Enter 52: Officially Yours

7.6K 401 11
                                    

[Klark's POV]

Isang linggo na ang nakalipas! At sa isang linggong 'yun, halos mamatay na ako sa kilig. Haha. Araw-araw akong hinahawakan ni CJ sa kamay. Nandiyan yung bigla bigla niya akong hahalikan sa pisngi, sa lips at sa noo. Hindi lang yan. Nandiyan pa yung bigla bigla niya akong yayakapin mula sa likod. Basta madali siyang bagay na nagagawa para pakiligin ako. Konting-konti nalang CJ. Konting-konti na talaga ^.^

Anyway, papunta kami ngayon sa bahay nila CJ.

Bibisitahin daw namin si Alice. Pumayag na ako tutal matagal-tagal ding namang hindi ko nakita si Alice.

••••••••••••••

Pagdating namin ay nasa labas na si Alice.

Napatayo siya nang makita niya kaming lumabas ni CJ sa kotse.

"Waaahhh! Kuya Josh! Kuya Klark!!!!," sigaw niya at pareho niya kaming niyakap. Hanggang binti lang namin siya.

Lumuhod kami pareho ni CJ. Niyakap niya ulit kami.

Bigla siyang naiyak.

"Bakit ka umiiyak?," tanong ko.

"I just miss you two so much! Bakit ngayon niyo lang ako binisita?," nakangusong tanong niya habang umiiyak siya.

"Busy kasi kami. Naiintindihan mo naman diba princess?," mahinahon na sabi ni CJ. Pinunasan niya ang luha niya.

"Yeah Kuya. Ang importante, nandito na kayo. Anyway mga kuya, may ginawa pala kami Yaya para sa inyong dalawa," hinila nuya kaming dalawa papasok sa bahay nila.

"Yaya! Where's the cake???," sigaw ni Alice.

Lumabas yung katulong nila mula sa kusina na may dalang cake.

"Tikman niyo po"-Alice

Tinikman namin. Masarap!

"Ang sarap naman!," sabay na sabi namin ni CJ.

Napalakpak naman si Alice.

"Yey!!!," sigaw pa niya habang tumatalon.

Pinatigil naman si CJ at pinaupo.

Pagkatapos naming kumain ng cake, hinawakan ni CJ ang kamay ko.

"Tara," sabi niya.

"Saan?," tanong ko.

Ngumiti siya sa akin bago niya sinabing "Basta"

Tumayo kami. Napatingin sa amin si Alice habang nakakunot ang noo. Tumingin siya sa kamay naming magkahawak.

"Kuya Josh, why are you holding Kuya Klark's hand?," kunot noong tanong ni Alice.

"Because I want to," sagot naman ni CJ.

"Talaga po? Hindi po ba dapat babae ang hinahawakan mo ng kamay?,"

"Saan mo naman yan nakuha?," tanong naman ni CJ.

"Sa TV po," sagot ni Alice sa kaniya.

Natawa kami ni CJ. Ang cute kasi ng expression niya.

"Kuya..."

"Bakit?," sabay na sabi namin ni CJ.

"Mag b-boyfriends po ba kayo?," nahihiyang tanong ni Alice. Syempre nagulat kaming dalawa ni CJ. Sino bang mag-aakala na isang bata ang magtatanong sa amin ng ganiyan?

"Yes princess....," agad kong nakurot si CJ. Kung ano ano sinasabi! Sa bata pa!

"No bebe Alice. N-nililigawan palang ako ni Kuya Josh," nauutal kong sabi.

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon