Enter 23: *untitled*

11.6K 476 8
                                    

[Klark's POV]

Hindi ko maalis sa aking mga labi ang aking mga ngiti. (Lalim hahaha)

Ah basta ganun! Hindi ko mapigilang ngumiti! Sinong mag-aakala na si Christian Josh Park ay kaibigan ko na! Damn!

Kanina....

Nung sinabi niya akong ZK. Hindi ko alam bakit ako umiyak. Nababaliw na ba ako? Hindi naman siguro. Haha.

Alam niyo yung feeling na...parang nangyari na yung scene nayun. Yung sinabi niyang tawagin ko siyang CJ at tatawagin  niya akong ZK. Naguguluhan na ako sa sarili ko. This past few days  din, yung mga napapaginipan ko minsan naiisip kong parang totoong nangyarj yun.

Hindi ko na talaga maintindihan. Minsan nga bigla bigla nalng sumasakit ang ulo. Tapos bigla bigla kong naaalala yung mga napapanaginipan.

Di bale na nga.

Nagulat ako nang makita ko si Jerome. Gising na gising pa siya.

"Klark? Saan ka ba nagpunta? Bakit ngayon ka lang? At bakit ganyang yang mukha mo?," sunod sunod niyang tanong sakin.

"Ang OA mo Jerome ha. Nandun lang ako sa malaking bato," nakangiti kong sagot.

"Sinong kasama mo?," tanong niya.

Sinong kasama ko? Eh.... >/////<

Kyaaaaaah!! Sh*t. Kinikilig parin ako p*ta. Nag-good night siya sakin tapos sweet dreams pa! Hindi lang yun!  May kasama pang ngiti!!! Damn! Lalo tuloy akong nahuhulog sa kaniya.

Wait...did I say...nahuhulog sa kaniya?

Bumuntong hininga ako. Baka hindi malabong mangyari yun. I admit it! Akala ko dati hanggang crush lang...pero bakit ngayon???

"Hello Klark? Wuy!," naramdaman ko ang pagpitik ng noo ni Jerome.

"Aray! Masakit!," ang sakit na talaga. Siguradong pulang pula na 'tong noo ko. Huhu

"Nakatulala ka kasi diyan! Ano? May nangyari ba?," tanong niya.

"Yeah. Actually, may nangyari nga"-Ako

"So, care to share?," he asked.

Umupo kami sa kama niya.

"Alam kong hindi maniniwala sakin pero....magkaibigan na  kami ni CJ," masaya kong balita.

"Cj? Who's that CJ? At sa pagkakaalam ko, wala tayong kasamang nagngangalang CJ," taka niyang tanong.

"I mean si Christian Josh Park a.k.a CJ," I explained.

"Ah. Si Christian lang naman- wait... Si Christian???!," gulat niyang tanong.

"Ah-huh," sabay tango ko.

Kumunot ang noo niya.

"That's weird. Sa tagal kong kakilala si Christian wala pa akong nababalitaan na naging kaibigan niya. Well, except nung bata siya. If I'm not mistaken, they are best friend to be exact," He said.

"Woah, eh nasaan na yung best friend niya?," taka kong tanong. Hindi ko alam pero parang naging interasado ako sa best friend niya.

"I don't know. Ang alam ko lang ay naaksidente yung best friend niya at nabura si Christian sa alaala niya," bigla akong nakaramdam ng kaba. I feel strange. Hindi ko din alam bakit ganito yung nararamdaman ko.

"G-ganun? Ang t-tragic naman pala ng nangyari sa kanila," saad ko.

"Oo nga eh," sabi niya sabay hikab.

"Inaantok ka na ata. Bakit kasi hindi ka pa natulog?," tanong ko.

"H-hinihintay kasi kita," tila nahihiya niyang sagot.

Tumayo ako and I tapped his shoulders.

"Sus. O sige na matulog ka na. Magha-half bath lang ako," umiling siya.

"Hihintayin nalang kita para sabay tayong matulog," he said.

"Ok," tapos nagkibit balikat ako.

Agad akong nagtungo sa banyo at nagshower.

Ang lamig ng tubig pero ang sarap sa pakiramdam.

Habang nagsha-shower ako bigla kong naalala yung mukha ni CJ na nakangiti sakin. Hindi ko mapigilang mamula ang pisngi ko. Hindi ako makapaniwala na kaibigan na ako ni CJ.

But... I feel really strange. Parang nangyari na ito. Hindi ko lang maalala ko kung kailan at saan yun nangyari.

Ano na ba yan! Kung ano ano iniisip mo Klark. Baka sa movies mo lang yun nakita ang ganung senaryo kaya ganun. Tama! Ganun na nga.

Hindi ko mapigilang iuntog ang ulo ko dahil para akong tanga na kinakusap ang sarili.

Pagkatapos kong maghalf bath ay agad akong nagbihis. Meron namang kulay puting pajama at T-shirt.

Paglabas ko ay nakita kong nakapikit si Jerome habang nakasandal siya sa headboard ng kama.

"Jerome? Jerome. Gising! Umayos ka na ng higa," tapik ko sa balikat niya. Agad naman siyang nagising.

"S-sorry nakatulog ako. Hehe," sabasabay kamot niya sa batok niya.

I smile at him.

"Naku. Ako nga dapat magpasalamat eh kasi hinintay mo ako kaya salamat," ngumti siya sakin at ginulo ang buhok ko. Pinalo ko naman ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin.

Nagpeace sign lang siya sakin.

Humiga na ako ganun din siya.

"Good night Klark," he said.

"Good night Jerome"

Pinatay na namin yung lampshade sa tabi namin. Bongga diba? Haha. Feel at home lang :D

GOOD NIGHT EVERYONE!
•••••||

Pagkagising namin ay agad kaming dumiretso sa cottage. Nadatnan namin nandun na pala silang lahat...ay wait...si CJ wala din.

"Nandito na pala kayo. Umupo na kayo para makakain na tayo," sabi ni coach samin.

Umupo na kami.

"Ah si CJ este Josh po?," tanong ko.

"Wala na siya sa kwarto namin pagkagising ko wala na siya," si Brix na yung sumagot bago pa magsalita si Ms Bianca.

"Ah," tipid kong sabi. Saan naman kaya pumunta yun? Bakit hindi siya nagsabi--Stop it Klark! You sound like a boyfriend! As if, magiging boyfriend niya ako -_- As far as I know, straight ang lalaking yun. Pinapamukha pa niya sakin nung pumunta ulit kami sa shop ni Tita Jessie (Magback read kayo sa Enter 9 kung nakalimutan niyo na kung sino si Tita Jessie)

"Ok. Since nandito na sina Klark, I think pwede na tayong kumain," Ms Bianca exclaimed. But before that, nagdasal muna kami.

Nagulat ako nang kinuha ni Jerome ang pinggan ko at nilagyan ng pagkain.

Napa-'oyt' naman ang mga kasama namin. Sina Ms Bianca at coach ay tumawa lang.

Agad kong kinuha kay Jerome ang pinggan ko.

"A-ako na," utal kong sabi.

Ngumiti lang sakin si Jerome.

"Ang sweet," ngising sabi ni Geoff.

Hindi lang namin pinansin si Geoff pero ang ipinagtataka ko ay nakangiti lang si Jerome.

Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa pagkain. Damn. Patuloy parin sila sa pangungilit samin kung ano daw meron samin ni Jerome. Pulang pula na siguro ang pisngi ko. I don't deserve this. Haha.

•••••||
A/N: Alam kong ang lame at boring ng chapter na ito. Sabog kasi yung utak ni Author ngayon kaya sorry✌

*unedited*

VOTE, COMMENT AND SHARE

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon