nagkibit-balikat.

"Sigurado naman akong wala naman yang kwenta," bigla akong natigilan.

Wala naman yang kwenta

Wala naman yang kwenta

Wala naman yang kwenta

Wala naman yang kwenta

Wala naman yang kwenta

Wala naman yang kwenta

Para akong nawalan ng lakas dahil sa narinig mo mula sa kaniya. Wala naman palang kwenta tong nararamdaman ko sa kaniya. Tama siya...

Wala ngang kwenta...

"Natahimik ka?," bulong sakin ni Marcus. Umiling lang ako at nag-half smile sa kaniya.

"I have a plan," bulong ulit sakin ni Marcus tapos ngumisi siya sa dalawang babae at nangiti silang dalawa. Naguluhan ako.

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon