Enter 7: Like A Happy Family

15.4K 545 17
                                    

[Klark's POV]

Napanganga nalang ako dahil nandito na kami sa bahay, ay mali. Mas magandang sabihing MANSION nina Josh.

Yes! Mansion with a capital letter M! Ang laki talaga. Gate palang, mahahalata mong mayaman ang may-ari. Nakakahiya tuloy pumasok.

"Ano pang ginagawa mo diyan? Bakit hindi ka pa pumapasok?," tanong ni Josh na nasa pintuan na.

"Kasi..."

"Aish! Ang dami pang drama!," tinignan niya ako ng masama tapos lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa braso. And guess what? Kinaladkad niya ako papasok ng mansion nila.

Pagpasok namin, bumungad sa amin ang sampung katulong. (Nabilang mo?)

"Good afternoon Young Master," bati nila tapos yumuko sila. Ang sosyal. Nakakahiya talaga. Binitawan na niya ako. Salamat naman. Kaya tumigil ako sa paglalakad at tumalikod. Hahakbang palang sana ako pero nagsalita siya.

"Saan ka pupunta?," tanong ni Josh at hinawakan ang damit ko. Napapikit ako. Naman! Hindi ba niya nahahalata na naiilang at nahihiya ako? Kainis talaga.

"Ah eh....gusto ko lang makita yung labas ng bahay niyo...tama! Yun nga!! Hehe," nag-cross finger pa ako baka sakaling gumana.

"Tsk. You can't fool me Zhane !," sabi niya.

Zhane...

Zhane...

Zhane...

Zhane...

D-did...did he just call me by my first name? Bakit...parang...Isa lang kasi ang tumatawag sa pangalang yan...kundi si Papa.

"Hehe," sabi ko tapos tinanggal ko yung kamay niya pero...mas hinigpitan pa niya ang paghawak sa damit ko.

"Kuya Josh??? Waaaaahhhhh!," biglang nabitawan ni Josh ang damit ko at tumingin sa batang sumigaw. Kaya lumingon nadin ako. Nakita ko ang sobrang cute na baby girl na nasa hagdan siya at may hawak na teddy bear. Sobrang cute talaga parang girl version ni Josh. (So, cute din si Josh?)

"Waahh? Kuya ikaw nga. I really missed you," maluha-luhang pa niyang sabi tapos dali-dali siyang bumaba sa hagdan.

"Hey hey! Don't run baby Alice! Aish. Sabi ng wag tumakbo eh," walang ibang nagawa si Josh kundi tumakbo at inalalayan ang kapatid niya. Agad na niyakap ng Alice si Josh at binuhat siya ni Josh.

"Kuya! (T_T)," nakita kong nag-half smile si Josh. A-ang...ang GWAPO!

"How are you baby Alice? Are you behave?"-Josh

"Oo naman kuya. Anyway, I'm okey naman. How about you? How are you," tanong pabalik ni Alice sa kuya niya.

"I'm surely fine," ewan ko pero bigla akong napangiti. Ang cutr nilang tignan.

Napansin ako ng bata...

"Kuya....who is he?," kunot-noong tanong ni Alice sa kuya niya.

"Ahm...Hi...?," bati ko sa kaniya tapos kumaway ako sa kaniya at ngumiti.

Humarap sa akin si Josh at ibinababa si Alice.

"Alice, this is Kuya Klark. Say hello to him, come on," sabi ni Josh.

Tumingin sa akin si Alice ng seryoso. Mata sa mata mga kuys. Napalunok ako. Para bang sinasabi niya na.. 'Who are you? What are young doing here with my brother?'

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon