Enter 21: Feed Me/ That Was Fun

12.2K 471 15
                                    

[Klark's POV]

Nandito na kami sa meeting place namin. Mangilan-ngilan palang kami dito dahil 6:30 pm palang naman. Sina Brix at Jerome, natutulog.

Katatapos lang namin manood ng sunset kanina. Me, Brix and Jerome.

Itong meeting place namin ay Malapit lang ito sa dagat at malaking cottage. (Cottage pa ba ang tawag dun? Haha. Ewan)

Napayakap ako sa sarili ko nang naramdaman ko ang malamig na hangin mula sa dagat. Geez. Nakalimutan ko yung jacket ko sa kwarto namin.

Nagulat ako nang may naramdaman akong may naglagay ng jacket sa likuran ko. Paglingon ko sa likuran ay wala naman akong nakitang tao. Huh?

Sino naman yung naglagay neto? Strange. Tinignan ko ang mga kasama ko dito, parang wala naman silang napansin dahil may sarili naman silang sariling mundo. Yung iba naman ay natutulog sa upuan nila mismo.

Nagkibit balikat nalang ako. Well, thank you nalang sa kaniya. Kung sino ka man, THANK YOU! HULOG KA NG LANGIT :*

•••••||

7 pm na kaya...KAINAN NA! Hahahaha

Ang daming pagkain *O*

"Bago tayo kumain, let's pray first. Coach paki-lead," Ms Bianca siad. Tumango naman si Coach tapos we bowed our head and closed our eyes.

Nagsimula ng magdasal si Coach.

"Amen" tapos sabay kaming nag-sign of the cross.

"Kainan na!!!," sigaw nilang pareho nina Coach at Ms Bianca. Well, boodle fight ang gagawin namin.

Ang sarap ng pagkain.

Habang kumakain kami ay may kumukuha samin ng litrato.

"Ay wit lang. Picturan ko kayong lahat," sabi ni Geoff.

"Sure," we agreed.

Pagkatapos niya kaming kunan ng litrato ay napatingin ako sa katabi ko- Si Josh! Yep! Tapos na haralan ko naman si Jerome. Then si Brix, nasa tabi ko.

Balik tayo kay Josh, nakakatawa dahil halatang hindi niya alam magkamay!

"What?," inis niyang tanong sakin habang nakayuko.

I laugh silently.

"Hey! Don't laugh!," bulong niya sakin.

I bit my lower lip to control from smiling. Ang cute niya kasi. Para siyang bata na first time magkamay.

Kumuha ako ng kanin na may nahimay na isda.

"Here, say ahhh," sabi ko. Susubuan ko kasi siya.

"What?," gulat niyang tanong.

"Just open your mouth. Promise, masarap to!," nakangiti kong sabi. He slowly open his mouth tapks kinain yung nasa kamay ko.

Napansin ko yung pamumula ng tenga niya. Yiee! Ibig sabihin, may  apekto sa kanya yung ginawa ko? Haha. Lakas maka-assume >.<

Busy yung mga kasama naming kumain kaya hindinnila napapansin yung pagsubo ko ng pagkai  kay Josh.

Pero nagkamali ako. Nakatingin pareho sina Jerome at Brix samin. Brix smirks. Pero seryosong nakatingin samin si Jerome. Nakangiti lang to kanina bakit ngayon seryoso na?

"Ang sweet. Para-paraan," bulong ni Brix sakin kaya sa kaniya ako tumingin.

Palihim kong inapakan ang paa niya.

"Aww!!," dahil napalakas ata yung pagkakaapak ko sa paa niya, napalakas din yung sigaw na.

"May problema ba Mr Hayate?," Coach asked.

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon