Enter 38: Picnic (Part I)

9.2K 372 3
                                    

[Klark's POV]

Saktong nakapagbihis ako nang pumasok sina Jenny at Faye dito sa kwarto ko.

"Ginagawa niyo dito?," tanong ko sa kanila.

"Update ka naman sa lablayp mo bes," natatawang sabi ni Jenny.

"Anong update na sinasabi mo diyan?," natatawa ko ding sabi.

"Sus! Kunwari ka pa! Haha. In fairness, gwapo ni kuyang manliligaw pati si BESTFRIEND 'kuno'. Tarang barber shop, paputol natin yang buhok mo!," hirit din ni Faye.

"Teka lang Faye bakit hindi mo sinama si Marcus?," ngising tanong ni Jenny.

"O-oh bakit? Hindi sinama agad? Hindi ba pwedeng nakalimutan lang?," utal niyang depensa.

"Sus teh girl! Selos ka lang eh!," sabay tawa namin ni Jenny. Kung hindi niyo naitatanong, may gusto si Faye kay Marcus but...err...sabi ng dalawang lokaret na ito, may gusto daw itong si Marcus sakin! Juice ko! Hindi ako naniniwala sa kanila noh. Haha.

"Ang sama niyo sakin!," nakabusangot niyang sabi sabay hampas samin. Natawa lang kami sa kaniya.

"Teka! Bakit ba ako pinagkakaisahan niyo? Diba dapat Jenny, si Klark ang pagkakaisahan natin! Ano 'to? Nag-iba agad ang plano?," tapos namilog pa ang mata.

"Oo nga noh! Haha. Anyway Klark, marami kang ikukuwento!," sabi niya.

"Huh? Tungkol saan?," tanong ko.

"Tungkol kay kuyang suitor at kay kuyang gwaping na bespren!," sabay nilang sabi. Bigla akong nailing pero ano ba naman itong dalawang ito.

"Oyt! Namumula siya!," hirit ni Jenny.

"H-hindi ah," sabay talikod ko sa kanila at kunwari may ginagawa. Kasi naman >/////<

"Kunwari ka pa!," ayun sinundot-sundot nila ako.

"Ano ba! Isa! Tumigil kayo!," natatawa na naiinis na sabi ko.

Magsasalita pa sana kami nang bigla bumukas ang pinto at pumasok si Brix. Nakakunot ang noo at halatang naiinis.

"Ano? Magkukulitan nalang kayo diyan? Hindi pa ba kayo lalabas? Hihintayin niyo pa bang mag-away ang tatlong yun?," napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Mag-away ang tatlo?," paglilinaw kong tanong.

"Oo na! Eto namang si kuyang Brix! Eto na lalabas na po kami," sarkastikong sabi ni Faye at hinila kami palabas.

May nangyari ba habang nagliligo at nagbibihis ako? Hays! Bayaan mo na nga! Basta wag lang silang mag-aaway!

Nang makalabas kami ay binitiwan na kami no Faye. Makita naming walang imik ang ang tatlo (CJ, Jerome at Marcus).

"Saan ba tayo pupunta?," tanong ko.

"Picnic tayo sa Falls," nakangiting sabi ni Brix.

"Talaga?," may falls kasi dito! Hindi naman masyadong malayo mula dito sa bahay.

"Ano pang hinihintay natin? Tara na!," sabay na sabi nina Jenny at Faye. Nauna na silang lumabas.

"Teka, may sasakyan ba tayo?," tanong ko sa kanila. Tumingin silang lahat except kay Jerome at CJ.

"Meron. But....," putol na sabi ni Faye tapos tumingin  siya sakin at kay Jerome.

"But...?," kinakabahan kong tanong.

"Sasakay ka sa kuyang manliligaw mo," dugtong ni Jenny sa sinabi ni Faye.

"Ano?!," sabay na sigaw na sabi nina CJ at Marcus.

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon