Enter 61: First Fight

5.1K 269 13
                                    

[Klark's POV]

Naisipan kong pumunta sa kwarto ni CJ. Wala lang naisip ko lang na baka nandun siya. Wala si Alice. May pinuntahan sila ng yaya niya.

Hindi nga ako nagkamali. Nandun siya. Nakatayo malapit sa may bintana. Hindi niya ata ako napansin kaya dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Pagkatapos ay niyakap ko soya mula sa likod.

"Z-ZK?," gulat niyang sabi at lumingon siya sa akin.

"Hmm?," naramdaman kong hinawakan niya ang dalawang kamay ko at humarap siya sa akin.

"Narinig ko yung huling sinabi mo kay Jona kanina," diretso kong sabi.

Ngumiti siya sa akin.

"Alam ko," sabi niya.

"Huh?"

Napatawa siya ng mahina.

"Alam kong narinig mo yung sinabi ko. At totoo yun. I mean it," nakangiti niyang sabi at saka niya ipinatong ang noo niya sa noo ko mismo.

"Sabi mo yan ah. Naku! Kapag hindi totoo, babaliin ko buto mo," biro ko. Niyakap niya ako pabalik.

"Haha. Oo naman. Takot ko lang sa'yo," natatawa niyang sabi. Ikiniskis pa niya ang ilong niya sa ilong ko.

"I love you ZK," bulong niya.

"I love you too CJ," bulong ko din. Nakangiti siyang hinalikan ako.

"Kuya!!!!!! Nasaan kayo? Are you there?," agad kaming napabitaw sa halikan namin nang marinig namin ang sigaw ni Alice. Natatawa kaming binuksan ang pintuan.

"What are you doing there?," curious na tanong ni Alice.

"Wala naman bebe Alice. May ginawa lang kami ni Kuya Josh mo," sagot ko. Napaisip naman siya.

"Ano naman ang ginawa niyo kuya Klark?," natawa ako bigla. Alangan namang sabihin ko, 'nagyakapan at naghalikan kami ng kuya mo'.

Nagkatinginan kami ni CJ at natawa din siya. Binuhat niya si Alice at siya na ang sumagot sa tanong ng paslit.

"Nilinis lang namin ang kwarto ko baby girl," sabi nito at saka niya hinalikan ang pisngi ni Alice.

"Ah ok po," sabi niya habang humihikab.

"Inaantok ka?," tanong ng kuya niya. Tumango naman si Alice.

Hinawakan ako ni CJ sa kamay at hinila niya ako papunta sa kwarto ni Alice.

"Tulog ka muna," sabi ni CJ ar ipinahiga si Alice. Agad namang pumikit si Alice.

Nang makatulog si Alice ay lumabas na kami kaagad.

•••••••••••
Nakatambay kami ngayon sa garden nila. Dalawa lang kami ni CJ ang nandito. Si Jona? Hindi ko alam kung saan yun nagpunta.

Niyaya ko sina Brix kanina pero sabi niya, may ginagawa daw sila. Next month na kasi ang Founding Anniversary ng Aeden Academy.

"Kantahan mo ako," bigla ko lang naisip, gusto ko ulit marinig yung boses niya.

"Ayoko," sabi niya kaya napasimangot ako.

Hinawakan ko ang laylayan ng damit niya.

"Please?," pacute ko.

"Ayoko," lalong humaba ang nguso ko.

"Sige na kasi!," pagpupumilit ko.

Bumangon naman siya mula sa pagkakahiga sa lap ko at tumingin sa akin.

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon