Enter 70: Iloveyoumore

4.4K 217 5
                                    

[Klark's POV]

Kanina pa ako tulala at hindi makapag-isip ng tama. Napabuntong hininga ako.

Napalingon ako sa pintuan nang bigla itong bumukas at pumasok si Jona.

"J-Jona? Bakit? Anong kailangan mo?," taka kong tanong.

Ngumiti siya bago umupo sa tabi ko.

"Uhm...babalik na ako sa States," bigla akong napatingin sa kaniya.

"Huh? Bakit naman?," taka kong tanong.

Napayuko lang siya at hindi sumagot.

"Dahil ba kay tito R-Rod?," bigla kong tanong.

Napalingon naman siya sa akin.

"H-Huh? Paano mo alam?," tanong niya pabalik.

Ngumiti ako sa kaniya ng mapakla.

"Halata naman eh. Alam ko namang si Tito ang nag-utos sa'yo na paghiwalayin kami ni CJ. Narinig ko kayong dalawa ni CJ na nag-uusap nun. Hindi ko nalang sinabi dahil alam ko namang wala kayong balak na sabihin. Pero wag kang mag-alala, hindi naman ako galit dahil hindi niyo sinabi sa akin," napayuko ulit siya dahil sa ipinagtapat ko.

Patingin ako sa bintana ng kwarto.

"Kanina, nakita kong nag-aaway sina Tito at CJ"-Ako

"Huh?"

"Halata ngang ayaw sa akin ni T-tito," yumuko ako nang biglang bumagsak ang luha ko.

"K-Klark..."

"Ngayon, alam ko na kung ano ang ibig sabihin ng sinasabi sa akin ni CJ. Kaya pala sinabi niya kagabi na walang bibitaw kasi gustong maghiwalay kami ni CJ kasi halatang ayaw niya sa relasyon namin. Ayaw niya sa akin. Hindi niua kami tanggap," naramdaman ko ang yakap ni Jona.

"Matatanggap niya rin kayo. Tiwala lang," sabi niya sa akin.

"Sana nga Jona. Sana nga," bulong ko.

"Ipakita mo sa kaniya na karapat-dapat kang boyfriend para kay Josh. Alam kong matatanggal ka niya. Matatanggap niya rin ang relasyon niyo. Si Tita nga natanggap niya nga diba? Kaya walang imposible na matatanggal niya rin," tumango nalang ako bilang sagot.

"Tahan na Klark"

"Salamat"
•••••••••••

"Ingat kayo," sabi sabi ni Jona.
Niyakap ko siya bago siya tuluyang sumakay ng eloprano.

"Tara na?," aya sa akin ni CJ. Tumango nalang ako.

Hinawakan niya ako sa kamay. Hanggang ngayon iniisip ko parin ang pag-aaway nila CJ kagabi.

Habang palabas kami ng airport ay magkahawak kami ng kamay. Grabe nga kung makatingin ang ibang tao pero pinapabayaan namin pero kapag si Tito Rod ang nasa harapan namin, natatakot ako ╯︵╰

"ZK...kanina ka pa tahimik diyan. May problema ka ba?," tanong sa akin ni CJ nang makapasok kami sa kotse niya.

"W-wala. Wala akong problema," sagot ko sa kaniya.

Tinignan niya ako ng maiigi.

"Okay," simpleng sabi niya.

Okay fine. Nadismaya ako sa sagot niya. Hindi man ba niya ako pipilitin na sabihin sa kaniya? OA na kung OA pero....hays.

Habang nasa biyahe kami ay sa labas lang ako ng bintana nakatingin.

•••••••••
"ZK, gising," rinig ko ng kung sino kaya dumilat ako.

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon