Enter 29: Wrong Move

9.8K 437 13
                                    

[Klark's POV]

Kasalukuyan akong nakalutang ngayon sa tubig. Di pa ako patay ok? Haha. Ang lame -_-

Hays. Since nandito na ako sa swimming pool area  naligo na ako.

I sighed again.

Hindi parin ako makapaniwala sa sinabi ni CJ. Ako ang problema niya? Bakit? Hindi ko siya maintindihan. Ano bang nagawa ko?

Nagsimula naman siyang maging ganun simula nang dumating kami ni Jerome. At mas laling lumala ang mood niya simula nang banggitin ni Jerome tungkol sa nararamdaman niya sakin.

CJ ano ba talagang problema mo?

"Klark?!," may narinig akong tumawag sa pangalan ko kaya inayos ko ang sarili ko tumayo habang nasa tubig parin.

It was Brix.

"Anong ginagawa mo diyan?! Hibang ka na ba?!," gulat niyang tanong na para bang natataranta na hindi ko maintindihan.

"B-bakit?," tanong ko pabalik.

"Hayst! Sira ka talaga! Alam mo bang bawal ang kahit sino mang pumasok dito maliban sa pamilyang Park?!," natigilan ako.

"A-ano?," yan lang yung lumabas sa bibig ko dahil sa gulat. Klark, ano na naman itong ginawa mo?

"Umahon ka na diyan bago pa mas lalong mag-init ang ulo ni Christian," sabi pa niya.

Mas lalong mag-init ang ulo? What the...

Agad akong umahon. Pagka-ahon ko ay agad niyang pinitik ang noo kom

"Aray! Brix masakit!," reklamk ko habang hinihimas ang aking noo.

"Tss. Hindj mo ba narinig yung sinabi ni Ms Bianca bago tayo umalis ng Academy na bawal pumunta ang kahit sino sa swimming pool na 'to?," sabi niya.

Agad akong umiling.

"Ibang klase ka! Tara na nga! Aish!," inis niyang sabi tapos umalis siya. Sumunod na din ako.

•••••||

Gabi na at kasalukuyan naming pinapalibutan ang malaking camp fire.

Kumakanta kami ngayon ng Dating Tayo ni Tj Monterde.

Ewan ko sa kanila kung bakit yun ang naisipan nilang kantahin. Ako ang kasalukuyang naggigitara. Hiniram ko ito kay Bob.

Lahat kami ang kumakanta. Mali...si CJ lang pala ang hindi. Nanag matapos ang kanta ay agad kong binalik kay bob ang gitara niya.

Tinignan ko si CJ.

Nakasuot siya ng headphone at halatang wala siyang pake sa nangyayari sa paligid niya.

Kaso bigla siyang tumingin sa direksyon ko kaya agad akong umiwas ng tingin.

"Klark," tawag sakin ng katabi ko, si Jerome.

"Bakit?," tanong ko.

"Wala. Hehe," tapos napakamot pa siya sa batok niya.

"Eh...bakit nga? May kailangan ka?," tanong ko ulit.

"Uhm...pwede bang mag-usap tayo?," sabi niya kaya napakunot ang noo ko.

"Bakit?," tanong ko ulit.

"Basta," sabi niya.

"Ok," sabi ko.

Tumayo na kami bago nagpaalam kina Ms Bianca. Biniro pa nila kami na baka daw may kung anong gawin namin. Napailing nalang ako sa ideya nilang yun.

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon