Enter 60: Argument

5.2K 295 43
                                    

[Klark's POV]

I have a good news and bad news.

Anong uunahin ko? Good news or the bad news?

Sa good news nalang muna tayo. The good news is, wala kaming pasok for the whole week. At dito sa bahay nila CJ kami mag-i-stay.

And the bad news is, nandun parin si Jona. At dalawang linggo siya dito sa bahay nila.

"Good morning sweetheart," and here we go! Nandito na ang panira ng umaga.

Lumingkis pa siya sa CJ. I rolled my eyes mentally. Hello! Nadito ang boyfriend kung hindi siya aware!

Umiling si CJ at lumayo siya kay Jona saka siya lumapit sa akin.

"Good morning," bati niya sa akin.

Ngumiti ako bago siya binati pabalik. Hahalikan pa sana niya ako nang umiwas ako.

Napasimangot siya samantalang narinig namin ang mahinang hagikgik ni Alice habang nakatingin sa amin.

"Tsk," inirapan pa ako ni Jona na hindi ko nalang din pinansin.

Kaming apat lang nandito sa bahay nila. Ako, si CJ, Jona at si Alice. Si Tita naman, nasa Academy.

"Kain ka na," sabi ni CJ.

Tumango nalang ako at umupo sa tabi ni Alice.

"Sweetheart, paabot naman ako ng bread. Please?," rinig kong sabi ni Jona. Tsk. Bakit ganun siya magsalita? Ang pabebe! Umagang umaga!

Pero hindi pinansin ni CJ. Nilagyan niya ng sinangag ang pinggan namin ni Alice.

"Kumain ka ng marami Love. Ikaw din Alice, okay?," sabi sa amin ni CJ.

"Haha. Ano ba yan Love. Hindi naman ako bata para paalalahanan mo," natatawa kong sabi.

Napansin kong nagdadabog si Jona dahil hindi siya pinansin ni CJ.

••••••••••••||
[Jona's POV]

Isang daang malutong na 'bwisit'!  Nakakainis ka Josh! Lalo ka na Klark! Hindi ko alam kung ano ba ang nagustuhan ni Josh sa'yo! Isa ka lang hamak na bakla! Nakakap*ny*ta!

Nagdadabog ako habang naglalagay ng sinangag sa plato ko.

Josh, bakit ba yang Klark ang minahal mo? Bakit sa lalaki pa? Ano bang meron sa kaniya na wala sa akin? Nang matapos akong kumain ay agad akong lumabas ng bahay nila at dumiretso sa garden.

Napabuntong hininga ako.

Naalala ko bigla nung sinabi sa akin ni Josh na may mahal siyang iba.

[Flashback]

"Josh!," tawag ko sa kaniya.

"Hmm? Bakit?," tanong niya sabay lingon sa akin. Hays. Ang gwapo talaga niya. Napabuntong hininga ako. Kaya mo 'to Jona!

"M-may sasabihin pala ako sa'yo," kinakabahan kong sabi.

"Ano naman yun?," tanong niya ulit.

"Pero ipangako mo munang hindi ka mabibigla," I said. Tumango naman siya.

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon