Enter 51

7.2K 324 1
                                    

[Klark's POV]

"CJ! Ano na? Ang tagal mo!," sigaw ko habang hinihintay siya.

Ang tagal niya! Kanina pa siya sa kwarto niya!

"Coming!," sigaw niya pabalik.

"Ugh. Ang tagal-tagal mo. Kanina ka pa diyan!," sigaw ko ulit.

Ang tagal niya talaga!

Anyway, ngayon na ang start ng second semester.

"CJ ano ba? Ang tagal mo na diyan! Ugh!," ano bang meron at ang tagal niyang lumabas?

1 minute

2 minutes

3 minutes

4 minutes

5 minutes

"CJ ano ba? Iiwan na talaga kita! Ang tagal-tagal mo! Ano bang meron diyan sa kwarto mo?," tumayo ako at kinatok siya.

"Sandali lang naman!," sigaw niya pabalik.

"Kanina pa yang sandali na yan!," sigaw ko din pabalik.

Umagang-aga nagsisigawan kami. Ang tagal-tagal naman niya kasi.

"Bahala ka diyan! Aalus na ako," sigaw ko ulit. Tumalikod na ako at kinuha ang bag ko at dalawang books.

Saktong pagbukas ko ng pintuan ay siyang paglabas din ni CJ. Bigla akong natulala.

Ang h-hot niya sa suot niya. Simpleng uniform lang pero p*ksh*t na malutong!

Dahil nga natulala ako, hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala siya. Amoy na amoy ko ang panlalake

"Done checking me out?," ngisi niyang tanong kaya napaiwas ako ng tingin.

"Checking me out you face. Ang tagal mo," sabi ko sa kaniya at tumalikod.

I heard him chuckle. Maglalakad na sana ako nang kunin niya sakin ang librong hawak ko at ang bag ko.

"Wuy bakit mo kinuha? Akin na yan," sabi ko kaniya pero ngumiti at umiling siya.

"Nah. Ako na," ngiting-ngiti niyang sabi.

Nilagay niya sa kanang balikat niya ang bag ko. Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad na kami.

Hindi ko mapigilang mapangiti. Ang saya sa feeling. At nakakakaba. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ganun parin. Walang nagbago sa nararamdaman ko kapag nasa tabi ko siya, kapag hawak niya ang mga kamay ko, sa simpleng pagngiti niya at marami pa. >////<

"Nangiti ka na niyan?," sabay baling niya sakin.

"Heh!," sabi ko pero nakangiti parin.

Nagtaka ako nang nilagpasan niya ang elevator at dumiretso kami sa hagdan.

"Bakit nasira ba yung elevator?," taka kong tanong.

"Nope," simple niyang sagot.

"Huh? Eh bakit dito sa hagdan tayo dadaan?," tanong ko.

Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. Nakangiti siyang tumingin.

"Gusto ko lang kasing maranasan yung maglakad sa hagdan habang hawak-hawak ang kamay ng taong mahal ko," and that makes my cheeks turn into red.

"A-ang dami mong alam," utal kong sabi.

"Isa lang naman ang alam ko," sabi niya.

"Anong pinagsasabi mo diyan?," tanong ko.

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon