Enter 22: HIS POV

12.1K 533 22
                                    

[Josh's POV]

Damn. Hindi ko na napigilan! Sorry Mom pero hindi ko ata magagawa ang pangako ko.

Ang tagal ko itong hinintay na tawagin soyang ZK. After how so many years....matatawag ko ulit siya sa nickname niyang yun. Namimiss ko ding tawagin niya ako sa pangalang CJ.

Oo ako si Someone. Yung someone na tinitignan ko siya habang kasama niya ang g*gong Valdemor nayun. Ako yung someone na palaging nagpipigil kapag nasa harapan ko siya.

Nakita kong pinikit niya yung mga mata niya na parang may inaalala.

Tapos bigla siyang nagsalita.

"Tama. I already heard that name. That ZK. T-that kid....," nakita kong tumulo ang luha niya.

"H-hey. Why are you crying?," nataranta ako. Agad kong pinunasan ang luha niya tumutulo. Pero nakalimutan kong may ketchup pa pala tong kamay ko kaya may lalong kumalat yung ketchup sa mukha niya.

"H-huh? Ako? Umiiyak?," taka niyang tanong. Tumango ako.

Hinawakan niya ang gilid ng mata niya.

"Umiiyak na ako!," gulat niyang sabi na para bang hindi siya aware. Bumangon siya at umupo.

"So tell me, why are you crying?," I asked again.

"H-hindi ko alam master Jo-," I cut him off.

"I said, call me CJ"

"Ok. CJ. Hindi ko alam k-kung bakit ako umiiyak. It's just...ugh. Hindi ko talaga alam," tapos yumuko siya. I smiled. I missed this kind of scene.

Yung tatanungin ko siya kung bakit siya umiiyak tapos ang sagot naman niya, hindi daw niya alam. That's my ZK <3

Naaalala ko tuloy kung paano kami unang nagkakilala.

[Flashback]

-Five years ago-

Kasalukuyan akong naglalaro sa sala habang hinihintay ko si Yaya Ma (my yaya since birth).

"Josh, nandito na ako!," rinig kong sabi ni yaya ma dahil boses pala, kilalang kilala ko.

"Yaya Ma-," napatigil ako dahil may kasama siya. Waah! Ang cute niya. Hindi ko alam pero may naramdaman akong kakaiba. Bigla akong kinabahan. Yung feeling na sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hala! Bakit ganito nararamdaman ko?

Nang mapansin ng bata na nakatingin ako sa kaniya ay agad siyang nagtago sa likuran ni yaya ma.

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon