Enter 46

8.2K 346 13
                                    

(P.sWala namang importanteng mangyayari sa chalter na'to.
P.p.s Nakakamiss palang hindi mag-update. Hindi ko matiis😂)  


•••••••
[Klark's POV]

"GHAD! I'M SO BORED!!!!," sigaw ni Faye habang nakahiga sa couch.

"Tama ka diyan Faye. Waaaahhh! Parang mamamatay na ako dahil sa boredom!," pagsasang-ayon naman ni Jenny.

Tama sila! Sobrang boring. Nakahiga ako ngayon sa sahig! Oo sa sahig! Haha. Habang sina Brix at Jerome, nakaupo sa single couch. Si Jen, nakahiga din sa sahig, kasama ko. At si CJ, nakaupo sa ulonan ko.

Biglang napatayo si Brix.

"Aha! What if mag-malling nalang kaya tayo?," sabi niya.

"Tama! Gora tayo diyan!," pagsasang-ayon ni Faye.

"So, ano? Game?," tanong niya samin. Agad naman kaming umayos.

••••••

"So, yung van namin ang gagamitin natin?," tanong ni Marcus.

"Of course. Hindi naman tayo kasya sa kotse ni Jerome," pamimilosopo ni Faye sa kaniya. Pinitik naman ni Marcus ang noo ni Faye.

"Aray! Masakit yun ah! P*ksh*t ka! Huhu. Napisat ata yung nag-iisang tigyawat ko," mangiyak-ngiyak na sabi ni Faye.

"Kawawa siya," dagdag pa niya. Para siyang baliw. Binatukan siya ni Marcus.

"Aray ko naman Marcus! Nakakadalawa ka na hah!," reklamo niya sabay palo sa braso ni Marcus.

Pinitik naman pabalik ni Marcus ang tenga niya.

"Aray ko MARCUS! KALALAKI MONG TAO, NAPAKASADISTA MO! Pasalamat ka...," napangiti ako ng palihim. Haha. Mga galawa ni Faye.

"Ay talandi ka teh! Hahaha," sabay tawa ni Jenny. Actually, siya lang yung tumawa -_-

"Ha-ha-ha. Ang saya mo. Tara na nga," sabi ni Brix tapos siya na yung naunang pumasok sa van nila Marcus.

Pumasok na din kami.

Uupo na sana ako sa tabi ni Jerome ng hilain ako ni ZK.

"B-bakit?," tanong ko. Imbes na sagutin niya ako ay tumingin siya kay Jerome na nakatingin din pala samin.

"Wala naman sigurong masama kung ako katabi niya diba?," tanong pa niya kay Jerome. Dahan-dahan namang tumango si Jerome.

"Don't worry Jerome. Wala naman akong masamang balak sa kaniya.......I guess," hindi ko naintindihan yung huling sinabi niya dahil hinila niya ako sa tabi niya. Gaya ulit nung pauwi kami galing sa Falls, sa pinakalikod kami umupo.

Si Jenny yung nasa Driver's seat. Ok lang naman yun dahil alam naman niya. Mas magaling pa nga siyang mag-drive kaysa kay Marcus. Sa Passenger's seat naman umupo si Faye. Para nga siyang bata. Inilabas niya ang braso niya. Tapos nagsisisigaw habang tumatakbo ang van. Ilang beses nga namin siya sinuway eh pero binelatan lang kami. Kaya hindi namin siya sinaway. Bahala siya diyan.

Habang sina Jerome naman at Marcus, sila ang magkatabi.

Napatingin ako sa katabi ko na kanina pang nakatingin sa akin.

"What?," kunot noo niyang tanong.

"Anong 'what' ka diyan? Bakit ba kanina ka pa nakatingin sa akin? May problema ba sa mukha ko?," tanong ko sa kaniya. Actually, I'm just acting 'cool' kuno para hindi mahalata na kinakabahan ako. Kanina pa kasi wagas kumabog itong dibdib ko! Yung mga internal organs ko, feeling ko nagkandabuhol-buhol na dahil sa mga paru-paro na nagpapaparty sa loob ng tiyan ko! Ghad! Bakit ang OA ko?

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon